C9

4K 59 9
                                        

9

“Mabuhay ang bagong kasal!” sigaw ni Tito Sherwin ang pumuno sa buong kuwarto kung saan naisagawa ang sikretong kasal. Iilan lang ang bisita naming hindi namin kapamilya. Dadalawa lang sila ni Ate Maiden.

I glanced around this hall that was barely decorated as everything was rushed. Kaya rin iilan lang ang bisita namin. This wasn’t the wedding I’d dreamed of as a kid. But I couldn’t feel sad—because at least, the man I married was Agon, my dream groom.

I looked at this guy beside me just to get curious. Does he feel the same? Is he happy too that he married me? If I were to judge it based from his face right now, I know he doesn't. Bakit naman siya matutuwang ikinasal sa'kin? Alam ko namang kahit pa inaya niya ako ng kasal, ay napilitan lang siya.

Napalunok ako habang nakatingin pa rin sa kaniyang tahimik pa rin at mukhang balisa habang panay ang tingin sa pintuan. Nagsisisi kaya siya? Pero may eleven days naman siyang palugit para umatras, at hindi siya umatras. Siya pa nga ang nagsulat ng parental consent dahil nagagaya niya ang penmanship ni Mama.

Eighteen years old pa lang kasi ako, kaya kailangan ng written parental consent na ngayon ko lang nalaman na nag-e-exist pala. Wala si Mama, kaya napilitan si Agon na pekehin ang parental consent nito pati pirma, para maikasal na kami agad. Puwede naman kaming maghintay ng tatlong buwan para hindi na kailangan ang parental consent, kaso ayaw ko dahil baka magbago pa ang isip niya.

Inilipat ko ang tingin ko sa ibang banda para maiwasan ko ang pag-iisip na naman ng kung ano-ano. Ngumiti ako kay Agartha na panay ang pag-picture sa'min. Ang ganda niya sa suot niyang baro't saya. Dito sa Shaman City kasi namin isinagawa ang kasal. Nag-rent lang si Agon ng room dito, para maisagawa ang simpleng seremonya.

Parehong kimono ang suot namin ni Agon at bagay na bagay sa kaniya ang suot niya dahil may lahi naman kasi talaga siyang Hapon. Hapon kasi ang lolo niya sa mother side.

Napatingin ako kay Kuyang maluha-luha ngayon. Bagay naman sa kaniya ang suot niyang tuxedo. Lutang tuloy ang pagiging Amerikano niya. Half American kasi ang tatay nila. Pinunasan niya ang luha niya, sabay yakap sa'kin. "Mas nauna pa kayong ikasal kaysa sa'kin," iyak niya. Sunod niyang niyakap si Agon. "Alagaan ninyo ang isa't isa ha? Kapag kayo, nagsakitan, ako mismo ang mananakit sa inyo," habilin pa niya sa'min na tinawanan ko lang.

"Labas lang ako," mahinang saad ni Agon. Maya-maya pa'y lumabas na siya. Padabog pa niyang isinara ang pinto. Kulang na lang ay basagin na niya kanina ang cellphone niyang hawak.

"Huwag mo na iyong pansinin. Baka lumabas lang para umiyak. Umiyak dahil sa tuwa." Ngiti ni Kuya, pero hindi ko magawang tumigil sa pag-iisip ng kung ano-ano.

"Asan ang anak ko?" tanong ni Tita dahil oras na para kumain. Halos mahimatay siya noong in-inform siya ni Agon tungkol sa kasal. Nahimatay naman siya noong nalaman niyang buntis ako. Hindi na ipinaalam sa kaniya ni Agon kung bakit niya ako binuntis.

"Nasa labas po. Ma," inihabol ko ang huli dahil sinabihan niya akong tawagin ko raw siyang mama. Mabuti't kahit pa biglaan ang pag-announce namin tungkol sa kasal ay pumayag pa rin siya. Hindi ko nga alam kung ano ang ginawa ni Agon para mapapayag siya. Sila lang ni Agartha ang nakapunta rito dahil busy si Agatha.

"Dahil wala si Agatha, ikakain ko na lang siya," saad ni Agartha na kumakain na ngayon kaya sinabayan ko siya sa pagkain. Kaming dalawa ang nagluto nitong mga handa kaya dapat lang na magpakabusog kami. "Nga pala, talaga bang bawal i-post ito sa Facebook? Sayang naman ang suot ko."

"Hindi naman sa bawal, pero hangga't maaari, hindi puwede." Naninigurado kasi kami. Alam na ni Agon ang sitwasyon ko at sinabi niyang huwag ko raw itong i-open sa kapatid niya dahil sa bibig nito.

Loving Agon (Agony Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon