16
"May asawa ako, Sir. Respeto naman sana," may diin ang bawat salitang binitiwan ko. "Magkakaanak na rin kami. Gusto mo, kunin pa kitang ninong?"
Tumawa naman siya, "We have this adage that never gets old..." Humakbang siya palapit sa'kin. "Ang mag-asawa, madaling nasisira."
Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa sinabi niya. Kung hindi lang yata bumukas ang pinto ay baka ini-apply ko na sa kaniya ang itinuro sa akin ni Kuya. Lumapit sa akin si Ella na siyang nagbukas ng pinto saka binigyan ng masamang tingin si Etham na medyo nakalayo na mula sa akin. Mukhang hindi naman napansin ng lalaki ang tinging ibinibigay sa kaniya ni Ella.
"May sasabihin ka pa po ba, Sir?" tanong pa ni Ella. Man hater si Ella. Kaya ayaw na ayaw niya sa lalaki. Talagang gusto lang talaga niya ang pagluluto kaya napilitan siyang sumali rito.
"Wala na. Sinabi ko lang kay Ara na bukas, magpapa-Cavite ako. Mananatili ako do'n hanggang katapusan. Papalit muna sa'kin ang pinsan ko sa pagtuturo sa inyo. Estudyante ko iyon kaya huwag kayong mag-alala. Magaling din iyon sa pagluluto," sunod-sunod niyang saad.
Ф†Ф
"Ang landi! Ang landi-landi ponyeta!" mura ni Ella. Wala si Nadine, sumunod kay Etham kaya hindi pinipigilan ni Ella ang sarili sa pagmumura. "Unang tingin ko pa lang sa flyer, alam ko nang malandi ang chef. Pangbabae lang kasi ang seminar. Ang landi!"
"Aalis ka na ba?" tanong naman ni Ate Aira. "Sabi niya, aalis siya hanggang tapos. Kapag bumalik na lang siya, saka tayo aalis."
"Aalis kayo? Edi aalis na rin ako. Kaniya na lang iyong papremyo niya. Sumasakit na rin kasi ang mga mata ko kada nakikita ko siyang nanglalandi." At umaandar na naman ang pagiging man hater ni Ella. Sa sobrang pagiging man hater niya, takot sa kaniya si Etham.
Ф†Ф
Gaya ng sinabi ni Etham, wala nga siya kinabukasan. Pumalit sa kaniya si Aljun na seventeen years old pa lang, pero sobrang galing na sa pagluluto.
"Mukhang gusto ka na naman ng pamangkin ni Etham," bulong ni Ella habang nagdidikdik kami ng bawang at sibuyas. "Palaging nakatingin sa'yo."
Pasimple ko ngang tiningnan si Aljun at tama si Ella, nakatingin nga ito sa'kin. Pero unlike sa tinging ibinibigay sa'kin ni Etham, curious na tingin naman ang ibinibigay sa'kin ng lalaki. Lumapit pa ito sa'min habang nagtataka pa rin ang mukha. Matangkad ito kaya sa unang tingin ay hindi mo aakalaing seventeen lang siya.
"Namumukhaan kita!" He snapped. Ngiting-ngiti pa siya. "Ikaw iyong babaeng dahilan kung bakit hindi ako nakapasok sa bar! Ikaw 'yon, 'di ba?" inosente niyang tanong.
Pinilit ko namang alalahanin ang mukha niyang pamilyar nga. Siya nga! Siya iyong lalaking kasama kong naharang ng guard dahil wala kaming ID. "Ikaw nga! Sabi mo, twenty ka na!"
"Bawal ang minor sa bar kasi nangma-minor moments sila, kaya kailangang pekehin ko ang edad ko. At sa buong buhay ko, nang gabing iyon lang ako hindi nakapasok at iyon ay dahil sa'yo." Bakit parang naging kasalanan ko pa? Kasalanan ko bang minor pa lang siya? Tiningnan pa niya ang mga kasama ko saka nginitian. Palangiti talaga ang batang ito. "So, kumusta na kayo ng asawa mo? Huwag mong sabihing naghiwalay kayo, matapos ninyong lasunin ang mata ko sa kissing scene ninyo sa parking lot?" sunod-sunod niyang saad, kaya namula ako. Mukhang namula naman ang braso ko dahil sa hampas ni Ella.
"Arriya! Ang wild!" Sabay hampas ulit niya. Nasita tuloy kami ni Nadine na makaasta, akala mo kung siya ang nagmamay-ari ng kusina.
"Okay lang naman kami... nakita mo?" tukoy ko sa kiss.
"Sinundan ko kayo. Akala ko, sasaktan ka niya. Hindi naman pala." Na-touch naman ako sa sinabi niya. Naaalala ko ngang noong hinihila ako that night ni Agon ay nag-aalala siya. Pero hindi ko maiwasang mahiya dahil sa nakita niya pala iyon. Hindi ko rin maiwasang masaktan dahil hanggang ngayon ay hinahampas pa rin ako ni Ella na halatang kilig na kilig. Required ba talagang manghampas kada kinikilig?
BINABASA MO ANG
Loving Agon (Agony Series #1)
RomanceArrietty Osorio, a woman who was diagnosed with a rare disease, the Magdalena Syndrome, a disease that causes the patient to bleed nonstop and the only way to cure it is through impregnation. She then pulled all of her strings to force Agon Alacar...
