My son didn't bother to mention his father's name after that incident. Hindi rin niya nilalaro ang mga laruang ipinapadala ng tatay niyang nakapangalan kay Kuya, pero alam namin ni Jonah na galing kay Agon. Mag-iilang buwan nang nagpapadala si Agon ng pera at kung ano-ano para sa kaniya.
Sa Paris pa rin nagtatrabaho si Agon. Balita ko mula kay Maiden ay dito na raw siya magtatrabaho next months, after ng one month vacation niya, ng birthmonth niya.
"May ipinadala na naman ang daddy mo! Look!" Ngiting sigaw ni Jonah habang kinakalkal ang balikbayan box. "A lot of chocolates! This is your favorite, right?" muli niyang sigaw habang nakatingin sa kuwarto kung saan ang anak kong nagkukulong lang kada may padala ang ama.
Nagpaka-busy ako sa pagluluto ng panghapunan naming paborito ng anak ko dahil ito lamg ang nagpapalabas sa kaniya kada nagtatampo siya.
"At may akin pa!" tuwang-tuwang saad ni Jonah habang itinataas ang paper bag at coat na halatang limited edition. "Pakiramdam ko, may fafa de asukal ako dahil sa asawa mo!" Nangalkal pa siya ng box. "Sure kang wala kang balak gamitin ang marriage contract o si Junior para makuha lang pabalik iyon?" Baling niya sa akin.
Kung noon, pinagtutulakan niya akong maghanap ng iba, ngayon naman, pinagtutulakan niya akong balikan iyong lalaki dahil mabait daw ito. Ito at nagtatago raw ito sa pangalan ni Kuya para lang hindi magselos si Jonah 'kuno'.
Nilingon ko ang kaibigan kong pinaghihinalaan nilang boyfriend ko, noong may ibinato siya sa akin at natamaan ang paa ko. Isang paper bag at halatang may laman dahil medyo masakit ang tama nito kaya pinanglalakhan ko ngayon ng mata ang kaharap kong nag-peace sign lang.
Maya-maya'y ibinaba niya agad ang kamay na naka-peace sign at nagseryoso ang mukha. "Pero, pa'no kung kaya ka hindi binabalikan ng daddy mo ay dahil sa akin? Hindi mo ba siya sinabihang bakla ako?"
"Ba't ko naman sasabihin?" tanong ko pabalik. "He never asked." Ni hindi nga kami nag-usap. Hindi ko nga rin alam kung paano niya nalamang anak niya si Junior. Siguro'y sinabi ni Kuya. Or malamang, alam niya noon pang may anak kami. Ngayon nga lang yata siya natamaan ng salitang, 'responsibilidad'.
"Pero subukan mo pa ring sabihin."
"Kahit sabihin ko, wala lang din siyang pakialam. Saka, may iba na siya. 'Di ba?"
"Sinabi niya ba? Malay mo, magkaibigan lang ang mga iyon."
Bumuntong hininga na lang ako saka pinatay ang apoy sa kalan. "Kain na tayo," pagbabago ko ng topic saka pumunta sa kuwarto ng anak ko.
Nakaupo si Junior sa kama at nag-d-drawing. Pagpasok ko'y iniangat niya ang tingin at halatang problemado. Ganitong tingin ang ibinibigay niya sa akin kada walang may gustong makipaglaro sa kaniya sa school nila.
"Anak, bakit?"
"Mommy, ayaw ko na pong mag-school."
"Bakit? 'Di ba, excited ka noong mag-school?" Umupo ako sa tabi niya saka inilagay ang kamay sa ibabaw ng ulo niya.
"T—tinatawag po nila akong biot."
My son moves in a feminine way. And there's nothing wrong with that. Hindi ko nga lang maintindihan bakit bigdeal sa iba ang pagkatao niya. Tanggap siya ng pamilya niya, pero ibang tao, hindi na akala mo naman kung may iniambag sila sa pagpapalaki ko sa kaniya.
Kinabukasan ay kinausap ko ang principal ng school. Sinabi naman niyang huwag ko raw seryosohin ang nangyari dahil sa 'normal lang' sa bata ang pag-aaway which was, I found it pointless. There's no normal in harming other kids may it be through physical nor emotional. Yes it's true, bata pa sila, pero dapat ay pinagsasabihan na silang masama ang ginagawa nila, instead na sabihing normal ang ginagawa nila para hindi sila manatiling ganoon hanggang pagtanda nila.
BINABASA MO ANG
Loving Agon (complete)
RomansaArrietty Osorio, a woman who was diagnosed with a rare disease, the Magdalena Syndrome, a disease that causes the patient to bleed nonstop and the only way to cure it is through impregnation. She then pulled all of her strings to force Agon Alacar...