C44

2.5K 38 3
                                        

TW ulit. Self harming




"Kuya, alis na kami," paalam ko kay Kuya karga ang anak ko.

Two months pa lang ng anak ko pero nagtatrabaho na ulit ako at isinasama ko siya palagi sa restaurant na business ko simula noong ipinagbubuntis ko pa lang siya. Ayaw ko kasing umasa sa pera ni Lolo lalong-lalo pa't mas kailangan nito ngayon ng pera pang-maintenance.

Binibisita rin kami palagi ni Mama. Siya pansamantala ang nagbabantay sa anak ko habang nagluluto ako. Tapos kapag tapos na akong magluto ay bumabalik siya sa bahay na isang barangay ang layo mula rito.

"Tawagan mo na lang ako kapag kailangan mo ng kasama ha?" tanong ni Mama na naghahanda na para umuwi. Marami rin siyang ginagawa sa bahay pero isang tawag ko lang sa kaniya, bumabalik agad siya rito para tulungan ako sa anak ko.

"Opo Ma." Ngiti ko habang pinagbubuksan siya ng pinto.

Lumapit siya sa anak kong nasa crib para halikan ito, bago umalis na.

Itinali ko ang maiksi kong buhok na dati ay mahaba at bagsak na bagsak. Madalas kasi itong i-compliment ng mga tao rito, mapababae o lalaki. Sobrang ganda raw, mas ipinapaganda ako. Kaya pinutol ko. Dati, gustong-gusto kong pinupuri ang itsura ko. Ngayon, ayaw ko na. Kung dati rin, pinapakibagayan ko ang mga lalaking customer namin, as long as hindi nila ako binabastos. Ngayon, papasok pa lang ang isang lalaking customer, nagbabago na ang timpla ng mukha ko. Kaya yata kaunti lang ang kumakain dito. Kaunti rin ang kinikita ko.

Pagdating ng hapon ay binisita ako ng landlady at nanghingi siya ng bayad dahil hindi ako nakapagbayad noong tapos. Ibinigay ko naman ang halos lahat nang kita ko sa isang buwan. Wala na tuloy akong pera para paikutin sa business ko at kakailanganin ko na ulit maglabas ng pera sa mga ipon ko.

Pagtingin ko sa anak kong natutulog ngayon ay bigla ulit akong nakangiti. Kaya kahit mahirap magtrabaho rito kasama siya ay isinasama ko pa rin siya. Dahil gumagaan ang loob ko kada nakikita ko siya.

Ф†Ф

Pag-uwi ay napalitan ng tuwa ang lungkot ko kanina noong binati nila ako. Birthday ko nga pala ngayon. Ika-twenty-two ko na. Habang kumakain kami ay hindi ko maiwasang malungkot. Hindi ko kasi kasama si Agon na palagi kong kasama noon sa halos lahat ng birthday party ko.

"Bunsoy, isa pa ngang kanta!" saad ni Ate Steph, habang nakatutok sa akin ang cellphone niyang pinangv-video niya sa akin.

"Paos na ako Ate, kanina n'yo pa ako ipinapakanta," tanggi ko. Ako ang birthday girl pero ako ang pinagre-request-an nila. Bago pa nila ako mapilit ay tumayo na ako at nagrason na pupuntahan ko ang baby ko dahil baka gising na ito.

"Bukas, kantahan mo ulit kami ha?" hirit naman ni Ella na nandito rin sa wakas. Siya ang bangka sa mga nagastos. Iniaabot na niya kay Kuya ang mic para ito na ang kumanta. Bago ako tuluyang makaalis sa living room ay narinig ko muna silang naghiyawan dahil sa pagkanta ni Kuya. Ang iingay nila! Mabuti't sound proof ang kuwarto namin ni Baby.

"O? Bakit hindi ka makisali sa kanila?" tanong ni Mama na karga ngayon ang baby ko.

"Padededehin ko lang po si Junior." Sabay kuha mula sa kaniya ang anak kong gising na.

"Sige at hahatiran ko lang ng pagkain ang lolo ninyo." Ngiti niya bago bumaba ng hagdan. Ilang sandali pa'y umakyat ulit siya saka inabutan ako ng isaw. Iniiihaw pa lang nila ito noong umakyat ako. Matagal-tagal na rin mula noong hindi ako nakakain nito kaya nakailang stick ako. Wala kasing nagtitinda ng ganito rito sa barangay na ito kaya kailangan pang dumayo sa kabila, lalong-lalo namang walang barbecue na pork dahil sa mostly rito ay Muslim. Nahinto ako sa pagkain saka napatingin sa kinakain ko. Wala ngang nag-iihaw rito. Meaning, walang kakompetensiya.

Loving Agon (Agony Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon