14

3 0 0
                                    

"Ah, ikaw 'yung anak ng doktor sa Magnolia street?," tanong ni Tita Cindy. "What's your surname again, hijo?"

Kasalukuyan kaming kumakain ng hapunan. When Kuya Francis arrived, Uno started fidgeting due to anxiety. First time ko siyang makitang kinakabahan. Then, there goes Franz and Kamila, si Franz na nakakunot ang noo kay Uno kaya't mas lalong kinabahan ang manliligaw ko. Nang si Daddy at si Tita Cindy naman ang dumating ay hindi siya binati ng dalawa at dumeretso sa dining table.

"Alcantara po," Uno smiled, not even touching the utensils. "Mama ko po 'yung doktor, tapos may business po ang Papa ko sa Switzerland."

"Wala kang kapatid?" Maangas na tanong ni Franz.

Umiling si Uno. "Only child."

"Mamanahin mo ang negosyo ng Papa mo?" Biglang salita ni Daddy.

"Wala naman pong problema iyon sa 'kin. Kaso may serbisyo po ako sa simbahan."

Everyone turned their heads to Uno when they heard what he said. Aba, akala ko ba mga nagsisimba sila? Mukhang ayaw nila sa lalaking maka-Diyos, ah? Nakakatawa talaga sila.

"You want to be a priest!?," Kuya Francis snapped his head in shock. "How can you fucking marry my sister, then?"

Biglang napuno ng tensyon ang kwarto. "I am a man of God. Wala po akong plano mag-pari, nagseserbisyo po ako dahil malapit ang loob ko sa Panginoon. Marrying your sister is never an issue here, Sir." Determinadong sagot ni Uno.

Napanganga ako sa sinabi niya. He was anxious a few minutes ago, tapos ngayon ay napakalakas ng loob niya? Kakaiba talaga ang isang Uno. Nag-iisa ka lang, Juan Isidro Alcantara.

"At kung mabuntis mo siya ngayon?" Franz raised his brow. Siraulo, ikaw lang ang hindi makatiis dito.

Matigas na umiling si Uno. "That will never happen, I assure you that," nilingon niya ako. "I see Heidi as an angel. Kung kaibigan ang tingin niya sa 'kin ngayon ay ayos lang. Kung magugustuhan niya ako pabalik, matutuwa ako ro'n. At walang duda ko siyang pakakasalan.... If that's your concern right now." He gave me a small smirk.

Ang advance naman nila magisip. Kasal agad? Buntis agad? I'm quite unsure... about my feelings for him.

At si Uno... para siyang ibang tao ngayon. Mas seryoso kausap.

"You have no fortune with her." Buo ang boses na pagkakasabi ni Daddy.

At nagulat ako dahil... I'm fucking immune. Wala na akong pake? Wala na akong nararamdaman? I don't feel vulnerable and weak.

But something inside me is still broken.

"She's my whole fortune , Mister." Uno didn't even hesitate to speak.

"Oh, boy, you are just a kid. Malas ang batang iyan sa negosyo at kumpanya namin. What more in your career? Ano bang kurso mo?" Daddy used his authoritative tone.

At sa unang beses, naramdaman kong may kakampi ako. Alam kong nand'yan si Uno para saluhin ako. He won't leave me hanging, I just know.

Sinulyapan ko siya para lang abutan ang mata niyang nakatitig sa 'kin.

"I'm currently taking Dentistry po," seryosong sagot ni Uno. "At paanong mangyayari na malas si Heidi para sainyo? Napakaswerte ko nga sakaniya, e."

Tangina, I want to smile so bad. But I need to hide my emotions.

"Fuck it! I can't stand this anymore!," padabog na tumayo si Franz. "I don't trust that man, Dad! We don't know anything about his credentials and his family's reputation!" Dinuro niya si Uno.

Kalmado akong tumayo. "I won't entertain him if he's basagulero like you, Franz. Syempre naman he's a good guy. I'm sick of..." living with assholes. Hindi ko natapos ang sasabihin ko.

"Siya ba ang dahilan kung bakit hindi ka na nagpapasundo sa 'kin? Huh, Frances!?" Histerikal na sigaw ni Franz na akala mong concern siya.

Matapang akong tumango. "Sabay kaming umuuwi. Siya nga ang dahilan. Ano naman sainyo 'yon? Para namang oras-oras niyo akong hinahanap dito sa bahay." I scoffed.

"Pauwiin mo muna ang bisita mo, Frances." Daddy commanded, kaya wala na akong nagawa kundi sumunod.

Hinatid ko si Uno hanggang sa gate. Gusto ko sana siyang yakapin... goodbye hug sana. Kaso ramdam ko ang tingin ni Kuya Francis sa amin. Isa pa, nakakahiya kay Uno, baka kung ano ang isipin niya.

"Sorry.... They were mean towards you." I bit my lower lip while staring at him.

Bumaba ang tingin niya sa kagat-kagat kong labi. "A-Ayos lang. 'Di bale, b-babawi ako sa susunod. Normal lang ang mga iyan s-sa panliligaw."

"Alright," I smiled. "Next time, then?" He nodded in response.

Bago siya tuluyang tumalikod ay bahagya ko siyang niyakap. Mabilis lamang iyon at may halong beso. Naiinip na kasi ako, ayaw niyang mag-first move. Panay sulyap lang sa kamay ko.

Hindi siya nakagalaw dahil sa gulat. "That was unnecessary, I know." Kibo ko.

"'Wag mo nang uulitin 'yon, Heidi." Nagsalubong ang makapal na kilay niya.

"Bakit? You didn't like it? I'm sorry..."

"Hindi iyon.... Hayaan mong ako ang gumawa ng unang hakbang," I felt my body twitched when he held my arm, squeezing it before hugging me.

His hug is consoling, as if I was hugged by the clouds. Para akong lumulutang dahil sa yakap niya. He's very gentle and his touch feels surreal.

"Uno... my brother is watching yata," wika ko nang magtagal kami sa posisyong magkayakap.

"Magagalit siya? Bakit? Dahil hindi ka niya mayakap ng ganito?" Hinigpitan pa niya lalo ang pagkakayakap.

Sa 'di kalayuan ay narinig ko ang palatak ni Kuya Francis, ako na ang unang kumalas sa yakap.

"Ingat ka, Uno. D'yan lang ang bahay mo pero dahan-dahan lang sa pagmamaneho. Baka may mabibilis na motor or tricycle." Paalala ko sakaniya.

"Yes, Ma'am." He smirked then bowed.

"Can you sundo me tomorrow? Ayaw kong magpahatid bukas sa Rossum, e. You know... they're furious at the moment." Nahihiya kong hiling.

Dumaan ang excitement sa mata niya, na para bang hinihintay niyang sabihin ko iyon. "Sige, sige, sige! Anong oras ba ang pasok mo? Uhh... text tayo? Or Facetime?"

Huh... Facetime? He wants to videocall me? Nangiti ako sa ideyang iyon. I can imagine him doing his projects while his phone is standing somewhere.

Uno is an attractive man, I won't deny that. He smiles all the time, at may pagka-mestizo. I think his natural hair color is brown since his eyebrows are brown, too. His cheeks and lips were tomato red. Mind-blowing physique, given that he goes to the gym. Long hair but I honestly think that mullet cut would suit him because he has a curly hair.

"iMessage is fine," tumingkayad ako para bulungan siya. "Social media apps will do, too. Anything would work for me, Uno."

He chuckled. "Baka kung anong isipin ng kapatid mo," I raised a brow at him, leaning closer. "Baka kung ano ang iniisip niyang pinaguusapan natin na hindi kaaya-aya." Paguulit niya.

Umirap ako. "Don't mind him. Ganito rin sila ng asawa niya... minsan."

"Okay," marahan niyang ginulo ang buhok ko. "Nandito ako bukas kung anong oras mo kailangan."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kill the EmotionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon