9

1 0 0
                                    

"Nirereto sa 'kin ng kapatid ko 'yung Oman Villalobos." Pagkukwento ni Mindy.

"Hala! Villalobos na 'yan, mag-agree ka na! Pakasalan mo tapos tulak mo sa hagdan!" Biro ni Eileen na ikinatawa nilang dalawa.

"Hindi ko siya sugar daddy noh! Saka kaibigan ko ang kapatid niyang si Olga. Kaya it's a no!"

"Don't tell us na hindi ka pa nakaka-move on kay Leo!? Oh my gosh naman, Mindy! Ni wala kang balita sakaniya tapos you're being loyal to him?" Kinurot ni Eileen si Mindy sa tagiliran.

"Aray! I'm not loyal to him, faithful lang! Pero syempre that's a joke. I'll get over him na talaga."

"Gagawin mong rebound si Oman? Ang bad mo talaga, girl!"

"Tadyakan ko pa kapatid ko, e."

Patuloy silang naguusap tungkol sa kung anu-ano. Nakatambay lang kami sa mini forest katabi ng Med building, naghihintay ng mga sundo namin. Sa kaso ko, mukhang matatagalan si Franz dahil may practice siya.

Simula nang makalabas ako sa ospital ay iniwasan ko na si Uno. I'm afraid to trust him, feeling safe around him seems lethal. Ayaw kong masanay sakaniya kung mawawala lang din.

"Heidi, may draft ka na? Can I see? Kukuha lang ako ng idea, promise!" Eileen tapped my shoulder.

I sighed before getting my bag, inabot ko sakaniya ang papel at nagpasalamat naman ito. She took a picture of it before giving it back to me.

"Let's watch your brother's game on Wednesday?" Tanong ni Eileen.

I shrugged. "I don't watch his games, Leen."

"Attend my party nalang! My birthday is on Saturday pero we'll celebrate it on Wednesday."

"Why Wednesday?"

"Mama and Papa's office leave."

Hindi na ako sumagot. I was a bit... jealous? Buti pa ang magulang niya, nakakagawa ng paraan para sa mahahalagang okasyon. My father once said that celebrating my birthday isn't necessary anymore. I am now twenty, hindi na raw ako bata para ipaghanda o ano.

"I'm not sure.... But I'll text you."

Eileen gave me a sad face. "Alam mo, you never went to any of my parties. I'm so tampo na. I thought you're my best friend." Nagdabog siya na parang bata.

We stopped talking when someone's car horned. My mouth dropped when I saw a black G Wagon. At mas lalo akong nagulat nang makita kung sino ang nagmamaneho non.

"Kanina pa ako naghihintay dito, Jah!," nilingon kami ni Mindy. "Bye, guys! Una na kami ng kapatid ko."

What!? That Food Panda rider guy is Mindy's brother? And that man drives a G Wagon. How insane.

"Tell Johann to pick you up next time!" Sigaw ni Eileen bago humarurot ang sasakyan.

Natahimik kaming dalawa ng kaibigan. I don't really start a conversation unless it's necessary. Napalingon ako kay Eileen na parang may gustong sabihin, I raised a brow, signaling her to speak.

"I don't know how to say this to Mindy," she licked her lips. "Quey Vanidestine dumped my brother Evan. Tapos Jarred transferred to DFU because he likes this one girl... turns out she was just playing him. The greatest playboy I know got his heart shattered! And... I don't know about Leo, pero may usap-usapan na he's just finishing his program."

Tinagilid ko ang ulo, naguguluhan sa sinasabi niya. "Why are you saying this to me, Eileen?"

Lumapit siya ng bahagya. "Alam mo, this all happened when the Torrejas announced their casino heiress. Don't you think... naghihiganti sila?"

Umiling ako. "I don't think so. At wala akong pakielam sakanila."

"This is so unexpected! Their businesses are failing! Wait, should I tell Mindy? Baka... may chance pa sila?"

"'Wag na. Let her figure it out on her own."

"But-"

"If you give her any hint, I won't talk to her anymore." Paghahamon ko.

Natinag na siya at nanahimik sa kinauupuan. I know that Mindy is unforgettable, she is humble and kind-hearted. I wanna be her, a bubbly girl with a family who supports her in everything. Iyon siguro ang dahilan kung bakit ayaw kong malaman niya ang sinabi ni Eileen, that girl needs to protect her peace.

Nang dumating ang kapatid ni Eileen ay tumayo na ito at nagpaalam sa 'kin. I nodded before saying 'ingat.' And now, I'm all by myself. Nilabas ko ang telepono para tawagan si Franz. Nakadalawang dial ako bago siya sumagot.

"Hello!? Who's this ba? Jeez, we're in the middle of something!"

Natigilan ako nang marinig ang boses ng isang babae. I know that my brother is a fuckboy, he often brings his girls to our house. Pero wala naman akong sinasabi tungkol do'n. The fuck do I care?

"Tell my brother that I'll go home na. Alone. 'Wag na niya akong sunduin."

Inis kong binaba ang tawag. Sana sinabi niya agad na hindi ako masusundo! Pwede naman akong makisabay kila Mindy. I don't even know how to commute.

And just like that, my hero arrives. Again. Hindi ko na mabilang kung ilang beses siyang dumarating kapag may kailangan ako. I am an independent woman who hates being helped. Pero simula nang makilala ko si Uno, I feel weak around him. Parang lahat ng bagay ay kusa niyang gagawin.

"Oh, mag isa ka lang? Uwian niyo na, 'di ba?" He greeted me with a huge smile.

"Pa'no mo nalaman na uwian ko na?" I suspiciously asked.

"Eh, syempre, bawal naman mag-cutting, e."

Dahan-dahan akong tumango, sinusubukan siyang paniwalaan.

"Sabay na kita, Heidi. Tutal magkapitbahay naman tayo. Ano, game?" Alok niya.

Wala sa sarili kong inabot ang bag sakaniya. Nakangiti naman niya itong tinanggap. I stared at him for a while, ngayon ko lang napansin na kulay brown pala ang buhok niya. Medyo makapal ang kilay, manipis ang labi, at ang paborito kong matangos na ilong niya. Tumitig din siya sa 'kin kaya napaiwas ako ng tingin.

"Tara," he signaled his hand, letting me walk first.

"I want to walk beside you." Salita ko.

Napakamot siya sa batok. "Mauna ka na maglakad para hindi ka mawala sa paningin ko."

I sighed then shrugged before following his words.

Kung minsan ay nahuhuli ko si Uno na nakatingin sa kamay o balikat ko na parang gusto niyang hawakan iyon. I kept on waiting for him to reach me, but he never did. Parang nakikipaglaban pa siya sa isip niya kung hahawakan ba ako o hindi.

Sinasabihan niya ako kapag deretso ang lakad at kung liliko hanggang sa natanaw ko ang kotse niya. Nanatili siyang naglalakad sa likod ko, he looks like a bodyguard tuloy. Bakit ba naman kasi ayaw niya akong kasabay maglakad?

Nang malapit na ay pinatunog niya iyon, akmang bubuksan ko ang pinto nang bigla siyang tumakbo para pagbuksan ako. Umangat ang tingin ko sakaniya, he's already sweating! Pero hindi niya ininda dahil sa lawak ng ngiti.

"Sakay ka na. Sa likod ko nalang ilalagay 'tong bag mo para hindi ka mahirapan magkandong."

Bakit ako naiiyak sa simpleng salita niya? It's not even that deep and emotional. Tuluyan akong sumakay sa kotse niya. Bumaling lang ako sa bintana buong byahe. I was trying my best to hide my smile.

Kill the EmotionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon