Chapter 5

43 18 0
                                    

Araw ng byernes. Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Sinong walangya ba ang nagbukas ng kurtina? "Gusto ko pang matulog."

"Bangon na." Natauhan ako nang marinig ang pamilyar na boses na yun. Nang imulat ko ang mga mata, bumungad sa akin ang pagmumukha niya.

Shemay. Anak ng mabait na aswang naman! Bakit nakahiga ako dito sa kama niya? Hinila ko ang kumot at tinakpan ang katawan ko. Pambihirang buhay naman e!

"Nakita ko na yan lahat." Napabangon ako sa sinabi niya.

"Walang hiya ka! Anong ginawa mo sa akin?!" Hinablot ko ang mga unan sa malapit at pinaghahampas ko sa kaniya.

"Kahit magalit ka, wala ka ng magagawa."

Gusto kong umiyak sa sinabi niya. Sabi na nga ba e! Sana hindi nalang ako pumayag na mag extend ng apat na araw. Na disgrasya pa ang puri ko sa walang hiyang nakakainis na damulag! Aaaaaaaaaaaaagh!!

Tinakpan ko ang buong katawan ko ng kumot. Pero teka lang, kinapa ko ang sarili. Suot ko pa rin naman ang damit at undies ko kaso nga yung malaking t-shirt niya lang ang suot ko dahil hindi pa natuyo yung damit ko.

Wala rin namang masakit sa katawan ko. Sabi nga kasi nila, masakit daw yun. Napabalikwas ako ng bangon. "Nagbibiro ka lang, diba?!"

"Tingin mo?" Mukhang mabuti ang gising niya ngayong araw.

"Yung totoo?!" Wala na akong pakialam kung tumaas ang boses ko kahit na nagtatrabho ako sa kaniya.

"Tingin mo?" Ngumisi siya. Anak ng pwet ng manok naman oh. Naisahan niya pa ako! Inis na hinagis ko sa mukha niya ang unan habang tawa-tawa siya.

"Nakakainis ka!'"

"Ang pangit mo sa umaga." Aniya pa.

Inayos ko muna ang suot na t-shirt niya bago tumayo. "Mas pangit ang ugali mo." Pumasok na ako sa banyo niya at inayos ang sarili. Nanggigigil ako sa damuhong yun.

Muli akong lumabas para kunin ang bag ko at bumalik lang rin sa banyo para maligo. Buti nalang may dala akong toothbrush palagi. Natuyo na ang damit ko kaya ito na ang isinuot ko pagkatapos maligo.

Pagbaba ko, naabutan ko siyang nag-aayos ng umagahan. Diba nga kasi dapat trabaho ko yun dahil inaalagaan ko siya, pero gusto niya talaga na siya ang magluluto dahil baka lasunin o gayumahin ko daw siya. Wierdo. Bakit ko naman yun gagawin?

"Ang pangit ng damit mo."

Inirapan ko siya. "Ang pangit mo rin."

"Gwapo ako."

"Oh?" Tinaasan ko siya ng kilay. Akala mo naman sinong gwapo. Inaamin ko na maganda ang lahi nila pero... basta ampangit nga kasi ng ugali niya, yun na yun.

"Umupo ka na, mahal na kamahalan." Kahit niya yun sasabihin, uupo pa rin talaga ako no. In fairness, ang bango ng sinangag na niluto niya. May bacon, ham, at egg rin sa mesa.

Pansin ko lang, ang simple ng mga ulam niya dito sa bahay. Hindi naman maipagkakait na mayaman sila. Elegante at paniguradong mamahalin ang mga gamit sa loob ng bahay pero may kung anong hindi ko matukoy na dahilan na nagpapasimple sa lahat.

Ewan. Hindi ko maipaliwanag.

Nagsimula na akong kumain. Pagkain na 'to, aatras pa ba ako?

"Alam mo,"

Napasulyap ako sa gawi niya. "Hindi."

"Wala pa nga!" Parang bata na bulalas niya. Ang cute niya dun pero inirapan ko pa rin siya.

"Ano?"

May sumilay na ngiti sa labi niya. "Mas bagay sayo ang damit ko." Muntik pa akong mabilaukan sa paraan ng pagkakasabi niya nun. Napapaos kasi ang boses niya tapos nakatingin lang siya sa akin habang nagsasalita.

Uminom ako ng tubig. "Sa pagkakaalala ko, nakaupo lang ako kagabi. Hindi ko matandaan na tumabi ako sayo."

"Gusto mo talagang pag-usapan ang bagay na yun?" Napalunok ako sa sinabi niya. Wala naman siguro akong ginawang hindi kaaya-aya kagabi, ano?

"Oo, kaya wag na wag kang magsisinungaling. Sabihin mo sa akin ang totoo."

"K."

"Ano nga?"

"Simple lang naman. Nangalay ka sa kakaupo kaya tumabi ka sa akin. Tapos ang usapan." Aniya.

"Talaga lang? Wala kang ginawang hindi kaaya-aya habang natutulog ako kagabi?"

Tumawa siya. "Ako? Ako talaga? Itanong mo yan sa sarili mo."

"At bakit naman?"

"Nakayakap ka pa sa akin."

"Ano?!"

"Halos pumatong ka na nga sa akin kagabi."

Napatakip ako ng mukha dahil sa hiya. Hala, jusko po. "Ginawa ko talaga yun?"

"Hm?"

"Weh? Ba't naman ako maniniwala sayo?" Sinungaling pa naman siya.

"Bahala ka," Ipinagpatuloy na niya ang pagkain. "Anyway, sinabi na siguro ni papo na mag eextend ka pa hanggang linggo?"

Huminga ako ng malalim. "Sana hindi nalang ako pumayag."

"Wala ka ng magagawa."

"Nga pala, nilalagnat ka pa ba?" Ngayon ko lang naalala na may lagnat pala siya kagabi. Inaasar niya kasi ako kanina kaya hindi ko naitanong paggising ko.

"Ewan,"

Pinatuyo ko na muna ang kamay ko saka pinuntahan siya para tingnan kong nilalagnat pa ba. "Uminom ka na ba ng gamot?"

Medyo kumalma na rin naman ang lagnat niya pero nandun pa rin.

"Diba trabaho mo yun?" Sabi niya.

"Baliw ka ba?"

Nagkibit-balikat siya. "Siguro,"

Nilampasan ko siya at bumalik sa kwarto niya para kunin ang gamot. Siraulo rin kasi siya e.

Maliban sa panonood ng tv, madalas rin siyang nakatulala buong araw. Lalo tuwing nagkakape siya, nakatanaw lang siya sa labas at malalim ang iniisip.

Pinili ko nalang na maglinis sa loob ng bahay kaysa naman sa guluhin siya. Baka may problema nga siya. Ayaw niya rin naman na lumabas o maglakad-lakad. Takot ba siya sa ibang tao? Ewan. Certified wierdo talaga siya.

Nang dapit-hapon na, kinuha ko na ang bag ko. "Wag ka ng umuwi."

"At bakit naman?"

Nakasandal siya sa gate kaya hindi ako makalabas. "Tabihan mo ako matulog."

"Ano ka sinuswerte?"

Umiling siya. "Hindi ka makakalabas."

"Alis na dyan, baka uulan pa." Medyo makulimlim na rin naman kasi ang langit. Ayokong maulit na naman yung kahapon na hindi ako nakauwi.

"Iiwan mo talaga ako?"

"Para kang bata." Hinawi ko ang kamay niyang nakahawak sa gate. "Aalis na nga ako."

"Sige." Sus. Bumaba na rin naman ang lagnat niya kaya siguro kaya na niya ang sarili niya.

Alas otso na ng gabi. Nabahala ako nang bumuhos na naman ang ulan at nawala na naman ang kuryente.

Okay lang kaya siya? Sana nga.

A Dose Of DopamineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon