Paulit-ulit kong binasa ang kahulugan ng salitang 'babysit' sa Merriam-Webster Dictionary.
Ba•by•sit
intransitive verb: to care for children usually during a short absence of the parents
Inaalagaan ko ang damulag na lalaking yun habang nasa business trip ang mga magulang niya. Hm. May punto rin naman ang kahulugan na nakita ko sa dictionary.
Kaso nga lang, hindi nababagay na tawagin niya akong babysitter niya kasi nga, hindi naman siya baby. Mas matanda pa nga sa akin yun e!
At ang nakakainis pa, kailangan kong sumunod kung saan niya gustong pumunta. Okay lang sana kung lalabas kami o gagala sa mall o tatambay sa bookstore kaso gusto niya lang mag-ikot sa bahay nila! Literal na nagpapalit siya ng pwesto kada isang oras mula sa kusina, sala, terrace, sa gate, at kung saan-saang parte ng bahay!
Naaasar at napipikon na talaga ako sa damulag na yun! Grr.
"Hoy! Anong tinitingnan mo dyan?" Hindi ko namalayan na nakatayo na pala siya sa likuran ko at sinisilip ang cellphone ko.
"Kabute ka ba?" Mabilis kong itinago sa bulsa ng pantalon ko ang hawak na cellphone.
"Hoy, ano yung pinapanood mo ha?"
"Pinapanood mo mukha mo. Nababagot na ako dito. Mas masaya pa kasama yung mga bata na binabantayan ko nung nakaraang linggo."
"Uy, badtrip ka na naman. Alam mo ba na the more you hate, the more you love? Mahal mo na agad ako? Tsk. Ang bilis naman."
Pilit kong pinapakalma ang sarili. Mauubos ang pasensya ko sa damulag na 'to. "Sa totoo lang, may sakit ka ba sa utak kaya kailangan kitang bantayan kahit matanda ka na?"
Napawi ang ngisi niya nang sinabi ko yun. "Uulitin ko lang ha. 23 lang ako! Mukha ba akong matanda? Magka edad lang tayo wag kang ano."
"Magkaiba ang 20 sa 23 years old, tandaan mo yan."
"20 years old ka? Manloloko. Bat mukha ka ng 25?"
Madalas mahaba talaga pasensya ko pero parang mauubos yun kapag kausap ko ang damulag na 'to.
"Wala akong pakialam. Atleast, hindi ako nagpapahire ng babysitter para magbantay sa akin." Inirapan ko siya. "Pero sa totoo lang, baka yung kapatid mo talaga ang dapat kong bantayan at hindi ikaw. Tingin ko naman kaya mo na ang sarili mo."
At sa totoo lang, siya naman talaga ang nagluluto dahil natatakot daw siya na gagayumahin ko siya. Parang engot. Feeling ko talaga, pinaglalaruan niya lang ako e.
"May sakit ako." Napatingin ako sa gawi niya ng sabihin niya yun.
"Oo alam ko."
"Whaaat?! Bakit alam mo?" Hindi ko alam kung nag oovereact ba siya o sadyang nang iinis lang.
Inirapan ko siya. "Oo, sinabi sa akin ni Mr. Valdevieso na may sakit ka raw sa utak kaya kailangan kitang bantayan."
"Mali." Alam ko. Gawa-gawa ko lang naman yung sinabi ko sa kaniya. Pero pansin ko talaga na may pagka bipolar siya. Ikadalawang araw ko na ngayon na kasama siya at napapansin ko ang paiba-ibang mood niya.
Yung tipong nang-aasar siya tapos sa susunod na minuto biglang tatahimik, matutulala tapos uutusan ako ng kung anu-ano. Tapos minsan tinatawanan niya ako kapag sinasagot-sagot ko siya, tapos biglang mag kkwento ng kung anu-anong horror movies at tatakutin ako.
Minsan talaga napapaisip ako na baka may lahi silang baliw. Paano kung papatayin ako nito kapag napikon to sa akin? Shemay. Hindi pa naman ako makakalabas sa gate dahil doon niya itinali sa mismong gate ang malaking aso niya na hindi ko na matandaan kong anong breed nun.
Aah. Lord. Gabayan at tulungan niyo po ako. Ayoko pang mamatay. Hindi ko pa naranasan magka jowa. Please lang.
"Hoy!" Muntikan na akong atakihin sa puso nang bigla nalang ulit siyang sumulpot sa tabi ko.
"Anak ng tokwa! Pakiusap umayos ka naman." Baka mamamatay pa ako sa nyerbyus dito. Jusko po. Ayoko pa talagang mamatay.
"Ang lalim ng iniisip mo, ah."
"Sa totoo lang ---brdghdjk" Nanlaki ang mga mata ko. Anak ng matigas na tinapay naman oh. Bakit ngayon pa nangyari sa akin to?
Humagalpak siya ng tawa sa maliit na bagay na yun. See? Mababaw lang rin ng kaligayahan niya.
"Pffft. Natutulala ka pala kapag nagugutom ano?" Tawa pa rin siya ng tawa habang halos mamatay na ako sa hiya. "Ang lakas pa naman ng tunog ng tyan mo!"
Hindi na ako makatingin sa kaniya sa hiya. Hindi naman ako nahihiya kapag tumutunog ang tyan ko sa harap ng ibang tao kasi wala naman silang pakialam pero ang damulag na 'to, ang lakas mang asar! Grr.
"Tara kain," Hindi ko pa rin siya tinitingnan kasi alam kong mang-aasar pa rin siya.
"Tara na, gusto ko rin magkape." Ilang beses sa isang araw ba siya nagkakape? "Marunong ka pala mahiya, ano?"
Inirapan ko lang siya pero sumunod pa rin ako sa kaniya nang pumunta siya sa kusina. Kasalanan bang magutom? Hindi naman.
"Kumuha ka kung anong gusto mo."
"Nakakahiya," Mahinang sambit ko sa sarili.
"Wala namang ibang kakain sa mga 'yan. Basta wag mong ubusin." Hindi pa rin mawala ang ngisi sa mukha niya. Tuwang-tuwa talaga siya kapag napapahiya ako. Grr.
"Gusto mo ng kape?"
Umiling ako. Binuksan ko ang ref at agad na napukaw ang atensyon ko sa cookies and cream icecream sa loob. Kukunin ko na sana kaso bigla akong tinamaan ng hiya. Jusko. Hindi na nga lang siguro ako kakain.
"Kumuha ka na dyan. Wala kang hiya, remember?" Inaasar niya talaga ako e no.
"Bat naman ako mahihiya. Hindi ka nga nahiya na kumuha ng babysitter, ang tanda mo na." Inaasar niya ako kaya aasarin ko rin siya. "Akin na 'tong icecream."
"Masira sana ngipin mo."
"Mag palpate ka sana kaka kape mo."
"Uy, hindi ako mabubuhay kapag walang kape." Nagtitimpla pa rin siya ng kape.
"Sana may gumapang na langgam dyan," Naupo siya sa tapat ko.
"Gapangin kita gusto mo?"
Itinaob ko ang kutsara sa icecream. "Subukan mo lang." Sinamaan ko siya ng tingin. Baka mamaya manyak pala talaga 'tong damulag na to.
"Pffft."
"Manyak."
Tumatawa pa rin siya na parang tanga. Tingnan mo ang babaw ng kaligayahan niya. O baka sadyang masaya talaga siya kapag inaasar niya ako.
Isang linggo. Hahabaan ko pa ang pag-unawa ko sa damulag na 'to. Isang linggo lang naman akong haharap sa damulag na 'to. Matitiis ko yun dahil kailangan ko ng pera.
Wag lang sana ako manyakin ng bwesit na 'to.