"Kailangan ko ng umuwi." Mas lalo pang lumakas ang ulan sa bandang hapon na. Wala namang bagyo pero bakit ganito kasama ang panahon?
"Umuwi ka kung gusto mo."
"Bakit ba kasi bumaha pa sa labas?" Mahinang bulalas ko. "Nakakainis talaga."
"Dito ka nalang," Aniya. Inirapan ko siya. Hindi ko lubos maisip na dito ako matutulog sa bahay niya. Kaming dalawa lang dito sa bahay niya!
Idagdag pa na hindi pa natutuyo ang damit ko dahil wala namang init at hindi rin gumagana ang dryer nila. Ang malas ko ngayong araw.
"Umuwi ka ng ganyan lang suot mo." Ininguso niya ang damit na suot ko. "Bagay naman yan sayo."
Sinamaan ko siya nang tingin dahil sa binti ko dumadapo ang mga mata niya. "Wag mo nga akong tingnan!" Inaayos ko ang suot na damit. Lampas sa hita naman yun pero nakikita pa rin kasi ang legs ko.
Hindi talaga ako komportable kapag tumitingin siya sa akin ng ganyan.
"Kumuha ka ng isang basong tubig. Nauuhaw ako dahil sayo."
"Wag mo akong sundan ng tingin." Inirapan ko siya pero ngumisi lang siya.
"Ang cute mo dyan sa damit ko," Nagmamadali na akong pumasok sa kusina at kumuha ng tubig. Nilapag ko ito sa side table malapit sa kaniya at naupo sa couch na pinakamalayo mula sa kinauupuan niya.
Ipinagkrus ko ang dalawang braso sa dibdib nang makaramdam ako ng lamig. Hihingi sana ako ng jacket o kumot sa kaniya dahil sobrang lamig na talaga pero naimbyerna ako nang mapansing pangisi-ngisi lang siya habang sumusulyap ng tingin sa akin.
Enjoy na enjoy pa talaga siya habang lamig na lamig na ako.
"Mainit ang yakap ko, try mo minsan."
Napabuntong-hininga nalang ako. "Kung sana di ako pumayag na i-babysit ka, hindi ako magkaka ganito." Siya nga siguro ang malas sa buhay ko.
"Pwedi naman kitang puntahan dyan para mawala ang ginaw mo. Magsabi ka lang," Iwinaksi ko ang kakaibang lamig na naramdaman dahil sa malalim na tono ng boses niya.
Jusko po. Ilayo niyo po sa akin ang malanding lalaki na yan. Maulan pa naman ngayon tapos kaming dalawa lang dito sa loob ng bahay. Hindi ko pa naman lubos na kilala ang lalaking yan at wala rin akong balak na kilalanin siya kaya ilayo niyo po yan sa akin.
Pagkatapos naming maghaponan, bumalik na ulit kami sa sala at nanood ng mga walang kwentang palabas sa tv. Aliw na aliw siya sa pinapanood niyang anime habang bagot na bagot na ako. Gusto ko ng umuwi!
"Jusko po!" Hindi naman ako takot sa kulog pero nagulat talaga ako dahil sa lakas nun at kumikidlat pa.
"Takot pala sa kulog." Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niyang yun. Hindi naman talaga ako takot sa kulog at kidlat na yan kapag nasa loob ng bahay.
"Aaaaaahhh!" Napapikit ako nang biglang nawala ang kuryente sa buong bahay. Hindi naman ako matatakot kapag nag brown out sa bahay pero wala naman ako sa bahay namin ngayon!
Natakot ako dahil baka may biglang humawak sa paa ko. Aaah! Baka may multo! Jusko po.
"Aaaaaaaaaahh!" Sabi na nga ba e! Halos lumuwa na mula sa katawan ko ang kaluluwa ko nang may kamay na humawak sa akin.
"Aray, ang sakit mo sa taenga."
Pinaghahampas ko siya nang mapagtantong kamay pala yun ng walanghiyang damulag na nakalimutan ko ang pangalan. "Wag mo nga akong hawakan!"
"Takot ako sa dilim." Aniya pa sa maliit na boses.
"Ang creepy mo." Inalis ko ang kamay niya sa balikat ko. "Nasaan ba yung bag ko?" Pilit kong kinakapa kung nasaan ang bag ko pero hindi ko mahanap.