Sign of being maharot

2.7K 25 1
                                    

"I'm sorry, i'm late"

Agad ibinaba ni Andrea ang bag sa katabing upuan at inayos ang sarili habang umuupo sa tapat ni Irene na tila busy sa sarili nya habang hawak ang compact make up.

May usapan sila na mag kikita ng ala sais ng hapon pero halos alas siete na sya naka rating sa tindi ng traffic. Alam nya na hindi nahuhuli si Irene at baka sa malamang 15 minutes bago sila mag kita nandun na ito. At ma-late lang sya ng ilang segudo tatalakan na sya nito na parang mag jowa sila.

"It's okay, kadarating ko lang din naman"

"Talaga? Himala?"

"Traffic"

"Kelan pa anging excuse sayo ang traffic?"

Ngumiti lang na tila naaliw si Irene habang inaayos ang make up sa bag. Kinuha ni Andrea ang side mirror ng kotse nya sa bag upang manalamin hahaha charot lang. Kinuha nya ang salamin sa bag upang manalamin dahil hindi sya sigirado sa itsura na nya sa layo ba naman ng tinakbo nya.

"So any way..."

Habang ibinabalik nya ang salamin sa bag.

"What's with this so called dinner chenes mo?"

Patuloy ng dalaga pero hindi nakikinig si Irene. Sa halip busy ito sa Cellphone nya na tila may hinihintay na himala.

"Excuse me? Paging Ms. Sibayan?"

Itinakip ni Andrea ang kamay sa cellphone ng kaibigan sabay taas ng kilay na parang nag tatanong kung ano meron?

"Wait lang...aahhhh!!!"

Sabay hawi ni Irene sa kamay ng kaibigan. Napukaw nila ang atensyon ng lahat sa sigaw ni Irene kaya agad tinakpan ng kamay ni Andrea ang bibig ng kaibigan. Pero agad itong inalis ni Irene, mabaho na din kasi.

"Kainis ka na-like mo tuloy!!!"

"Ano ba kasi yun?"

"Wala! Pero girl ang chaka ng amoy ng kamay mo. Buhay pa ba huli mong hinawakan?"

"Ahh ganun?. Bibig mo kaya huli kong hinawakan. Check mo baka may patay na dyan?"

"Perfect mo din?"

Isang palipad buhok lang ni Adrea.

"I know right?"

"Ganda mo dyan"

Sabay irap ni Irene sa kaibigan.

"What is the reason nga pala why we have this dinner? Don't tell me isinuko mo na ang daing kay Alfred kaya ka nag pa dinner?"

"Anong daing? Oy Adrea kahit 2 days ako di maligo amoy rose at kulay rose ito"

"Charotera wag nga ako. Ako taga sugod mo sa ospital pag manganganak ka na at nakita ko na yan! di yan rose, daing yan! Nakita ko kulay daing yung over cook!"

"Butis ako nun kaya ganun"

"Don't me. I'm don'table"

"Hah!? Ano yun?"

"Basta. Ano na nga kasing dahilan?"

Ngumiti lang si Irene na tila bagong dalagang nakatuklas ng kakaibang sarap.

"Nag sex nga kayo"

Sabay hampas ni Andrea sa table. Kasunod nun ang bulungan nga mga katabing table dahil may kalakasan ang boses ng dalaga.

Nilapitan na sila ng waiter upang pagbantaan ang buhay nila.

"Good evening ma'am. Kindly lessen the tone of your voices it bothers some of our guest. Would you like to place your order?"

Ex with BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon