My BestFriend is my BestEnemy

1.1K 13 3
                                    

"She just grab me tapos this guy try to punch me sa mukha. Ang dami kong kalmot at sugat. Baka magpasa pa to tapos di nyo ikukulong yan!"

Galit na galit na wika ni Yvonne sa harap ng mga guard at pulis habang inilalarawan nito ang bersyon nya ng pangyayari.

"Kumpadre, maybe we can settle this things. Alam mo naman ang mga bata they usually get into fight na di nag iisip"

Wika ni Irene sa kaibigang pulis.

"Pati ba dito pinupulitika na ng mga mapepera. Paano na lang mga walang pera"

Lumapit si Irene at binulungan ni Yvonne

"Ikaw na intrimitadang bata ka. Pag di mo pinatahimik yang bunganga mo, dudukutin ko yang lalamunan"

Natahimik ang dalaga na tila nakaharap si santanas. Matalim ang irap ni Irene bago nya ibinalik ang atensyon sa kaibigang pulis.

"I guess we will check the CCTV footage kung saan sila nagsabunutan ng anak ko. Paki play na lang"

Dito na kibahan si Yvonne na di nya alam na may CCTV pala sa resort na yun.

Hindi kita kung ano ginagawa ni Benjie at Trixie dahil sa nakaharang na sanga. Kasunod nun ang pagbuhat ni Benjie kay Trixie at pagbuwal nila at nasundan ng pag sabunot ni Yvonne sa anak ni Irene na nagpataas ng kilay nito. Kitang kita doon ang totoong nangyari.

"So sinungaling ka pala?"

Baling ng atensyon ni Irene kay Yvonne na tila namumutla na.

"Hawakan mo ako Kumpadre!"

Dugtong nito sabay kinawit ni Irene ang braso nya sa braso ng kaibigang pulis.

"Gigil na gigil ako, awatin mo ako. Nagdidilim na paningin ko, oo, bata ka. Ano ba pumasok sa isip mo??"

Galit na wika ni Irene habang nagbabaga ang mga mata na nakatitig kay Yvonne. Ngunit ang dalaga ay nanatiling tahimik at halata sa guhit sa mukha ang pagka guilty nito.

"Dios por santo! Ala una na ng madaling nasa labas pa tayo at inaasikaso tong kamalditahan ng spoilbrat na to na di naman ganun kagandahan!!! Gusto mo bang ituloy na natin yang mga sugat at kalmot mo! Pati yung inaarte mong magiging pasa ibibigay ko, package deal! Libre na!! Malibas ko lang gigil ko sayo"

"Wag po. Sorry na po. Masyado po kasing mapapel yang anak nyo kaya naisip ko po yun"

"Ay hija! Walang gamot sa insecurities mo sa buhay. Walang makakagamot nyan. Wag mong isisi ang kasamaan ng ugali mo sa ibang tao. Kaya ka naging ganyan hindi dahil sa kanila kundi ginusto mo yan. Nireregla kana, pwede ka ng mabuntis pero di ka pa nakakapag isip ng naayon sa edad mo. Para akong nakikipag usap sa 3 years old kong anak. Umuwi kana sa bahay nyo at tumulong ka maghugas ng plato at mag agiw hindi yung puro kaharutan yang nasa isip mo. Believe hija, i've been there, mas masarap pa mag aral at magtapos ng walang jowa kesa mag lumaki ka ng walang pinag aralan kakajowa. Nakakatakot ka!!"

Hinawi ni Irene ang buhok at padabog na umalis sa Prisinto kasama ang anak at si Benjie.

"Nakakapagod na magmaldita. Gusto ko na agad pumatay ng matapos na. Stress layuan mo ako"

Pahabol na sermon ni Irene.

Habang pauwi ng manila, pinag uusapan ng lahat ang kalokohan ni Yvonne, walang may gustong tumabi sa kanya. Sa dulo nga bus nakaupo si Benjie at Trixie. Pinaalis ni Trixie si Benjie at pinalipat kay Christian.

Pero nilagpasan sya ni Yvonne kaya hinablot nya ito.

"Wag ka ng maarte tumabi kana sakin. Wala ng mag mamahal sayong iba sa bus na to kundi kaming mga kaibigan mo"

Ex with BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon