Chapter 7

46 14 0
                                    

"Lumayo ka nga sa akin!"

"Ayoko,"

"Adik ka ba? o kulang ka lang sa kape. Magtimpla ka kung gusto mo, tigil-tigilan mo nga 'yang paglapit sa akin. Binabalaan kita," Tinuro ko sa kaniya ang hawak ng kutsilyo.

Kasalukuyan kasi akong maghuhugas ng pinagkainan namin pero ang nakakainis lang ay malanding tingin na ipinupukol niya sa akin. Isang beses niya pa nga akong niyakap mula sa likod.

Kinakabahan na ako dito sa pagiging malandi niya. Baka madali pa ako! Erase. Erase. Maling pag-iisip yun.

"Sige, patayin mo ako kung gusto mo. Matagal na akong handang mamatay," Tumawa siya.

Baliw nga talaga siya. "Konting tiis nalang talaga, Ashira. Hindi mo na makikita ang pagmumukha niya simula bukas." Sabi ko sa sarili.

"Iiwan mo na ako?"

"Ano pa ba?" Ipinagpatuloy ko ang paghuhugas ng pinggan.

"May sakit ako! Hindi mo ako pweding iwan!"

"Uminom ka ng gamot. Kaya mo na ang sarili mo,"

"Hindi!" Kunot-noong napalingon ako sa kaniya nang bigla siyang sumigaw.

Baka may sakit nga yata siya sa utak.

"Alam mo--"

"Hindi ko alam." Pinandilatan ko siya.

"Kapag aalis ka, masusunog ang bahay."

"Huh? Seryoso ka ba?"

"Mukha ba akong nagbibiro?"

"Aba, malay ko."

"Seryoso ako."

"Oh, sige nga. Bigyan mo ako ng mabigat na rason. Naguguluhan na ako sayo," Umupo ako sa kabilang side ng dining area.

"Paano kung malapit na ako mamatay? Iiwan mo pa rin ba ako?" Huh.

"Teka nga lang, totoo ba?" Napalitan ng gulat ang kaninang naiinis na awra ko.

"Yan ang ayaw ko sa lahat e. Ayokong kaawaan ako. Ano naman, mamamatay rin naman tayong lahat sa huli? Cycle lang yun ng buhay." Kahit anong gawin niya para magmukhang masaya pa rin, nakikita ko ang totoong emosyon sa mga mata niya.

"Alam mo kasi..." Hindi ko na alam kong ano ang sasabihin ko sa kaniya. Hindi ako sanay na magbigay ng comforting words sa ibang tao. Lalo na't hindi ko pa naman siya lubusang kilala.

"So, will you stay?"

"H-Ha? Bakit ako? Pwedi naman yung pamilya mo, mga kaibigan, o kung sino man na close sayo."

"Wala naman silang pakialam,"

"Uh, may malalang sakit ka ba? Bakit hindi ka nagpa-hospital," Hindi talaga ako komportable sa ganitong usapan. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Secret," Tumawa siya.

"Baliw ka ba? Sabihin mo nga sa akin ang totoo o baka naman nang t-trip ka lang?"

Hindi pa rin nawawala ang ngisi sa mukha niya. "Uy, concerned pala siya sa akin."

Inirapan ko siya. "Iba yung concerned sa nagtatanong." Palusot ko.

"Nagtatanong ka kasi concerned ka,"

"Tapatin mo nga ako. Totoo ba?" Magulo nga talaga siya kausap. Hindi ko na tuloy alam kung maniniwala ba ako sa kaniya o hindi.

"Hindi ka naman maniniwala kahit anong sabihin ko," Mahina ang boses na sabi niya.

"Ang gulo mo rin kasi kausap e. May sakit ka ba o wala? Sagot." Seryosong sabi ko sa kaniya.

A Dose Of DopamineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon