Bakit ganun?

6.6K 67 1
                                    

"Adrian hindi ito tama"

Basag ni Irene sa katahimikan na bumabalot sa kanila ng dating asawa. Nakatingin sa kisame si Irene at sa kanan nya ay si Adrian na nakayakap sa bewang nya at nakasiksik ang ulo sa kilikili nito.

Natatakpan ang hubad nilang katawan ng puting kumot.

"May live-in partner na ako"

Walang reaksyon si Adrian sa tinuran ng dating asawa. Tila nakikiramdam sa mga susunod na mangyayari. Lagi syang ganyan. Inayos ni Adrian ang unan upang maging komportable ang pagsandal sa head board.

"Bakit na lang laging mali Irene?"

Malungkot pero halata ang pagkainis sa tinig ni Adrian.

"Bakit nga ba?"

Bulong ni Irene.

*ulitimate flashback*

"Hi!"

Biglang sumulpot sa Adrian mula sa likuran ni dalaga papunta sa gawing Kaliwa nito.

"Ay p*ki mo may kanin!!"

Halos maibalibag naman ni Irene ang comix na binabasa.

"Ano ba Adrian?! Nagrereview ako!"
"But your reading comix"
"May quiz kami sa social science"
"Anong connect ng comix?"
"Wala. Pero tayo may connection!"
"Sweet ng honey ko. I have a chocolates for you"

With matching taas taas kilay and his famous killer smile.

"Toblerone?"
"La-la"
"EHEM!! IRENE!"

Isang pamilyar na tinig ang agad na nagpalingon sa dalawa.

"Don't you have class?"
"Ma. Mamaya pang 3pm pa"
"Good after Dean Sibayan!"

Tiningnan ng masama ni Zeny ang lalaking katabi ng anak.

"Sumabay ka sakin mamayang umuwi. We need to talk!"

Hindi na nakasagot sa Irene dahil umalis na ang ina.

"it will be fine honey. Just tell her the truth. Mahal ka din nun at maiintindiha ka nya."

Sa kotse.

"So it is true"
"Sya ang lumapit Ma"
"Pag ba nilapitan ka dika na makakalayo? I thought i made myself clear Irene?"

Iniliko ni Zeny ang sasakyan papasok ng subdivision kung saan sila nakatira.

"ano bang ayaw mo sa kanya?"

"we already had an agreement Irene. Finish your studies first"

Katahimikan muli ang humalot sa kanila.

"seryoso ka na ba? Bka naman mag pabuntis ka. Di kita pinag aral para lumandi"

Ilang biling baligtad pero wala. Hindi matagpuan ni Irene ang antok. Nag dial sya sa land line nila. Pero marahil dahil pasado alas dos na ng madaling araw kaya hindi na ito nasagot ng kaibigan na si Andrea.

Muling bumalik ang dalaga sa kwarto. Ngunit bago ito makahiga sa kama. May nasilip ito na lalaki sa harap ng gate nila.

Lumapit sa bintana nya si Irene para siguraduhin ang kutob. May parang hinahanap ito. Nanlaki ang mata ng dalaga ng mapagtanto kung sino ito.

"Ano ginagawa mo dito?"

Halos pabulong nitong wika.
Nasa loob sya ng bakuran nila at ang kausap nya ay nasa labas.

"I use to walk pag di ako makatulog. Sakto pagdaan ko gising kapa. Inaabangan mo siguro ako?"

Sumimangot si Irene.

Ex with BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon