Muli, nagising ako sa loob ng puting kwarto. I dislike the smell of hospitals, ang weird dahil sa simpleng amoy ng paligid ay alam ko na kung nasaan ako.
Mahina kong binaling ang ulo sa lalaking natutulog ng mahimbing habang nakakapit sa kamay ko.
Dapat naiinis ako ngayon dahil nandito nanaman siya, pero... nakangiti nanaman ako. It literally bothers me, masyadong panatag ang loob ko kapag kasama siya.
Parang ayos lang na masaktan ako ng paulit-ulit, dahil alam kong nand'yan siya.
Nang maalimpungatan, marahan niyang itinaas ang kaniyang ulo para tignan ako. Dumaan ang gulat sa mata niya, hindi siguro inaasahan na may malay na ako.
I remember everything. Vividly. Bago ako tuluyang mawalan ng malay, naramdaman ko pang pinaso ako ng upos ng sigarilyo. Sinubukan kong tignan ang kaliwang kamay para sa bakas non, at hindi nga ako nagkakamali. There's a raw scar.
"Gising ka na, Heids," he smiled. "Gusto mong kumain? Bumili ako ng salad, fresh pa 'yan. Araw-araw akong pumupunta sa NLEX para ibili ka ng Kenny Rogers. Baka kasi anytime, magising ka na at maghanap ulit ng paborito mong salad."
Kumunot ang noo ko sa winika niya. "Araw-araw? Ga'no katagal na akong..."
"Limang araw." Agad niyang sagot.
Napasimangot ako. Ang tagal pala. Nakipagaway nanaman siguro si Franz sa mga prof ko dahil mahaba ang absent ko.
"Sino naman ang naiiwan sa 'kin kapag umaalis ka?" I suddenly asked.
"Mayroon din akong dala na prutas," tumayo siya saka lumapit sa pantry. "Pero mas mabuti siguro kung kanin ang kakainin mo sa ngayon."
Nagsandok siya ng kanin mula sa maliit na rice cooker. May isa namang tupperware na naglalaman ng ulam, sa amoy non ay sigurado akong bistek ang luto.
"Oh, niluto ko pa 'yan. Nagbabaon ako ng ulam dahil dito na ako kumakain palagi."
Tinulungan niya akong umupo sa hospital bed, sumandal lang ako ro'n para mailapag ang pinggan sa aking hita.
Tinuro ko ang bote ng tubig at naintindihan niya naman agad 'yon. He opened it and threw the bottle cap before handing it to me.
Hindi naman ako nakakaramdam ng gutom, dahil siguro sa swero. Sinimulan ko ng kumain at sa kalagitnaan ng pagsubo ay lumibot ang mata ko sa buong kwarto. Kailangan ko ng...
"Tissue? Wait lang," napanganga ako sa pangunguna ni Uno. Pa'no niya nalaman? Wala naman akong sinabi o tinuro, nilibot ko lang naman ang mga mata ko.
Inabot niya sa 'kin 'yon na may nakakalokong ngiti sa labi. 'Yan, lagi naman siyang ganiyan.
"Kain ka madami, ah? Para lumusog ka lalo." He cheered as I open my mouth to eat.
Lumusog lalo? Well, since I was a kid, I used to be very skinny. Lumala pa nung nakaraan dahil ilang araw akong hindi lumabas ng kwarto at naospital pa nga. At ngayon, hindi na ulit ako nagkalaman. Ang sagwa tuloy tignan.
Sana katulad nalang ako nila Eileen. Model-like body, may kurba ang katawan kaya napaka sexy.
"Gusto kong tumaba ka, mas magiging cute ka non. 'Wag ganiyang payat, ako ang natatakot para sa kalusugan mo, e." He sincerely said.
"I think my metabolism is the problem." Katwiran ko.
"Kahit araw-araw pa kitang ipagluto para tumaba ka, gagawin ko talaga."
Inubos ko ang pagkain, hindi naman madami 'yon para hindi mabigla ang tiyan ko. Nagulat ako dahil sanay sa mga gawain si Uno. I mean, his house looks comfortable like ours, kaya akala ko masyado siyang naka-rely sa maids.
