32
"Na-contact mo na ba siya?" Halata ang pag-aalala sa mukha ni Kuya habang panay naman ang check ko ng cellphone ko.
"Hindi pa rin po." Iling ko. It's been a week. Linggo na ang nakalilipas mula nang umalis si Agon, pero wala siyang paramdam kaya hindi ko maiwasang mag-alala.
Napapikit si Kuya at halatang nagtitimpi ng emosyon, habang parang linta namang nakakapit sa kaniya si Jona na kasama niya, buong araw. "Bakit kasi hindi ninyo ako sinabihan tungkol sa plano niya?" Hinilot pa niya ang sarili niyang noo. Noong sinabi ko sa kaniya ang tungkol sa pag-alis ni Agon ay maski siya'y nakaramdam ng kakaiba, lalong-lalo na noong nabanggit ko ang sahod na makikita roon ni Agon.
"Kalma babe, malay ninyo, nagha-happy-happy lang doon si Agon?" Sabay ngiti pa sa akin ni Jona. Sa lahat ng ngumingiti, sa kaniya ako naiinis.
"Hindi iyon magagawa ng asawa ko."
"You sure?" At tinaasan pa niya ako ng kilay! Pagtingin niya kay Kuya ay lumambing ulit ang mukha niya. Bruha!
"Tama siya. Hindi iyon magagawa ni Agon," Kuya said for my defense. Kung hindi lang seryoso at mabigat ang sitwasyon namin ngayon, makikipagpalitan ako ng 'mamatay ka na' look kay Jona. Binalingan ako ni Kuya. "Alam mo ba ang address ng nag-recruit? Iyong pinagtatrabahuan ni Agon?"
"You don't know?" May pangma-mock na tanong ni Jona nang medyo natagalan akong mag-isip. Tama siya, hindi ko nga alam. Umalis na kasi si Agon doon noong nalaman kong hindi na pala ito sa Extraordinary nagtatrabaho.
"Hindi ko kasi naitanong. Basta ang alam ko lang, restobar ito."
"Saan?"
Nagkibit balikat ako. "Baka alam ng katrabaho niya."
Ф†Ф
"Ahh, iyong bar na ni-raid ng mga pulis? Mabuti't umalis si Agon doon bago na-raid ang pokpok house na iyon," sunod-sunod na saad ng babaeng dating katrabaho rito ni Agon. Ito iyong nanglandi noon kay Agon. Siya na ang nilapitan ko dahil mukhang madali siyang makausap.
"Bar? Ni-raid?"
"Oo. May underground kasi ang restobar na iyon kung saan naisasagawa ang prostitution at pagbabatak ng alam mo na, drugs. Bakit mo naitanong?"
"Alam mo ba ang address n'on?"
"Oo. Pero masasayang lang ang pagod mo kung pupuntahan mo iyon dahil naisara na iyon. Naikulong na rin ang nagmamay-ari."
"Si Aditty?" Ang alam ko, nasa abroad din siya ngayon.
"Malay ko? Pero lalaki naman iyong nahuli." Tumingin siya sa loob ng restaurant. "Sige, tapos na ang break ko. Kung gusto mo, puntahan mo ako rito mamaya, samahan kita do'n."
Bumalik nga ako noong alas singko kasama si Kuya na nag-sick leave para maasikaso ang sitwasyon namin kay Agon. Kapag hindi pa rin daw namin mako-contact si Agon ay lalapit na raw kami sa awtoridad.
Gaya ng sinabi ni Kyla, closed na nga ang restobar. Napag-alaman din naming hindi si Aditty ang nagmamay-ari nito, kundi pagmamay-ari ng kapatid niyang nakakulong na ngayon.
"Jacinto pulis ako." Sabay taas ni Kuya ng wallet niya para ipakita ang badge niya. "Nandito ako para makahingi ng impormasyon tungkol sa Deity's Restobar na naipasara kahapon lang."
"Magandang araw, Makabayan pulis." Isinara ng lalaking pulis ang makapal na folder na binabasa niya kanina. "Busy ako." Iba na namang folder ang binuklat at binasa niya. "Saka, sa amin ang kasong ito, bakit gusto mong makakalap ng impormasyon?"
"Importante lang Sir."
"Importante rin ang ginagawa ko."
"Mga ser," saad ng ginang sa likuran namin kaya napalingon kami rito. Lumapit siya sa mesa. "Manghihingi ho sana ako ng tulong... tungkol po sa anak ko."
BINABASA MO ANG
Loving Agon (Agony Series #1)
RomansArrietty Osorio, a woman who was diagnosed with a rare disease, the Magdalena Syndrome, a disease that causes the patient to bleed nonstop and the only way to cure it is through impregnation. She then pulled all of her strings to force Agon Alacar...
