"Diba ang sarap nung ako pa ang asawa mo. Ako na lang kasi ulit.."
Parang ume-echo sa isip ni Irene ang sinabi ni Adrian
"Mukha mo Adrian. Wag nga ako. Shot dali!!!"
"Seryoso Irene. Asshole ba ako dati pa??"
*ultimate flashback tayo*
"Aaaaahhhh!!!!!...."
Kinikilig si Andrea habang inaalog ang kaibigan na busy sa pagbabasa ng komiks na ikukubli sa isang libro dahil nasa library sya.
"Sssssshhhhh!!!!!"
Saway kay Andrea ng matandang dalagang librarian.
"Maupo ka nga. Ano ba yun?"
Naiiritang wika ni Irene dahil na antala ang pagpapantasya sa bidang ng binabasang komiks.
"Naku girl wag na. At di mo kakayanin ang nalaman ko"
"Sshh!! Quite please!!..."
Saway ulit ng librarian
Lihim na umirap si Andrea.
"Ano ba kasi yun?!"
"Girl tama ka! Dito nga s'ya nag aaral"
Namilog ang mata ni Irene
"Ang guess what! Nasa gym sya ngayon para mag try out sa basketball team!"
"Aaaaahhhhh!!!!!"
Sabay na tili ng magkaibigan.
Nagulat at natigilan ang dalawa ng hampasin ng librarian ang table nila.
"Labas!"
Patakbong nilisan ng magkaibigan ang library.
Huminto sila sa harap ng gymnasium.
"Oh my. Girl stick to the plan. Papasok tayo at dederetso sa C.r. wag ka papahalata na sya tinitingnan natin"
Tumango lang si Andrea sa mga sinabi ni Irene.
"Waaiiittt!!!!..."
Pagpipigil ni Irene kay Andrea na papasok na ng gym.
"Bakit??"
"Maganda pa ba ako?? Yung lipstick? Pak pa ba?"
"Keri na yan"
Napansin agad ni Irene si Adrian sa dulong kanan ng gym kung saan malapit at C.r at siguradong madadaanan nila ito.
Nilingon ni Irene ang dereksyon ni Adrian.
Nakatingin din ito sa kanya.
Dahan dahang ngumiti si Adrian. Parang bumagal ang mundo ng dalaga pero parang kumakarera naman ang puso nya. Umirap si Irene at isang palipad buhok. Pakunyaring hindi interesado.
Bago lumiko papasok ng C.r, lumingon ulit si Irene sa direksyon ng binata. Nakangiti pa rin ito sa kanya at sumimpleng kaway.
Pagpasok ng C.r
"Shiiiiitttttt!!!!.... ang gwapo nyaaa!!! Aaaahhh!!!!!..."
Hindi maikubli ang kilig kay Irene.
"Hoy! Ms. Garcia? What's going on?"
Saway ng isang professor sa dalaga na nasa C.r din pala.
"Ay prof may daga kanina"
Si Andrea
Matalim na tingin bago nilisan ng professor nila ang C.r.
"Aaaaaahhhhh!!!!!!"
Sigaw ulit nila Irene at Andrea.
BINABASA MO ANG
Ex with Benefits
Romanceunti unting nalilito si Irene kung ano ba ang nararamdaman nya ng muling iparamdam sa kanya ng dating asawa ang matagal na nyang di nararamdaman? LOVE O LUST???