Masyadong madilim. Wala akong makita. Bigla, nagliwanag ang paligid. Nakita ko ang sarili ko sa korte. Mag-isa lang ako, pero naririnig ko ang mga tanong ni Attorney Neon Carter. Umiling ako. Ako ang biktima, pero bakit ako ang naididiin? Bakit ako pa ang lumalabas na masama?
Kung sabagay, kasalanan ko nga naman talaga dahil tanga akong gumawa ng kuwento. Kung nagpakatotoo lang sana ako una pa lang, baka may chance sana ako. Ngayon tuloy, hindi na puwedeng i-reopen ang kaso dahil case closed na. Hindi siya makukulong. Hindi ko puwedeng iakyat sa mas nakatataas na korte ang kaso kasi hindi ako defendant. Which makes me want to question the system, because it seems like it protects the offender, and turns its back on the victims.
Agon, nasaan ka? Bakit hanggang ngayon, wala ka pa? Miss na kita, miss ko na ang paraan mo kung paano ako pakalmahin, kailangan kita, nasaan ka—hindi. Kahit huwag ka na palang pumunta rito—pero miss na kita, nasaan ka ba? This world is so mean, Agon, please samahan mo akong lumaban.
Naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko noong may magaspang na kamay na humawak sa kamay ko. Si Agon. Hindi ko kailangang idilat ang mga mata ko para makitang si Agon ito dahil alam ko, siya ito. Wala akong maamoy dahil barado ang ilong ko dahil sa sipon, pero ramdam ko, siya ito.
Narinig ko ang mahina niyang paghikbi. Maya-maya'y itinaas niya ang kumot para makumutan maski balikat ko, kagaya ng madalas niyang ginagawa. Sunod ay naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko, bago ang labi. May pumatak pa ulit na luha sa mukha ko. Luha niya.
Buti't hinang-hina pa ako kaya hindi ko magawa maski ang idilat ang mga mata ko. Natatakot kasi akong baka kapag dumilat ako, malaman kong nananaginip lang ako.
Muling pumatak ang luha ko paggising ko dahil wala nga si Agon. Panaginip lang ang lahat. Dahan-dahan kong iniangat ang kamay kong ramdam kong hinawakan niya kanina sa panaginip ko. Kinapa ko rin ang noo kong napatakan kanina ng luha niya sa panaginip ko. Medyo basa ito. Posible kayang hindi ako nananaginip kanina?
Napatingin ako sa pintuan noong tumunog ang pinto, halatang may nagbubukas dito. Abang na abang naman ako kung sino ang papasok kahit pa alam kong hindi si Agon ito. Maski kasi ang paraan ng pagbukas ng pinto ng asawa ko, alam ko. Alam kong hindi siya ang papasok, pero nadismaya pa rin ako noong nakita kong si Kuya ang pumasok at hindi si Agon.
Ngumiti siya sa akin habang papalapit. "Kain ka na." Sabay abot ng ice cream na dark chocolate flavor sa akin. Inilapag naman niya sa maliit na mesa rito ang isang supot ng mansanas at isang gallon ng banana ketchup.
May pumatak ulit na luha sa'kin habang nakatitig sa hawak kong malamig na box ng ice cream. Pakiramdam ko talaga, nandito si Agon. Ito kasi ang ice cream na madalas niyang binibili para sa'kin. Inilipat ko naman ang tingin ko sa ketchup. Isang gallon. Kagaya ng madalas niyang binibili mula noong na-appreciate ko ang pagbili niya ng ketchup. Maski noong tapos na akong maglihi, ganito pa rin ang binibili niya. "S—si Agon po?" Hindi ko napigilang itanong saka siya nilingon.
Nakatalikod siya mula sa'kin. Naestatwa pa sa ere ang kamay niyang halatang nagtatalop ng mansanas. Maya-maya'y nilingon niya ako bago ngumiti. Ngiting ayaw na ayaw ko; malungkot na ngiti. "Wala siya."
"P—pero, sabi mo, papunta na siya rito." Lumunok ako. Nanlabo naman siya sa paningin ko dahil sa luha. "N—nasaan na po siya?" Sa puntong ito, ayaw kong makarinig ng bagay na ayaw kong marinig. Please, sabihin mong nasa labas siya.
Tinitigan niya ako ng ilang segundo saka bumuntong hininga. Iniabot niya sa'kin ang natalupan na niyang mansanas na hindi ko inabot kaya ipinatong niya sa ice cream. "Labas na ako."
Alam ko naman na ang sagot sa tanong ko kaya napaluha na naman ako. Nagsinungaling lang ba siya noong sinabi niyang nag-aalala para sa akin si Agon? Panaginip lang ba talaga iyong nangyari kanina?
BINABASA MO ANG
Loving Agon (Agony Series #1)
Roman d'amourArrietty Osorio, a woman who was diagnosed with a rare disease, the Magdalena Syndrome, a disease that causes the patient to bleed nonstop and the only way to cure it is through impregnation. She then pulled all of her strings to force Agon Alacar...
