"Gago kaaaa!!!"
Sunod sunod na suntok ang tumama kay Christian pero wala syang pag ganti at tila handa lang sya sa bawat pananakit ng kaibigan. Umiiyak si Trixie dahil hindi nya alam ang nangyayare at umaawat si Rex at Thea. Wala si Yvonne, Briks at mga barkada nito.
"I knew it! Alam ko na mangyayare to! Di nyo talaga napigil! Dito pa?"
Galit na galit si Benjie sa kaibigan at sa girlfriend nya. Labis ang sakit na nararamdaman nya sa pagtataksil sa kanya. Samantalang hindi alam ni Trixie ang gagawin at patuloy na kinocomfort ni Thea.
Benjie just left without any words. Sinamahan naman ni Rex si Christian sa ospital. Naiwan sa bahay si Thea at Trixie habang umiiyak. Hindi alam ni Trixie kung ano ba nangyari pero naka underware lang sya. Di nya alam kung may nangyare ba sa kanila ni Christian masyado syang lango sa alak.
*******
"Alam mo ba mga ginagawa mo?"
Halata sa boses ni Rex ang pag aalala pero pilit nya maging matatag.
"Sana pinag iisipan mo mga ginagawa mo"
Pagpapatuloy ng binata. Pero wala pa ring kibo ang kaibigan.
"If it's Yvonne-"
"She has nothing to do with this"
"Okay.. j-just be fine okay?"Pagbaba nila ng ospital. Halata sa mukha ni Christian ang sakit na nararamdaman. Dumudugo ang bibig nya putok ang kaliwang mata at madami sugat. Malamang mamaga ito bukas.
Niyakap sya ni Rex
Dito na umiyak si Christian. Mahigpit ang yakap. Punong puno ng pagsisi. Punong puno ng sakit. Di kayang sabihin ni Rex ang lahat. Baka hindi pa ngayon.
"Be strong okay? Lalaki tayo. Big boys don't cry"
Pero sya mismo malapit na umiyak. Di naman talaga ito ang plano. Wala ito sa plano. Bakit wala si Yvonne. Madaming katanungan sa isip si Rex pero ayaw na nya muna makialam. Wag muna ngayon.
Lumipas ang mga araw na tahimik ang lahat. Nag leave na sa group si Benjie at Trixie. Hanggang sa binura na lang nila ang group chat para matahimik muna ang lahat sa issue.
Nabalitaan ng lahat na nagtransfer na si Christian sa isang private all boys schools sa quezon city. Di na nakakataka na nakalipat sya kahit kalagitnaan na ng semester dahil sa impliwesya ng pamilya nya.
Wala ng paramdam si Benjie kay Trixie. Madalas ay si Rex, Yvonne at Benjie ang magkakasama. Patuloy naman na iniwasan ni Benjie si Trixie.
Inilihim ng lahat ang nangyare. Ayaw na nila palakihin ang kwento tsaka di naman nila narinig ang side si Christian sa nangyare.
Ibinigay din muna ni Trixie ang time and space na kailangan ni Benjie at marahil ay ganun din sya. Parang mahirap din para sa kanya kausapin ang kasintahan dahil pakiramdam nya ay may mali sa nangyare. Plano na lamang nya ayusin ang lahat pag uwi ng pinas after ng OJT nya.
****
"It's a job well done"
A text message na nareceived mula sa pamilyar na number.
"Kaso diko gusto yung transfer part at yung yakapan nyo si Rex sa ospital medyo kadiri yung part na yun. Maybe i ask Rex kung bet ka ba nya kasi lalayuan ko sya if ever. Diko yata bet magkaroon ng kaibigang bakla. Baka ahasin mga magiging jowa ko. Chaaar! Hahahaha"
Nasundan pa ng isang text message pero binalewala lang ng binata ang mga mensahe na tila alam na nya kung kanino galing.
Palabas na ng campus si Christian ng makita nya ang isang pamilyar na dalaga na nakatayo sa di kalayuan. Iiwas sana sya pero may mga lalaki ang humarang sa kanya. Tumambay sila sa isang milk tea shop na di kalayuan sa bago nyang school.
BINABASA MO ANG
Ex with Benefits
Romanceunti unting nalilito si Irene kung ano ba ang nararamdaman nya ng muling iparamdam sa kanya ng dating asawa ang matagal na nyang di nararamdaman? LOVE O LUST???