7

4.1K 64 4
                                        

7

"Kahit bayaran n'yo ulit ako ng milyon... hindi kita mamahalin."

Nanlambot ang mga tuhod ko sa sinabi niya at pakiramdam ko ay matutumba ako anumang oras kaya kumapit ako sa laylayan ng jacket niya bilang suporta.

He remained looking down, staring directly at my begging eyes with his shuttering eyes, as if carrying a thousand words he couldn’t voice out.

My lips suddenly parted when I saw his eyes glistened. Pakiramdam ko naman ay nadurog ako pagkakita ko ng luhang pumatak sa mga mata niya. Kung nasaktan ako kanina sa sinabi niya, mas masakit ngayong nakikita ko siyang lumuluha.

Linunok ko ang bikig sa lalamunan ko. Susuko na ba talaga ako?

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa laylayan ng jacket niya noong ipinadaan niya sa labi ko ang magaspang at amoy lemon niyang hinlalaki, halatang pinunasan ang labi kong ramdam kong duguan dahil sa lasa at hapdi na rin.

Nanatili akong nakatitig sa mga mata niyang biglang nag-aalala na sa akin. Nawala tuloy bigla sa isipan kong susuko na ako sa kaniya.

Then his face lowered, and before I can even grasp what is happening, his lips are already on mine for the second time. My eyes flew wide, and breath got caught in my throat, as if the world tilted away and left nothing but the searing warmth of his mouth against mine.

"I can kiss you as passionate as this, but Ara, take note of this, I will never love you," he whispered with his lips still pressed against mine, but instead of feeling the tickling feeling, tears welled up in my eyes. Even when his lips began to move to kiss me deliberately and in a passionate way, I'm still crying. How come? He's kissing me gently, but it feels like a torture. I badly want to push him away, but I feel too weak enough to do so. Wala akong ibang magawa kung hindi ang lumuha nang walang hikbi.

Ilang sandali lang ay lumayo na siya mula sa akin saka inayos ang buhok ko. Maya-maya pa'y niyakap niya ako.

Ipinikit ko ang mga mata ko pagkasandal ng mukha ko sa dibdib niya, habang abala pa rin siya sa pagsuklay ng buhok ko. Amoy na amoy ko ang pabango niyang amoy lavender. Nakakakalma ang amoy nito pero hindi ko magawang kumalma. Akala ko ay tapos na siya sa pang-to-torture sa akin kaya yayakapin ko na sana siya pabalik nang nagsalita ulit siya... "I can hug you as tight as this for hours, or even for years," he breathed, while I feel like I'm running out of air to breathe. "But Ara, I can’t love you. And even if I could, I don’t want to love you," he added in his softest voice, before kissing my forehead. "Itatak mo iyan sa isip mo ha? Hindi kita mamahalin."

Ф†Ф

I don't know how did I get home safe after hearing those words coming from him. Sa kuwarto ako dumiretso kagabi at nagmukmok, buti na lang at hindi pa umuuwi si Kuya kaya hindi nito ako nakitang umiyak.

"I can't love you. And even if I can, I don't wanna love you."

Umiling ako saka nagpatuloy sa pagkain. Mula kagabi ay parang sirang plakang paulit-ulit kong naririnig iyong mga sinabi ni Agon. Hindi tuloy ako maka-move on.

Ipinukol ko ang attention sa pagkagat ng ulam naming tuyo para mawala na sa isipan ko ang lalaking iyon total at hindi ko lang din naman iyon mahal. Ang tanda-tanda n'on kaya. Ang sama pa ng ugali.

Bigla akong natigilan sa pagkain at napatingin sa full length mirror na katapat lang ng kusina kaya kitang-kita ko ngayon ang sarili kong halatang malungkot. Magang-maga pa ang mga matang halatang magdamag na umiyak.

Hindi na ako nagtaka noong may pumatak ulit na luha ko dahil habang inuuto ko ang sarili kong wala akong nararamdaman para sa lalaking iyon, ay mas naitatatak sa aking mayroon, kaya nasaktan ako sa sinabi niya. Kaya hindi ko magawang magalit sa kaniya sa kabila ng ginawa niya. Isa pa ay alam kong kasalanan ko rin naman kung bakit niya iyon ginawa.

Loving Agon (Agony Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon