"So whats the plan?"
"Titigil na ako kay Alfred at maybe maayos ulit namin to ni Adrian"
Umirap si Andrea sa sinabi ng kaibigan
"Girl eto na naman ba tayo?"
Tinitigan nya ang kaibigan habang nakataas ang kamay na parang gusto na sumuko
"May anak ka naman diba? Diba ang gusto mo buo ang pamilya mo?"
Pagtatangol ni Irene sa sarili,
"Unang una gusto ko buo ang pamilya dahil mahirap lumaki ang anak mo na walang ama at hiwalay ang magulang pero ngayon hindi na, kasi may asawa at anak pala sya, pangalawa, Girl!! ginawa kong mistress nakaka-"
Medyo naba-bother na si Andrea na kinakain na lansones ni Irene kaya napatigil ito sa sinasabi at pinansin na ang ginagawa ng kaibigan
"Girl yung totoo?"
Nakasimangot na ang mukha ni Andrea.
"Summer na ba? Bat may lansones ka?"
Dugtong nito.
Kumuha si Irene at binalatan ang prutas. Amoy pa lang alam na ni Andrea na maasim ang kinakain ng kaibigan
"Shit girl nakakapaling ng kip*y sa asim yung lansones mo"
"Parang hindi naman"
"Jusko buntis ka ba?"Kumuha ng tubig si Andrea para uminom dahil nangangasim sya pero natigilan sya sa sinabi din nya
"Malandi kaaaa!!!"
Sabay kurot kay Irene
"Kelan ka huling dinatnan?"
Dugtong nito na tila ba natatatanta dahil alam na alam nya pagkaulol nito kay Adrian sa mga lumipas na bwan.
Napatigil si Irene at nabitawan yung lansones na hawak.
"Shit"
Napaisip ito at tila ba nagulat
"Ayaaaaan. Sinabi ko na nga ba. Kalandian mo. Naiinis ako sayo. Di kana nagtanda"
Binato ni Irene si Andrea ng lansones na tila ba natatawa
"Diba sabay tayo nagkakaroon? In 2 days meron na ulit ako kaya ako kumakain ng maasim para lumabas agad at super sakit ng puson ko para akong manganganak. Sana maranasan ng lahat ng lalaki nararanasan natin para marealize nila di ganun kadali maging babae. Kakaloka na!"
Sabay tawa ng dalaga.
"Anyway. Parang diko na napapansin si Adrian. Bigla naman naglaho prince charming mo?"
Napaisip din si Irene. Halos 1 month na sila di nagkikita. Nagkakausap at nakakatawagan naman sila pero madalang na tsaka busy din sya sa apo nya kaya di na din nya namalayan.
Pauwi na sya ng subukan nya tawagan si Adrian pero naunang tumawag si Trixie
"Yes honey?"
"Ma daan ka naman ng grocery bili mo diapher si Tobi"Medyo natawa si Irene sa sarili. Dati napkin ang pinabibili sa kanya ng anak. Ngayon ay diapher na, sa lahat ng anak ni Irene, spoiled sa kanya si Trixie at maging sa ama nito. Lahat ng gusto nya na kaya nila ay binibili nilang mag asawa. Even naghiwalay sila, nagpapadala pa din si Adrian ng gift pag special occassion.
Naglalakad sa isle ng grocery si Irene ng tila nakita nya si Adrian pero hindi sya sigurado kaya sinundan nya ang lalaki na nakaputing tshirt at short shorts na tila ba binata pa kung pumorma.
"Adrian?"
Naka cap ito at facemask
"I-Irene?"
BINABASA MO ANG
Ex with Benefits
Romanceunti unting nalilito si Irene kung ano ba ang nararamdaman nya ng muling iparamdam sa kanya ng dating asawa ang matagal na nyang di nararamdaman? LOVE O LUST???