Content warning. Rspe topic.
"Did he harass you?" tanong ng babaeng attorney.
"Ma'am, pang-ilang beses na po iyang naitanong sa kapatid ko," saad naman ni Kuya. Dahil sa wala silang ebidensiyang nakuha ay ang malinaw at hindi pabago-bago ko raw na pagkuwento tungkol sa nangyari ang ilalaban namin sa korte. Meaning ikukuwento ko nang buo ang nangyari sa akin.
Nanatiling nakatitig sa akin ang attorney at hindi pinansin si Kuya. "Did he?" Tumango ako. "Paanong harass?"
"Putang-ina!" mura naman ni Ella samantalang pumatak naman na ulit ang luha ko. Ayaw ko nang sumagot dahil maaalala ko lang ulit ang nangyari. Pero dahil sa gusto ko ng hustisya, kailangan.
"Just trust me," she said. Hindi pinapansin ang pagmumura ng katabi ko.
"H—hinawakan niya ang... dibdib ko." Tumaas ang kilay niya, halatang naghihintay ng sasabihin ko pa. Tiningnan ko si Ella na naghihintay rin ng sasabihin ko pa.
"We won't judge you. Ang gumawa niyan ang huhusgahan namin," the attorney assured. "Did he... insert something?"
Napatingin naman sa akin si Kuya, pati na rin si Ella na katabi ko at nakahawak sa kamay ko.
Napalunok ako saka huminga nang sunod-sunod bago dahan-dahang tumango. Pumikit pa ako kasabay ng sunod-sunod na pagtulo ng mga luha ko. "P—pinilit niya ako," iyak ko at alam kong alam na nila ang gusto kong sabihin. "Nanlaban ako, pero malakas siya—" tuluyan na akong humagulgol habang kung ano-ano na ang pumapasok sa utak ko. Alam kong hindi nangyari iyon. Alam kong daliri lang ni Etham ang naipasok sa akin pero dahil sa kagabi pa ako nag-iisip ng puwedeng idagdag sa kuwento para maging mabigat iyong kuwento, ay pakiramdam ko'y nangyari nga iyon kaya para na akong mababaliw ngayon.
Napatingin ako kay Kuya noong nakita ko siyang napaluhod at para nang matatakasan ng bait habang nakatulala lang sa sahig. Ganitong-ganito ang itsura niya noong nabalitaan niya ang tungkol kay Agon.
Sorry Kuya. Alam kong masasaktan ka sa ginagawa kong kuwento, pero ito lang ang alam kong paraan para mas mabigat ang kasong maisampa kay Etham dahil hindi sapat sa akin ang ilang taon lang nito sa kulungan kung sakali mang sexual assault lang ang maisampa laban dito.
Hindi ko kayang makita si Kuya kaya yumakap na lang ako kay Ella kasabay ng paghagulgol ko.
"Pinilit niya ako!" iyak ko pa. Hindi pa ako nakontento sa paggawa ng kuwento, sinabi ko ring tinutukan ako ni Etham ng basag na bote kahit pa ang totoo, ako iyong nanutok n'on. Natatakot kasi akong malaman nila na hindi niya ako tinakot noong gabing iyon dahil sa lasing ako. Baka mapunta sa akin ang sisi.
Shortly after that, the police filed a warrant of arrest against Etham. Then after weeks that feel like centuries, a preliminary hearing was held, and Etham pleaded not guilty with the help of his lawyer, Attorney Carter— the best lawyer I know who had never lost a case not even once. Ngayon pa lang tuloy ay sobra na ang kaba ko para sa mismong trial. Paano kung matalo ako? Wala kaming ibidensiya maliban sa testimony ko, kaya paano kung malaman nilang nagsinungaling ako? Worst, paano kung lalabas lang ang lahat na parang pinagpeperahan ko lang siya?
"Kilala mo si Chef Etham?" Dinig kong tanong ng babaeng katabi ko, sa katabi niyang nakasuot ng magandang palda. Nakatambay ako ngayon sa mini library sa labas ng university na pinagtatrabahuan ni Attorney Jessa as an instructor dahil may gusto akong sabihin sa kaniya. "Iyong nagmamay-ari ng One Four Three restaurant diyan sa Jacinto?"
"Laman siya ng newsfeed ko ngayon kaya oo."
"So you're aware tungkol sa kasong naipataw sa kaniya?"
"Iyong kasong rape against him? Oo. Huh! If I know, gusto iyon ng babae. Hunk kaya iyong lalaki."
BINABASA MO ANG
Loving Agon (Agony Series #1)
RomanceArrietty Osorio, a woman who was diagnosed with a rare disease, the Magdalena Syndrome, a disease that causes the patient to bleed nonstop and the only way to cure it is through impregnation. She then pulled all of her strings to force Agon Alacar...
