"Ligaw? You're going to court me?" Naningkit ang mata ko kay Uno. "Hindi ba masyadong mabilis? We've been... close for 3 months palang."
I labelled him as my friend, hindi magbabago iyon. I don't see myself in a romantic relationship, it's too chaotic and twisted for me. Sayang ang friendship na nabuo namin kung mauuwi sa hiwalayan.
"Hindi naman ako naghahadali, Heids. Kahit ilang taon akong manligaw, hindi ako titigil hanggat hindi mo sinasabing lumayo ako." He said before drinking his coffee na in-order namin dito sa Shell.
"Sapilitan na ba 'to?" Natawa ako.
Umiling siya. "Kapag sa iyo na nanggaling, lalayo ako, Heidi. Kahit napakahirap non para sa 'kin. Kung ayaw mo, ayaw mo. I'll respect that."
Talaga? Lalayo... siya sa 'kin kapag sinabi ko? Bumaba ang tingin ko sa lamesa, nalungkot bigla dahil sa naisip. Mawawala ba siya sa 'kin?
"No.... I don't want that to happen," I muttered.
"Ano po?," he bowed, trying to lean in to me.
"Ayaw kong... lumayo ka sa 'kin..." napakagat ako sa pang ibabang labi, nahiya sa sinabi.
Kabaliktaran non si Uno, lumawak ang ngiti niya at hindi na makatingin sa 'kin. "Ang dali naman ng gusto mo. Masusunod agad 'yan, Heidi ko."
"Your parents liked me? Hindi sila galit na may sinama kang babae? Sunday is family day, Uno." Natawa ako sa loob ng utak ko. Para naman akong nagbibiro, ni hindi ko nga masamahan ang pamilya ko magsimba tuwing linggo tapos iyon pa ang linyahan ko?
"You are my family... soon to be," lumapit pa siyang kaunti, ngunit agad na natigilan sabay biglang layo na parang napaso.
Sayang, ang lapit na niya sa pisngi ko. Kiss na 'yon, e.
"S-Sorry, a-ang bastos ko ro'n." He innocently apologized.
"It's fine, Uno. No worries..." I tried to assure him.
"Kailan ako pwedeng magsimula sa pagliligaw?" Tanong niya.
"Hindi ba dapat ikaw ang bahala sa ganiyang bagay? Basta ako, tatanggap lang ako ng gifts mo."
"Ang ibig kong sabihin, kailan ko ba pwedeng makausap ang pamilya mo? Mahalagang makilala ko sila at makilala nila ako. Dagdag points 'yon." He playfully winked.
"Bukas nalang siguro. Sabay tayong umuwi?" Tumango siya.
At nang matapos ang araw ay Martes na. May klase ako na kasama sina Mindy at Eileen. Tahimik ang babaeng mukhang dyosa habang ang kaklase kong si Eileen ay patuloy sa pagdaldal.
"-'di ako binigyan ng papers, e. Tapos magdedeklara ng long test!? Grabe, 200 items! Buti sana kung multiple choices nang mahulaan, pero hindi! Modified true or false! Kaya ang lahat ng sagot ko ay true. Lintik na prof 'yan." Galit na pagkukwento ni Eileen.
Hindi siya nagpatinag kahit nakaupo na ako. Para siyang kumakausap ng hangin, dahil wala kaming sagot sa bawat salita niya.
"Reviewer mo dalawang papel lang!? Hindi pa back to back? Taragis na prof talaga 'yan! Kakalbuhin ko siya kapag nakita ko sa hallway!" She gritted her teeth in anger.
"Who needs a reviewer in Fashion Designing, Eileen?" I questioned her.
"It's Fashion Business and Management! Malapit na akong bumagsak kay Professor Reicose," Pumalatak siya. "Kaibiganin ko nalang ang kapatid niya noh? Baka sakaling pumasa ako." Dugtong niya.
"'Yung prof nalang ang lapitan mo. Baka maging tipo ka tapos maging kayo pa. Edi goods, 'di ba? Pasado ka palagi sa subject niya?" Rekomenda ni Mindy.
"Yuck! Pangit-pangit niya!" Eileen roller her eyes.
Sandali silang natahimik. Ako, nagtutupi lang ng papel tuwing bored. Biglang nagsalita si Mindy, nagulat ako sa binanggit niya.
"Nasaan na kaya si... Quey?" Natulala si Mindy sa sahig.
Sinulyapan ko si Eileen at saka kumunot ang noo. "Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko, Ei?"
Sunod-sunod siyang umiling. "I would never! Ever betray my friends! I don't know why Mindy brought that up!" She shouted in defense.
Naguluhan din naman si Mindy. Pero alam kong magkasabwat na ang dalawang ito. "Gusto ko lang kumustahin si Quey. What's wrong with that? She's a good friend, hindi siya nababagay sa pamilya niyang masama ang ugali."
Still, I didn't believe them. Mga sinungaling! I though that Eileen will protect Mindy, pero sinabi pa rin niya. We should be protecting her peace and silence! Sakit sa ulo ang pamilya ng ex niya. But she ended up wanting to reconnect with them!?
"Heidi, I can sense your anger. I didn't do anything, I promise," sinubukan akong pakalmahin ni Eileen.
But it was too late. I tried to be a friend, pero sinira niya iyon. I just wanted to protect Mindy... she ruined it. Sinabi niya ang tungkol sa nalaman niya noon, sigurado ako ro'n.
"This is nonsense.... Both of you," I darted my eyes at them. "'Wag niyo na akong kakausapin kahit kailan."
Tumayo ako at lumabas ng silid. It's just Color Theory, I'm good at it. Hindi naman maaapektuhan ang grades ko, e. Daddy will handle it.
Nadatnan ko sa parking si Uno pagkatapos ng lahat ng klase ko. Nakasandal nanaman ang gwapong lalaki sa kaniyang pick up. Tumuwid ito ng tayo nang masilayan ako sa malayo.
"Heidi!," he called then waved.
"You really waited, huh?" Ngumisi ako.
"Sumusunod lang naman po ako sa 'yo, Madam." Kamot niya sa batok.
Minsan ay gusto kong itali ang kamay niya para iwas-iwasan ang pagkakamot sa ulo at batok. Pero mukhang mannerism na niya iyon kaya wala akong magawa.
Humupa na ang sama ng loob ko kanina. Magaan din dahil may lakas na ako ng loob sabihin ang totoo kong nararamdaman. Na ayaw ko na silang maging kaibigan.
It seems like Uno is the only person I trust. Nakakatakot... baka mawala siya sa 'kin. O, 'di kaya ay magtaksil katulad ng lahat.
Nang makarating sa bahay ko, hindi mapigilan ni Uno na manginig. Hindi siya mapakali, kanina pa. Kabado siguro. Ako rin, kinakabahan, first time ko magpakilala ng manliligaw. Isa pa, siya lang naman ang mangliligaw ko.
"Ayos pa ba ang itsura ko? Paki-check nga, baka basa na ang likod ko sa pawis," tumalikod siya para ipakita sa akin ang namamawis na likod.
Natawa ako dahil naka-centralized aircon naman ang sala pero tagaktak ang pawis ng lalaking 'to.
"'Wag mo nalang sila kausapin nang nakatalikod. Syempre nakaharap ka naman, 'di ba? Okay na 'yan." I rubbed his hard muscles.
"Alam mo, ngayon lang ako kinabahan ng husto," seryoso niyang sabi. "Pakiramdam ko... galit na galit ka sakanila. Pero ayaw kong sumama ang loob sa pamilya mo, syempre, mahalaga pa rin sila sa 'yo kaya dapat kong irespeto. Pero, Heidi, tandaan mo na palagi akong narito sa tabi mo. Kapag pamilya mo na ang nangabuso sa 'yo, ilalayo talaga kita sakanila. Kahit magtago pa tayo sa kasulok-sulukan ng mundo, itatakbo kita."
BINABASA MO ANG
Kill the Emotions
Short Story6 Degrees of Separation Series #2 🩸 Given how cruel her family can be, Frances Heidi may be weighing suicide as a solution to her problems. Will she find someone who can soothe her emotions while she manages a variety of issues? Heidi discovered th...