"Don't tell me na hindi ka rin pumapasok sa school? Baka patalsikin na ako sa Rossum kapag nagkataon." Pagbibiro ko.
"Pumapasok ako, Heidi. Nagpalipat ako sa online modality para mabantayan ka rito." Sagot ni Uno.
Nabigla ako sa sinabi niya. Talagang nakakagulat ang mga ginagawa ng lalaking 'to. Is he my stalker? Kidnapper?
"What do you want from me, Uno?" Deretso kong tanong sakaniya habang nakaupo ang lalaki sa tabi ng kama ko.
Mahina siyang natawa. "Wala naman. Iniisip mo bang masama akong tao? O, 'di kaya ay may kailangan ako sa 'yo? Heidi, 2024 na. Hindi ba dapat maging normal na ang pagtulong sa kapwa? Lalo na sa kapitbahay?"
I rolled my eyes. "We barely knew each other. I met you at a gym, Uno. What do you expect?"
"Basta, iyon ang dahilan ko. Tinutulungan lang kita."
"I don't need your help. I don't want help from anyone." Matigas kong sinabi.
Hindi naman siya nagpatinag, imbis ay ngumiti pa siya na parang natutuwa.
"Hindi ba halata, Heidi? Nilapitan kita noon sa gym, hinabol-habol kita hanggang sa bahay niyo, inalagaan at binantayan kita noon sa ospital pati na rin ngayon, at araw-araw akong nagpupunta sa NLEX, hindi biro iyon, Heidi, mahal ang toll at gas." Malakas siyang natawa.
"So? Where's the halata part? What's halata?" I questioned him.
"Gusto na yata kita... mali pala," malalim siyang huminga bago tumingin sa kamay ko. "Gusto kita, Heidi."
Matagal siyang nakatitig do'n, na parang gusto niyang hawakan. No one's stopping him from doing what he wants to do. Pero ayaw ko rin iabot iyon, dahil sa ngayon, wala akong interes sakaniya. Siguro'y magaan lang talaga ang presensya ni Uno kaya gustong-gusto ko siyang nariyan sa paligid.
Mapait akong ngumiti. "Kung alam mo lang ang buong buhay ko, baka wala ka na sa tabi ko ngayon."
"Oras na malaman ko ang buong storya mo, sigurado ako na mas lalo kitang magugustuhan." He sounds so assuring, like he meant what he said.
"You don't know anything. Bakit ganiyan ka magsalita?"
"Heidi, you try to hide everything. Even your emotions. Nakakalimutan mo yata na mas malakas magsalita ang mga mata kaysa sa bibig. You try to be silent when your eyes can speak otherwise."
Anong ibig niyang sabihin? No one ever said that to me. Only him. Only you, Uno.
"Thank you for taking care of me. You can go-"
"Sa tuwing tumitingin ako sa mga mata mo, nalulunod ako.... Pero alam kong nilulunod ka naman nito sa luha."
He's goddamn observing me!? Tangina... his words wants to make me cry.
Matagal kaming nagkatitigan. His eyes were so serious that it even looked vulnerable. Napaiwas siya ng tingin nang may pumasok sa kwarto, niluwa non si Liv na may dalang prutas.
"Nandito ka pa rin, Uno? Kailan ka ba uuwi? Hays, baka sabihin ng magulang mo kinakawawa ka rito." Reklamo ni Liv.
Tumingin ako ng masama kay Uno na parang sinasabing, "hindi ka pa umuuwi? Get your ass some rest."
Ngumiti lang ito at nag-peace sign. "Ayos lang 'yon, Heidi." He whispered.
Inis akong bumulong pabalik. "It's not okay, Uno! Baka magalit ang parents mo. They'll think na naglayas ka."
"Naglayas para sa 'yo? Ganda pakinggan, ah..." baliw siyang napangiti sa kawalan.
BINABASA MO ANG
Kill the Emotions
القصة القصيرة6 Degrees of Separation Series #2 🩸 Given how cruel her family can be, Frances Heidi may be weighing suicide as a solution to her problems. Will she find someone who can soothe her emotions while she manages a variety of issues? Heidi discovered th...