C26

2.3K 40 7
                                        

26

A week just passed with full of awkwardness, as I'm keeping the distance between us. I'm distancing myself away from them hindi dahil sa ayaw ko na sa kaniya, kundi dahil sa baka naiilang siya sa akin dahil sa ganoon nga siya. Tabi pa rin naman kami matulog, pero hindi na gaya ng dati na nakayakap ako sa kaniya. Sabay pa rin kumain, pero hindi na gaya noong nag-aasaran. Malapit kami sa isa't isa, na malayo.

"Ara, alis na ako," paalam niya. Nasa restaurant kami ngayon.

"I—ingat." Ngiti ko. Naging casual na kami sa isa't isa. Hindi na sweet sa isa't isa, mas lalong hindi na nag-aaway. Somehow, I'm missing our fights.

Nginitian niya ako saka umalis. Nakasalubong niya naman si Ella na kanina pa labas pasok dito sa kusina dahil maraming nagpapaluto ng kung ano-ano.

"Sabihin mo nga, nag-away ba kayong dalawa?" parang nanay na tanong ni Ella, habang nagpapainit ng mantikang pagpiprituhan niya ng  fries. Siya kasi ang bahala sa snacks, ako naman sa ulam.

"Hindi naman." Iling ko. Hindi naman talaga kami nag-away.

"Bakit hindi na kayo gaya ng dating parang aso't pusa tapos maya-maya, bigla na lang magiging mas sweet pa kaysa sa honey?" Nilingon niya ako. "Huwag mong sabihing..." Tumingin siya sa pintuang nilabasan ni Agon. "Alam mo na?"

Umiling ulit ako kahit hindi ko pa alam kung ano ang tinutukoy niya. "Ang alin?"

Tinitigan niya ako ng mga ilang segundo. "Tungkol sa pagkatao niya?" patanong niyang saad, na nagpalaki ng mga mata ko.

"A—alam mo? Kailan pa?"

"Unang tingin ko pa lang sa kaniya, amoy ko na," saad niyang nagpataka sa akin dahil lalaking-lalaki naman kung gumalaw si Agon. "Saka, ipinapahalata niya naman sa iyo."

"Through pangbabasag ng trip ko or pangti-trip sa akin palagi?"

Umiling siya. "Hindi. May mga straight namang lalaking ganiyan. Ang tinutukoy ko, ay iyong paraan niya ng pagtrato sa iyo. Hindi mo ba napapansing nagkakaintindihan kayo? Na naiintindihan ka niya? Beh, kahit halughugin mo ang mundo, wala kang makikilalang lalaking nakakaintindi ng babae."

Dahil sa sinabi niya'y naalala ko bigla ang sinasabi ni Agon kada napapa-overthink ako. Na naiintindihan daw niya. Magtatanong pa sana ako kay Ella nang lumabas na siya dahil luto na ang iniluluto niya. Lumabas na rin ako sa kusina saka nagtungo sa counter. Sakto namang may magbabayad na. Kailangan kong i-distract ang sarili ko bago pa ako mag-isip ng kung ano-ano.

"Ma'am, sobra ang ibinarya ninyo." Ngiti ng babaeng customer at nakita kong sobra nga ang naibarya ko. Agad ko namang kinuha ang sobrang ibinalik niya.

"Salamat." Ngiti ko. Nginitian din naman niya ako ulit bago umalis. Sinundan ko lang naman siya ng tingin. Base sa suot niya'y halatang Muslim siya. Napatingin ako kay Ella nang nasa tabi ko na siya.

"Ayos ka lang?"

Tumango ako. These past few days ay nagiging tuliro ako. Hindi ko maiwasang makonsensiya sa mga pinaggagagawa ko kay Agon noon. What if, naiilang siya nang husto kada niyayakap ko siya? What if, nandidiri siya sa akin kasi nga, lalaki ang gusto niya? Napakagat pa ako ng labi nang naalala ko ang tingin niya sa akin noong kinakausap ako ni Corbyn. Pati na rin noong naalala ko iyong araw na nakainom siya at nasabi niya sa akin ang paghihiwalay nila ng karelasyon niyang doctor daw na hindi ko naman inakalang si Doc Corbyn pala.

Bandang alas tres nang hapon, dumating na si Agon, umalis naman na si Ella. Maya-maya'y umalis na rin si Agon para maghatid ng orders sa kabilang kanto. May karamihan iyong ideniliver niya kaya hindi na ako nagtaka nang natagalan siya.

Loving Agon (Agony Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon