C25

2.5K 36 12
                                        


"Aray! Hindi mo talaga ako mahal!" Nguso ko habang sapo-sapo ko ang noo kong pinitik na naman niya. Nagbiro lang naman ako.

Ngumiti siya at halatang guilty sa ginawa niya saka hinalikan ang noo ko. Kung ito ba naman ang way niyang mag-sorry, willing akong magpapitik segu-segundo. "Kontrolado ko naman kasi dapat ang pagpitik ko, kaso ikaw naman kasi, isinalubong mo ang noo mo. Ayan tuloy, napalakas." Hinalikan ulit niya ang noo ko. Nang inilayo na niya ang mukha niya sa akin ay kumunot ang noo niya. "Bakit?"

Mas napanguso naman ako. "Halikan mo rin ako sa lips— aray! Agon naman!" Pinitik kasi niya ang labi ko. Mahina lang naman, gusto ko lang magdrama. Napangiti ako nang hinalikan niya ito. Lalaking ito! Kailangan talaga muna niya akong pagtripan bago siya maging sweet.

Umayos na siya ng upo saka itinutok ulit ang tingin sa TV na puro patalastas ang naipapalabas. Naipatalastas sa TV ang ketchup kaya naglaway tuloy ako. Tumingin ako sa kusina. Kung hindi ako nagkakamali, may isang apple pa akong natira kanina.

Tumayo ako at kinuha iyong apple saka bote ng ketchup na paubos na. Ngumuso ako habang nakatingin sa bote na nakalimutan kong itaob kanina para bumaba iyong laman at para masimot ko.

Hanggang sa pagbalik ko sa maliit naming salas ay nakanguso pa rin ako habang itinataktak ang boteng may kaunting ketchup. Maya-maya'y inukit ko iyong kaunting bumaba, gamit ang hawakan ng kutsara. Noong may naukit ako ay dinilaan ko ito, bago kumagat sa mansanas. Napansin kong nakatingin sa'kin ang asawa ko kaya nilingon ko siya. "Gusto mo?" Alok ko ng mansanas.

Umiling siya saka tumayo, nagtungo sa kusina at binuksan iyong cabinet sa itaas ng lababo. May inilabas siyang bagong ketchup kaya nagsikislapan ang nga mata ko.

"May ketchup kang binili?" hindi makapaniwala kong tanong habang binubuksan ang bote pagkaabot na pagkaabot niya.

Umupo naman siya sa tabi ko. "Kailan pa ba kita hinayaang maubusan ng ketchup?" Kumagat pa siya sa hawak kong apple. "May mansanas pa sa ref." Ibinalik na niya ang tingin niya sa TV samantalang niyakap ko naman siya habang hawak ko pa rin ang apple at ketchup sa magkabila kong kamay. "Ara, ang dumi ng bibig mo, kahuhugas ko lang—"

"I love you," saad kong halatang nanggulat sa kaniya dahil para siyang naestatwa. Suminghot pa ako dahil naiiyak ako sa sobrang pagka-touched sa ginawa niya. Ngayon ko lang kasi napansing hindi nga ako nauubusan ng apple at ketchup dahil paubos pa lang ay may bago na siyang binibili. Inilayo ko lang din sa kaniya ang mukha ko maya-maya saka siya tiningala.

Nakatingin naman siya sa'kin habang nakangiti at halatang puring-puri sa sarili dahil may asawa siyang patay na patay sa kaniya. "Bukas, isang gallon ang bibilhin ko." Inakbayan niya ako.

"Kahit iyong nakabote lang, yayakapin pa rin naman kita kahit nga iyong naka-sachet lang ang bibilhin mo."

Nanahimik na kami dahil tapos na ang patalastas. Love story ang pinapanood namin. Tungkol sa reincarnation.

"I love you! Eversince the time immemorial, I love you..." saad ng leading man.

Napatingin ako kay Agon dahil napansin kong nakatingin siya sa akin at nakatingin nga.

"Do you believe with the title of that nonsense love story?" tanong niya sabay turo sa TV.

"When history repeats itself?"

"No. With the words, 'history repeats itself'."

Nagkibit balikat ako dahil wala lang naman sa akin ang sayings na iyan.

"E anong comment mo tungkol diyan?"

"Wala." Sabay kain ko ng mansanas. Mabuti't hindi naninilaw ang ngipin ko kahit pa panay ang pagkain ko nito. Ginagawa ko kasing toothpaste ang abo. Itinuro iyon sa akin noon ni Agon. Mabuti talaga't best in science ang napangasawa ko. Minu-minuto akong nakakakalap ng trivia. "Ikaw? Naniniwala ka?" tanong ko dahil nanahimik na siya.

Loving Agon (Agony Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon