12

4 0 0
                                    

At bakit ko naman tototohanin iyon? Kahit si Uno ay hindi naniwala, tinawanan niya nalang pero hindi sinakyan ang biro.

Ako? Titigil sa paninigarilyo? Mukhang imposible iyan... lalo pa kung para sa isang tao. I would consider Uno as my one and only friend. Ayaw kong masira ang friendship namin. But at the same time, that thought hurts. Friendship? Niloloko ko naman yata ang sarili, e.

"Mauna na raw tayo sa loob ng simbahan. Ma-la-late ng kaunti si Mama." Deklara ni Uno nang makababa kami sa kotse.

Pa'no niya ba ako napapayag sa pagsisimba na 'to? I don't even go to church. Not even once since my Mommy died. At ngayon, nakatayo ako sa harap ng Barasoain, pinag-iisipan ng mabuti ang desisyon.

Ang dali mo naman akong napapayag, Uno.

Ano ba siya sa buhay ko? He is my neighbor slash friend.

"Pasok na tayo? Baka mahuli ako," kamot niya sa batok.

Kumunot ang noo ko. "As in late? Saan? Bakit?"

Matagal bago siya sumagot. "Sakristan kasi ako, Heids. Kaya medyo maaga ang dating natin. Pasensya na, ngayon ko lang nasabi."

Ahh... sakristan. Kaya pala gano'n nalang kabait sa lahat ng bagay. Naniniwala Sakaniya.

"Talaga? Good for you..." tanging nasabi ko.

"Ngayon ka lang ba magmimisa?," he extended his arm, motioning me to walk first.

"Oo.... I don't really know why I'm here. I don't... like Him." Naiilang kong sinabi.

There was no hint of violent reaction, he just smiled. "Nakakaantok sa una. Pero kapag nasanay kang magmisa, ma-e-enjoy mo rin. Paborito ko 'yung Liturhiya ng Salita."

Tumango ako bilang sagot.

"'Wag kang magalala o kabahan, doon kita iuupo sa harapan para makita mo ako magdamag." Patuloy niya.

Nang magsimula ang misa, nakita ko ang iilang sakristan ang mga mambabasa na naglalakad patungong altar. Nakaharap ko si Father at nginitian.

Tama si Uno, nakakaantok nga ito. Pero mukhang enjoy na enjoy siya sa ginagawa dahil panay ang ngiti sa gawi ko. Mukha tuloy siyang baliw sa harapan.

"Excuse me, excuse me," napalingon ako sa babaeng nagsalita kasabay ng pagupo sa tabi ko. "Oh, Miss Trevino? Ayos ka na ba? Shouldn't you be resting in your house?"

Teka, she seems familiar.... Ah! She's my doctor!

Tangina, nanay ba ni Uno si doktora? Hanep.

"O-Okay na po ako. I'm fine po, doc," I smiled.

She tapped my thigh. "Ikaw pala ang dala rito ni Juan? Aba, mabuti naman! Maganda ka at mabait, welcome na welcome ka sa pamilya, hija!" May galak niyang bulong.

Nawala ang ngiti ko. "P-Po? Uno is my friend po, doc."

Humalakhak siya sabay tapik sa hita ko. "Hija, anak, halos hindi na kami magabot ng anak ko sa bahay dahil sa tuwing uuwi ako ay nasa labas pala siya, kasama ka."

Hindi ako nakaramdam ng inis o galit sa tono niya. Parang masaya pa siya dahil magkasama kami ni Uno.

"Doktora, I can tell that Uno is my closest friend. Naging open na po ako sakaniya masyado.... But I don't know anything about him yet. Parang... ako pa ang nalulugi sa pagkakaibigan namin. He's very madaldal pero ngayon ko lang po nalaman na anak mo siya." Mahabang paliwanag ko.

Tumango nalang siya at sinabing, "sige, anak, sabi mo iyan." Makahulugan siyang ngumisi.

Hanggang sa matapos ang misa ay unti-unti akong inaantok. I don't hate masses, I hate those people who attends it then continue to act like a full-time sinner.

Magsisimba ang isang tao, oo, pero pagkatapos non ay maninira? Manglalait? Manghuhusga ng kapwa tao? Nako, I would rather not attend a mass nalang kung gano'n. Kasi aminado akong may ugali akong mga iyon, e.

One thing I've learned is you always have to be honest. 'Wag mo nang isipin ang sasabihin sa 'yo ng ibang tao. Eventually, all of us will die. Ang mga makakaalala lang ng mga ginawa mo ay ang sarili mo. Kasi nga minsan, kahit sariling pamilya ay hindi na tayo lubos na kilala. How ironic.

"Juan, your Dad is on his way. Na-traffic lang daw sa Balagtas." Tita Amy spoke.

Ang sabi niya kasi, 'wag ko na siya tawaging doktora. Napakapormal naman daw, kaya Tita Amy ang presenta niya.

"Sige, Ma," nilingon ako ni Uno na kasalukuyang nagbabagal ng lakad para lang makasabay ako. "Gusto mong sumama? Kakain tayo ng pares... o gusto mo ng LTB? Anong gusto mo, Heids?" He asked in a considerate tone.

Hindi na ako nagisip at tuluyang sumagot, "I want to try pares."

Kaya roon kami nauwi sa paresan. Sa may Malolos convention kung saan sunod-sunod ang pares, lomi, at bulalo. Palagi pala silang kumakain dito pagkatapos magsimba. At kumpletong pamilya pa.

Nakakatawa. Hinding-hindi ko ito mararanasan sa sarili kong pamilya dahil malakas ang toyo nila.

"Kumain ka nang kumain, hija. Order ka lang ng kanin kapag gusto mo pa. 'Wag kang mahihiya." Uno's father smiled at me.

Did I just... meet his parents? Grabe. And they're not even surprised, huh? Parang tuwang tuwa pa dahil kasama ako? Nakwento ni Tita Amy na matagal na niya ako gustong makita ulit, pero huwag naman daw sana sa ospital.

Ang Papa naman ni Uno ay sa ibang bansa nagtratrabaho, kakauwi lang ngayon sa Pinas at parang sanay na sa mahahabang byahe dahil mukhang may energy pa.

"How's your parents, hija? Hindi ko sila nakita sa hospital last time. Mukhang love na love ka ng pinsan mong si Liberty... teka, tama ba? Liv nga ba ang pangalan non?" Tita Amy was unsure of my cousin's name.

Tumango ako. "Tama po, si Liv nga po iyon," kinabahan ako saglit bago magsalita. "Siya po ang nagbantay sa 'kin." Tukoy ko sa pinsan.

Pabiro akong tinulak ng doktora. "Heidi, alam kong binantayan ka ng anak ko. Kinulit pa nga ako ng batang 'yan para buong araw siyang nasa room mo. Aba, ang sabi ko, huwag siyang gagawa ng kalokohan at malilintikan siya sa 'kin." Pinandilatan niya ng mata si Uno.

Napakamot naman ito sa batok. "Ma, 'wag mo naman ako ipahiya. Binantayan ko lang naman talaga si Heidi, e."

Uno is always hesitant to touch me. Minsan mahuhuli ko ang mata niyang nakatitig sa kamay o balikat ko na para bang gusto niyang hawakan iyon. Pero hindi naman niya tinutuloy. Para bang may pumipigil sakaniya.

"Heidi, sumama ka sa amin tuwing linggo. Magsisimba tayo palagi, 'nak. Iyon ay kung ayos lang sa mga magulang mo na mahiram ka namin," Tita Amy chuckled.

Hindi ako nagisip at agad na tumango. "Sure po. My family is always busy naman, they won't mind po."

Uno's face lit up. "Talaga? Sasama ka sa amin palagi? Magiipon ako para deretso Vista Mall tayo next week."

Kill the EmotionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon