10

0 0 0
                                    

"Ma'am, pinapatawag ho kayo ni Ser sa hapag-kainan," katok ng kasambahay.

Napaayos ako ng tayo, sinenyasan ko si Uno na pumasok na siya sa loob ng bahay nila. Nahuli niya kasi ako kanina na nag-aabang sa bintana. Sigurado akong magtatanong siya kung bakit, ano namang sasabihin ko? Na gusto ko siyang abangan palagi? Nakakahiya naman 'yon. I sound like a desperate girl who's obsessing over him, it's creepy that I look like a stalker, too!

"Pasok ka na," I mouthed.

"Bakit?," he mouthed, smiling. "Ikaw muna."

I waved goodbye. He nodded before grinning.

Bago ako bumaba ay tinignan ko muna ang repleksyon ng sarili sa salamin. My hair falls are getting worst, I have bald spots already. Ang mga buto ko ay sobrang halata na, parang kaunting sagi lang ay kakalas na.

Walang bumati sa 'kin pagkababa. I saw an unfamiliar girl sitting beside Franz. She looked awful, parang kakaiyak lang. Hindi niya magawang mag-angat ng tingin sa amin. Who is this human?

"Frances, meet Kamila," Daddy spoke. "Franz's wife."

Napanganga ako sa narinig. Tangina, bobo ba sila? Ang gulo-gulo na nga ng pamilyang 'to mga dumagdag pa!?

"Wife..." paguulit ko.

"The girl is pregnant." Anunsyo ni Tita.

Sarkastiko akong natawa. "Kakagawa niyo lang kanina tapos nabuntis na agad?"

Halo-halo ang reaksyon nila. Si Daddy ay kumunot ang noo, nadismaya naman si Tita, Kuya Francis continued his meal, pinanlakihan ako ng mata ni Franz, at si Kamila naman ay halatang nagulat.

"Talaga!?," Kamila angrily stood up. "Kararating ko lang dito! We didn't see each other kanina!"

Sinuyo agad siya ni Franz. "Kams, that's not true. Shh, don't be mad. It's alright." Patuloy na paghimas niya sa braso ng babae.

Does he mean that... iba pa ang kasama niya kanina? Ibang babae ang sumagot sa tawag ko? What a fuckboy and a womanizer. And that Kamila girl, she looks like a slut, too.

"Dito na siya titira. Plan the wedding immediately, Franz." Segunda ni Daddy.

Walang choice na tumango si Franz. Ano ngayon kung naiipit siya sa sitwasyon na kagagawan niya?

Tahimik kaming kumain. The girl looks mean. Balita ko ay anak-mayaman ito at taga-DFU. Baka ito 'yung sinundan ni Jarred sa school na 'yon? Tapos nabuntis ni Franz? Ang gulo!

Bakit ba nagiging chismosa na ako ngayon? Nahawa yata ako kay Uno, sobrang daldal ng utak ko.

"Pahiramin mo ng damit." Salita ni Franz habang sabay kaming umaakyat ng hagdan kasama si Kamila.

"Hindi yata kasya-"

"It'll fit, girl. Ano bang akala mo sa 'kin? A balloon?" She arched her brows. Arte.

Napakibit-balikat ako. Ayaw kong makipagtalo. I just want to escape this suffocating hell and see Uno.

So I went out, hindi para mag-jogging kung hindi para kitain si Uno. He might be busy but still, I wanna try to visit him.

Hindi pa ako nakakalapit sa bahay nila ay nakita ko na itong naglilinis ng kotse at walang damit na pang-itaas, nakasabit ang kaniyang shirt sa balikat. Gosh, my blessed eyes. Is this my reward after every hardships?

Mukhang napansin ni Uno ang presensya ko. Mabilis siyang tumingin sa gawi ko saka ngumiti. "Hi, Heidi! Bakit ka naglalakad? Ang init-init, Heids." Kinuha niya ang damit saka inilagay sa ulo ko. Nabawasan tuloy ang init dahil nagsilbi itong payong.

"Tara, let's run away." Wala sa sarili kong sinabi.

Mukhang nagulat naman siya dahil nanlaki ang singkit na mata. "M-Magtatanan tayo? Ah, eh, hindi pwede.... Magpakasal muna dapat tayo." He said, confused.

"Joke lang." I smiled.

Awkward naman siyang natawa. "Ikaw talaga. Joker ka noh? 'Wag mo na uulitin 'yon. Hindi magandang biro."

Napasimangot ako sa sagot niya. Ang sungit naman pakinggan!

"Ano bang nangyari? Gusto mo magkwento?" Minuwestra niya ang kamay para pumasok ako sa garahe ng bahay niya.

"Do you know my brother?," tumango siya. "Ayun, nakabuntis. Ang malala pa d'yan ay kanina lang may kasama siya na ibang babae."

"Sigurado ba na siya ang ama?"

"Hindi na ako magdududa. She is exactly Franz's type. Alam mo 'yon, typical model body, intimidating face, dark make up looks, brazilian blowout hair, and many more!"

Nagulat ako sa pagiging madaldal. I must be really upset, huh? Umabot sa punto na kay Uno ko lang nabuhos lahat ng saloobin. This is getting bad.

"Badtrip ang Heidi ko na 'yan, ah? Tara, kumain muna tayo ng cinnamon roll sa loob. Kakabili lang kasi ni Mom, e." Malawak ang ngiti niya nang imbitahan ako.

Agad akong umiling. "Nakakahiya.... Pupunta nalang siguro ako sa Vista Mall para mag-ramen."

"Ramen? Gusto mo non? Ipagluluto kita."

"Really? You know how to cook ramen?" I raised a brow.

"Heids naman, pabalik-balik ako sa Pinas at Japan. I can make my own ramen." Pagmamalaki niya.

Suminghap ako bago tumango. Napatalon naman siya na parang bata, muli, minuwestra niya ang kaniyang kamay papasok sa bahay. When we finally entered the house, I was quite... shocked. Halata naman na mayaman si Uno, his house, car, and clothes says it all. Pero sobrang simple lang sa loob. Just color brown and white, that's what I am only seeing right now. Ang mga nakatira rito ay parang walang kaarte-arte.

"Saan mo gusto maghintay? Dito sa sala, o sa kusina? Pwede rin sa garden kung gusto mo ng presko." He took off his shirt, dahilan para mapaiwas ako ng tingin.

He has a good built. Very manly, yet not too bulky.

"The living room will do." Tanging nasagot ko.

"Mahilig ka ba sa maanghang?," I slightly nodded. "Kaunti nalang ang ilalagay ko, masyadong matapang ang rekados ko, e. Baka hindi sanay ang tiyan mo." He headed to the kitchen, it is visible from here.

"Can I help? I wanna cook, Uno," matamlay akong naglakad palapit sakaniya.

I don't really cook, I don't know how to. Pero gusto ko siyang samahan magluto. Everything he does looks exciting and fun. Na para bang madali lang ang lahat sakaniya. Kaya siguro gumagaan ang pakiramdam ko, he's very charming in all aspects.

"Manood ka nalang, upo ka rito, Heids," inabot niya sa akin ang mataas na stool chair. Dahil sa sobrang payat, medyo nahirapan akong umupo ro'n. Mabuti nalang at inalalayan niya ang baywang ko para makaupo ng maayos.

"S-Sorry.... Nahawakan kita, sorry talaga," mahina pero nagaalala niyang sinabi. "Hindi ko sinasadya, baka kasi mahulog ka, e."

Pigil akong natawa. "Sorry for what? I'm not mad, Uno. Ayos lang. Thank you for helping me para makaupo sa chair."

My words sinked in after a few seconds. Hindi ako galit? Kung ibang tao iyon, siguradong nagwawala na ako ngayon. Even Franz can't hold me like that. Kung gagawin man niya ay magagalit ako ng sobra.

But Uno is... different. He feels different. Hindi ko mapaliwanag, pero ang alam ko lang ay dapat wala akong pakielam sakaniya. Putting my attention and interest to him is just a waste of time and efffort.

I should know. Magaling ako rito, sa pagiwas.

I'll avoid him as much as I can.

Pero mahirap kapag siya itong lapit nang lapit.

Kill the EmotionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon