C47

2.8K 39 1
                                        

"Agon?!" sigaw ko sabay bangon. Ngiting-ngiti lang naman ang lalaking nanggising sa akin. Hinalikan lang naman niya ang noo ko, pero dahil sa naging alerto na ang sestema ko ay nagising agad ako. Akala ko kasi, may nangbabastos na naman sa akin. "Ang aga-aga, nangba-badtrip ka!" Nandito na naman kasi siya sa kuwarto namin ni Junior.

Ngumiti lang siya. "May oras ba iyon?" Tumingin pa siya sa Rolex niyang relo. "Saka anong ang aga-aga? Tanghali na!" Sabay tanggal ng nakabalot sa aking kumot. Kita ko pa ang pagngiti niya nang nakita niya ang legs kong hindi nababalutan ng robe ko.

Binigyan ko siya ng nang-aasar na ngiti habang inaayos ang robe na pangtulog ko. "Don't tell me, gusto mo rin nito?"

Ngumiti siya ng girly na ngiti, inilalantad ang kabaklaan. Siguro kapag nagsama sila ni Jonah, magkakabati sila nang husto. Bigla ay naging ngisi ang ngiti niya. "Hindi. Gusto ko lang."

Nanlaki ang mga mata ko noong na-gets ko ang sinabi niya. "Manyak!" Sabay tayo ko. Ang galing talaga niya sa pagbaliktad ng mesa. Siya ang inaasar ko, pero ako ang naasar. Mas naasar pa ako noong nag-'yamete kudasai' siya at ginaya pa talaga ang boses ng on-trend ngayon sa TikTok. Iyong may ungol. "Agon!" Sabay bato ko sa kaniya ng unan na nailagan niya.

Tawang-tawa naman ang demonyo habang pinupulot ang unan. Pumunta na lang ako sa banyo. Ilang taon na ang lalaking iyon, pero nagmumukhang tumanda siyang paurong. Araw-araw kasi, iba ang trip niya sa panggising sa akin. Napatitig ako sa reflection ko habang nagmumumog ako. We used to be like this before. In an instant, our past flashed back before me. Those good days and those bad ones.

There I was, craving for an ice cream, and he bought me two gallons. There I was, so insecure and he assured me. There I was, aching for an explanation, yet he left me. Lastly, there I was, so broken, yet he broke me even more.

I removed the satin bonnet I wear every night when I sleep, and the strands of my hair fell freely. Mahaba na ulit ang buhok ko ngayong alagang salon, at kaya ko nang tumanggap ng compliments sa ibang tao, nang hindi nakararamdam ng kaba, o pagka-praning na baka may mangbastos ulit sa akin. But I still don't know if I'm fully healed or if I'm just used to it. What I'm sure is I survived without Agon by my side.

Napatingin ako sa nakasarang pinto ng CR noong narinig kong may kausap sa labas si Agon. Kanina ko pa siya hinihintay na umalis dahil ayaw na ayaw ko siyang nakikita, pero hindi pa rin siya umaalis kaya hindi rin ako lumalabas dito. Ang sabi ni Kuya, may bahay siya sa Rizal. Ewan ko ba sa kaniya bakit nakikitira siya rito. Malabo namang para makita palagi ang anak niya. E nakaya nga niyang iwan kami—ang anak niya ng ilang taon.

Sa wakas ay natahimik na ang kuwarto ko. Sa pag-aakalang lumabas na siya, ay lumabas na rin ako sa CR para lang makita siyang nakaupo sa swivel chair ko. May nakasalampak sa tainga niyang ear pods at wala siyang hawak na gitara, pero iyong dalawang kamay niya, naggigitara.

Tumayo siya pagkakita sa'kin saka ngumiti na parang walang ginawang kalokohan,  kagaya ng palagi niyang ginagawa. "Buhay ka pa pala? Akala ko, nalunod ka na sa lababo."

Hindi ko na lang siya pinansin at lumapit na lang ako sa mini table, katabi ng kinauupuan niya. Napatingin ako sa isang tasa ng kapeng halatang tinimpla niya. Napalunok tuloy ako dahil naaakit ako sa amoy nito. Umiiwas na nga ako sa matatamis dahil trentahin na ako, ito naman siyang inilalapit sa'kin ang tukso. Gusto kong pagsabihan siyang ilayo sa'kin iyong kape pero ayaw ko siyang kausapin kaya nanahimik na lang ako.

"Tikman mo 'tong kapeng timpla ko." Sabay mas inilapit sa'kin iyong kape kaya tumingin ako sa mukha niyang halatang excited na tikman ko iyong timpla niya, at malamang ay excited ding purihin ko. "Sabi ng mga kasama ko, masarap daw. Ilang taon ko ba naman kasing inaral."

Loving Agon (Agony Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon