"Ako po ang ama"
Wika ng isang binata sa di kalayuan.
"See! Ayan! Lumitaw na!"
Pasigaw na wika ni Brenda
"Well actual diko naman kailangan maging tunay na ama ng anak ni Trixie para maging ama ng dinadala nya. Si Benjie talaga tatay nyan pero kung ayaw nya panagutan, i'm sure na handa naman tumulong kaming mga kaibigan ni Trix para maging ama sa anak nya"
Natahimik ang lahat. Hinablot ni Brenda ang anak at nag walk out sa ospital. Palabas na ng ospital ng dumating si Adrian.
"Dumating ka pa?"
Bungad ni Irene sa dating asawa
"May event ako"
Masungit na tugon ni Adrian
"Sana naabutan mo yung nanay ni bentong na nagwawala dito na di daw anak ng anak nyang walang bayag yung anak ng anak mo"
"Gago yun ah"
Napansin ni Adrian ang binata sa likod nila na kasabay ni Trixie
"Sino yun?"
Bulong nyang usisa kay Irene.
"Si Christian, Jowa ng binata mo"
Huminto sila at hinarap ni Adrian ang binata at masinsinang kinausap si Christian. Sumabay naman si Trixie sa ina.
"If hindi kaya panagutan ng Benjie yan. Hayaan muna. Palalakihin natin yan baby mo at magiging magaling kang ina like your mommy"
Yumakap si Trixie sa ina.
Samantala sa di kalayuan
"Ano naman plano mo sa anak ko?"
"Po?"
"Teka sino ba sa inyo yung ano?"
"Alin po"
"Diba sa relasyon may lalaki at may babae, sa inyo ba?"
"Ahh. Ako po yung Top"
"Ano yun?"
"Ako po yung lalaki"
"Ah. Diko alam tatanong ko o ipapayo ko kasi di naman kayo mabubuntis at di din kayo ikakasal. Basta maging masaya lang kayo. Kung saan magiging masaya yung anak ko suportahan ko sya. Pero dikana makakatayo ng maayos kapag nasaktan si Terence"
"O-opo 😅 Salamat po""Kalat na sa school nangyare sa ospital kanina"
Magkausap ngayon sa phone si Thea at Trixie
"Ayos lang yun. Good thing natapos ko na OJT ko, tapos na din thesis. Waiting na lang ng graduation. Kaso halata na masyado tyan ko nun"
"Buti ka pa. Ako dipa tapos sa OJT tapos last revision pa ng thesis namin"
Tumawa sila ng bigla silang makaramdam ng awkward moment
"Paano na yan?"
"Alin?"
"Yung baby, si Benjie? Paano na plano natin kay Yvonne?"
"Baka kay Yvonne na masaya si Benjie"
"Paano ka?"
"May baby naman ako. Siguro okay na yun"Tila bumilis ang panahon at lumuwag na din sa pakiramdam ni Trixie ng malaman ang buong suporta ng ina sa pagpapalaki nya ng anak nya. Pero di sya nakaattend ng graduation dahil naging maselan ang pagbubuntis nya.
"Sa hi to your baby Boy"
Inabot ng nurse ang bagong panganak na baby ni Trixie. Kumpleto ang pamilya ni Trixie. Medyo awkward lang dahil nandun si Adrian at Alfred. Nagkakasiyahang ang lahat ng tumugtog ang graduation song.
"Welcome class of 2019-2020"
Nagpalakpakan ang mga family ni Trixie ng pumasok si Christian, Rex at Thea na naka Toga at graduation Gown. Lumapit si Thea sa kaibigan na nakahiga sa kama at isuot ang toga at ikinabit ang ribbon na may nakalagay na "graduate" at kay Irene naman na Parent/s.
BINABASA MO ANG
Ex with Benefits
Romanceunti unting nalilito si Irene kung ano ba ang nararamdaman nya ng muling iparamdam sa kanya ng dating asawa ang matagal na nyang di nararamdaman? LOVE O LUST???