5

2 0 0
                                    

"She needs to rest and regain her strength. Hindi biro ang ginawa ni Miss Trevino. She non-violently committed suicide. Do you know any history about Miss Trevino? Kung bakit siya nagkakaganito?"

Sinubukan kong imulat ang mabibigat mata. I can't feel my body.... Why can't I move?

I hummed to get Liv's attention. She immediately cried when she saw me awake.

"Gaga ka talaga! Muntik na akong tumabi sa 'yo sa hukay!" She hugged me.

Tangina, buhay pa ako.

"L-Liv," nanghihina kong tawag sakaniya.

Lumapit naman ang doktor sa amin at sinabing, "don't force yourself to speak, hija. Mabuti pang ipahinga mo muna ang sarili." She adviced.

"D-Doc, I-I can't move." Nagaalala kong sinabi.

"We injected few medications to your body. Huwag kang magalala, it is safe."

Tumango ako at nagpasalamat.

"Anong nangyari, Heidi? Your skin was color gray when I found you in your room!," naluluha niyang kwento. "T-They tried to hide you. Alam pala nila? Noong pumunta ako sainyo, ang sabi nila ay naglayas ka na. Pero hindi ako naniwala. Hanggang sa.... I saw your skeleton body, naglalagas ang buhok mo at halos lumuwa ang mata." She cried.

"I'm okay now, Liv. Uwi ka na, baka hinahanap ka na ni Tita." Tukoy ko sa nanay niya.

"I texted her already. Dadalaw daw siya rito kapag may time."

That day, Liv took care of me. Bawat kilos ko ay mino-monitor niya. Hindi naman ako nagkulang na sabihing ayos lang ako. Siguro'y umeepekto na ang gamot sa katawan ko.

Halos limang araw din akong nakabahay sa ospital. Pakiramdam ko ay wala akong silbi. Ang sabi nila Eileen, na-excuse na raw ako ni Franz sa mga prof.

"Naku, girl, kung nakita mo lang kung pa'no inaway ng kapatid mo si menopause!"

Hiyaw ni Eileen habang katawagan ko sa WhatsApp.

"Oh, anong ginawa?" Walang buhay kong tanong.

"Ayaw ka kasing i-excuse ni prof menopause, kaya iyon, nagwala si Franz! Sayang nga, dapat si Johann nalang ang pumunta rito."

Nahagip si Mindy na kumunot ang noo sa camera. "Gaga, ako ang may kapatid do'n. Hindi si Heidi!"

"Ay, churi na."

Panay kwento ng dalawa ng kung anu-ano. Noong kumulit na sila ay binabaan ko na ng tawag.

Nagpaalam na rin si Liv na papasok. Hindi na ako umangal dahil gusto ko rin namang mapag-isa.

May button naman dito na pipindutin if anything happens.

Pumikit ako hindi dahil sa antok, kundi dahil sa pagod. Limang araw akong nagpapahinga, anong nakakapagod do'n?

Nakakabaliw naman.

Medyo sensitibo pa ang katawan ko. Ultimo sinag ng araw, napapadaing ako sa sakit kapag tumatama sa aking balat.

Ang sabi ni Liv, kailangan ko raw uminom ng vitamins lalo na ang para sa calcium. My bone was really fragile these past few days.

Sayang at hindi pa nabalian.

Sa mga nagdaang araw, walang anino ng pamilya ko. I guess they are disappointed... because I am still alive and breathing.

Ako rin, dismayado na.

My doctor is really attentive. Kada tatlong oras yata siyang pumapasok sa room ko para i-check ako.

I can't wait to go home. Ayoko rito sa ospital, hindi ako makapagyosi, gusto ko ng mag-jogging, gusto kong matulala sa mga puno.

Napakurap ako nang bumukas ang pinto, nakita ko siya na hawak ang basket of fruits at mukhang kakagaling lang sa laro. Basketball siguro? Pwede ring volleyball, soccer, o kung ano.

Tinaasan ko siya ng kilay, bakit siya nandito? Hindi ko naman kamag-anak ang lalaking 'to.

He'll probably wants to piss me off. And I'm not in the mood to argue with him, kaya hinayaan kong pumasok.

"Tulala ka nanaman, Miss Tulala," he smiled. "Anong paborito mong prutas? Maghihiwa ako."

Hindi ako sumagot.

"Noong nakaraan ka pa pala nagising, sorry kung ngayon lang ako nakadalaw. Naging busy kasi ako sa-"

"Hindi naman kita kailangan dito." Mabilis kong putol sa sinasabi niya.

Mas lalong lumawak ang ngiti niya, tila natuwa sa sinabi ko. Anong nakakatuwa ro'n?

"Sure ka, Miss? Eto na nga ako oh, I volunteer!" Natatawa siyang tinaas ang kanang kamay.

Kumunot naman ang noo ko sa kinikilos niya. Ang kulit ng isang 'to.

"Kain ka ng ubas," he gave me a bowl of grapes.

"Nahugasan na ba 'to?" Sinuri ko ang mangkok.

"Ipapakain ko ba sa 'yo kung hindi?," sinamaan ko siya ng tingin. "Joke lang! Syempre malinis ang mga prutas. Baka magka-bacteria ka pa sa tiyan mo, e."

Umirap ako saka suminghap. "I want that one," tinuro ko ang apples.

"Ay, oo naman, Madam. Masusunod agad." Dali-dali niyang kinuha iyon saka umupo sa couch.

Aba, may dala siyang chopping board? At kutsilyo? I can eat the apple without cutting it.

Pinagmasdan ko siya habang naghihiwa ng mansanas. He's wearing a jersey short and a jersey t-shirt. I read the letters written on his back. Alcantara.

"I don't want the apple na pala," taranta siyang napalingon sa 'kin. "I want a salad from Kenny R."

Napakamot siya sa ulo bago tumayo. "Saan ba may Kenny Rogers dito? Sa NLEX lang kasi ang alam ko, e."

Suddenly, an idea popped in my head. "Buy ka na sa NLEX, iyon ang cravings ko ngayon."

"Huh!? Sa NLEX pa!?"

Pumalatak ako. "Why did you even visit me in the first place kung wala kang balak tulungan ako. Mamamatay ako kapag hindi ako nakakain ng salad from Kenny Rogers!" I demanded.

"Heidi, pwede naman kitang ibili ng ibang salad, kahit hindi galing sa Kenny Rogers. Ayos lang ba 'yon?" He asked in a calm tone.

Ngumuso ako. "Then I'll starve to death!"

Bigo siyang bumuntong hininga. "Fine," tumalikod siya at bumulong-bulong pa. "If Heidi wants a salad from Kenny Rogers, she'll get a salad from Kenny Rogers. Okay, noted."

Nagtaka ako sa pagtango-tango niya. He's really weird, is this guy insane or maybe crazy? Kinakausap ang sarili?

I should be frowning right now. But instead, I smiled...

"Huwag kang babalik hanggat walang salad from Kenny Rogers.... Ano ba ang pangalan mo?" I asked out of curiousity.

Binalik niya ang tingin sa 'kin. "Akala ko ba hindi ka interesado?" He teased.

Inirapan ko siya saka humalukipkip.

Kung tutuusin, dapat talaga ay hindi ko nalang siya in-entertain. Nakakagulat lang dahil... nakalimutan ko ang mga problema ko nang makita siya.

"Uno." He spoke.

Ilang sandali bago ako sumagot. "Is Uno your real name? Do you have siblings ba? Dos and Tres?" I joked.

Oh my gosh. Ngayon lang ako nag-joke.

Natawa naman siya. "Juan Isidro Alcantara ang pangalan ko."

"Okay, Uno, get me my salad." Pagtataboy ko sakaniya.

"Stay conscious, Heidi.... Babalik ako."

Kill the EmotionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon