18
"I was three..." he mumbled out of the blue. Nakahiga kami ngayon sa kama at matutulog na sana, pero ito't nagsalita siya. Inulit ko pa sa isipan ko iyong sinabi niya para lang maintindihan ko. "When I first saw my parents arguing," dagdag niya sa wakas habang nakatingin sa kisame samantalang nakatingin naman ako sa kaniya't iniuunan ko ang braso niya. "I was too young that time. But their lines, their fights were still vivid. And it seemed like it all came back yesterday, when we fought. Your lines were the same with my mama's line... iyong salitang, 'pagod'... 'asawa ako at hindi katulong'... the day after their fight, Mama took me away from Papa... after naman ng pag-aaway natin, ramdam kong nanlalamig ka na—kaya inakala ko na talagang umalis ka na—" his voice cracked. "Akala ko, pagod ka na talaga—akala ko..."
I hugged him and felt how nervous he is. He’s trembling. I could feel and see the pain and fear that his past has brought upon him. He went through a lot… my Agon went through a lot. And I feel sorry for being another burden to him.. Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya, saka siya hinalikan. "I love you, Agon... kaya hindi ako mapapagod." Nginitian ko pa siya. "At kung mapapagod man ako, hindi pa rin ako aalis sa tabi mo." Just—except if the pain you’d bring would be too much to handle… if it becomes be greater than my love for you… I’d let go… and you know how much I love you, right?
Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kaniya dahil parang hindi ko ma-imagine ang sarili kong iiwan siya kung sakali. Iniisip ko pa lang ay hindi ko na kaya. Pero kung sakali mang magloloko siya, o kung sasaktan man niya ako, sana makaya kong makaalis.
Pumikit ako para mawala sa isipan ko iyong nga negatibong naiisip ko. Hindi naman si Agon iyong tipo ng taong magloloko. Higit sa lahat, kahit pa masama ang ugali niya at mahilig siyang mamitik ng noo ay hindi naman siya nananakit.
"Ara?" banggit niya sa pangalan ko matapos ang ilang minutong katahimikan.
"Hmm?" inaantok kong tanong. Anong oras na kasi. Si Agon talaga iyong tipo ng taong patulog na iyong tao, saka maiisipang magkuwento.
"Ara?" banggit na naman niya ng pangalan ko gamit ang pinakamahina at pinakamalambing niyang boses.
Idinilat ko na ang mga mata ko saka siya tiningnan. "Hmm?" Namula ako nang nakita ko siyang nakangiti. Agon! Ang landi! Sino ba naman ako para hindi magpalandi?
Ф†Ф
Nagpa-check up ulit ako kasama si Agon. Three months na ng baby namin. Kabilin-bilinan pa ng OB na magdoble ingat daw ako dahil maselan talaga ang pagbubuntis ko. Bumili na rin kami ng panibagong vitamins dahil ubos na ang binili namin ni Tita Cas. Hindi ko mapigilang mapangiti habang nakikita kong patingin-tingin si Agon sa nalampasan naming shop ng pang-baby.
"Bili na tayo?" hirit pa niya. Mukhang mas excited siya kaysa sa'kin.
"Kapag alam na natin ang gender ni Baby."
Hinawakan niya ang tiyan ko. "Babae ka ba, o lalaki? Bilisan mong lumaki ha? Susundan ka pa namin. Ilang kapatid ba ang gusto mo?" sunod-sunod niyang tanong na nagpapula sa'kin. "Ilang anak ang gusto mo?" This time, sa’kin na siya nakatingin.
"Tatlo?" patanong kong sagot. "Kuya, ate at bunso."
"Ganiyan din ang gusto ko."
Pagkauwi nami’y tinuruan ko siya kung paano magluto dahil gusto raw niyang matuto. After that fight, tumutulong na siya sa gawaing bahay at nakokonsensya pa rin naman ako hanggang ngayon sa way kong pag-ask sa kaniya na tumulong.
"Ahhh... Ara?"
"Bakit?" tanong ko habang kumakain kami. Iniangat ko pa ang tingin ko para makita siya. Mukha siyang nag-aalinlangan. "May sasabihin ka?"
BINABASA MO ANG
Loving Agon (Agony Series #1)
RomanceArrietty Osorio, a woman who was diagnosed with a rare disease, the Magdalena Syndrome, a disease that causes the patient to bleed nonstop and the only way to cure it is through impregnation. She then pulled all of her strings to force Agon Alacar...
