C2

6.5K 100 15
                                        

Nakatayo lang ako sa tapat ng saradong pinto ng kuwarto ko, habang dinig na dinig ko mula rito ang usapan nina Mama at Kuya, na tungkol sa pagiging 'disgrasyada' ko.

"Kailangang may lalaking papakasalan siya. Ano na lang ang sasabihin ng mga kakilala ko?!" Here she is again, thinking about nothing aside from herself. "Na may anak akong disgrasyada?"

"Ma! Tama na!" my brother shouted. "Saka huwag mo ngang tinatawag ang kapatid kong disgrasyada! Hindi niya iyon ginusto!" For once, I haven't either heard nor saw Kuya raising his voice. Ngayon lang talaga. Sumusobra na kasi si Mama, mabuti na nga lang at hindi na ulit ito nagsalita.

Napatingin ako sa tiyan ko. Tama si Kuya. Hindi ko nga ito ginusto. Kung bakit ba kasi, sa bilyong-bilyong tao sa mundo, ako pa ang tinamaan ng pambihirang sakit na iyon? Magdalena Syndrome. Isang sakit na noon pa nag-e-exist, pero ngayon lang nahanapan ng lunas at ang tanging panlunas ay pagbubuntis. Kagaya ito ng menstruation kaya minu-minuto akong nakararanas ng sobrang sakit sa puson noong nags-suffer pa ako rito. Kagaya rin ng menstruation ay nahihinto ito, kapag buntis na iyong pasyente.

Kaya kinailangan kong magbuntis dahil puwede akong mamatay kapag hindi pa ako nagbubuntis. Unti-unti kasing nauubos ang dugo ko noon kahit pa halos lumaklak na ako ng gamot na naglalaman ng iron. Hindi naman ako masalinan ng dugo noon dahil sa bukod sa rare ang sakit ko, ay rare din ang blood type ko. Rhnull blood type, also known as the golden blood. Minsan, hindi rin maganda ang pagiging pambihira.

Namalayan ko na lang ang sarili kong nakaupo na sa sahig at umiiyak. Hindi ko naman ginustong magpabuntis. Mas lalong hindi ko ginustong si Agon, na half brother ng half brother ko, ang nangbuntis sa akin dahil ayaw ko sa kaniya, pero wala akong choice. Kasi gusto kong mabuhay. Hindi naman kami puwedeng mag-ask in public ng puwedeng maging sperm donor dahil puwedeng maging dahilan iyon ng ikasisira ng hospital ni Tito Sherwin.

Hindi pa kasi kami hundred percent sure na tama iyong inaakala ni Titong lunas pero desperado na kami, kaya pumayag akong maging guinea pig.

Ilang minuto pang walang tigil sa pag-iyak hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog pa ako. Nalaman ko na lang noong nagising ako. Iyong salamin sa wall ang bumungad sa akin pagbangon ko. Kitang-kita ang pamamaga ng mga mata ko. Mas lumala tuloy ang insecurities ko.

Hindi ako kagandahan. Kaya yata ayaw sa akin ni Agon. Morena, makapal na kilay na namana ko kay Mama, hindi katangusan at hindi rin naman pangong ilong, nanlilisik na mga matang black na black, makapal na labi. Noong bata pa ako, gandang-ganda ako sa sarili ko kasi palagi akong napagsasabihang cute ako. Pero habang nagdadalaga ako, ay nawawala ang confidence ko, lalong-lalo na noong nakalabas na ako sa hospital dahil sa nakita kong maraming mas cute at mas magaganda kaysa sa'kin.

Yes. I know that life isn't all about who is prettier and who is uglier but I just couldn't stop myself from comparing myself to other. Sa puntong ito, gusto kong tawagan si Ate Maiden. Gusto kong marinig ang boses niya. Pero alam kong busy siya kaya ayaw kong madisturbo siya.

Naibaling ang tingin ko sa picture frame kung saan nakalagay ang family picture namin. Tatatlo lang kami sa picture. Ako, si Kuya at si Mama. Dalawa ang lalaki ni Mama, pero wala sa dalawa ang nagpakalalaki para panindigan siya. Iyong una niyang kinasama, ang pinakasalan, iyong ina ni Agon. Kaya mainit ang dugo ni Mama kay Agon. Iyong pangalawa naman niyang kinasama—na iyong ama ko, binuntis lang nito si Mama tapos tumakbo. Hinahabol ito noon ni Mama. Pero ayaw talaga ni Papa na panindigan siya. After years, nang napagod na si Mama sa paghabol dito, karma na ang nanghabol kay Papa.

My father died due to heart illness. I inherited my heart illness from my him. Fortunately, it has been treated. It's just that another illness has took its place, the Magdalena Syndrome. It seems like the world really doesn't want me to be happy. Even though my previous illness has been treated, I still can't be happy because I know that my baby will grow up without a father, just like me and I don't want that to happen. At mas lalong ayaw ko sa suggestion ni Mama na ipalaglag ko raw ang bata. Why does it's so hard to be happy?

Loving Agon (Agony Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon