"Ang baduy mo." Ngumuso siya habang pinagbubuksan ako ng gate. Tumaas-baba ang mga mata niya sa katawan ko. Nakaputing t-shirt lang ako at jeans.
"Problema mo?" Inis na tanong ko sa kaniya at bahagyang lumayo. Baka umaandar na naman ang pagkamanyak ng damulag na 'to.
"Paano mo ako lalandiin sa hitsura mong yan?"
Akala ko ba makakalimutan rin niya ang kaengotan na dapat ko daw siyang landiin. Hindi ko naman talaga sineryoso yun e.
"Problema ko na yun," Nilampasan ko siya at dumiritso na ako ng upo dun sa swing na nasa may garden.
"Para kang ewan." Nakabuntot siya akin at naupo rin sa sa kabilang swing.
"Ang engot mo." Luminga ako sa paligid. "Ano kayang magandang gawin ngayon?" Para kasi akong tanga na nakatingga lang dito sa bahay niya araw-araw. Tapos wala pang dumadalaw sa kaniya na kamag-anak o mga kaibigan. Wala talaga kaming ganap, mag-aapat na araw na.
"Tinatamad ako." Naramdaman ko ang pagtitig niya sa mukha ko kaya ibinaling ko ang atensyon sa mga tanim na nasa paligid.
"Ano ba naman 'tong mga tanim dito, wala man lang ni isa na may bulaklak." Dina-divert ko ang usapan namin.
"Kailan mo ba ako lalandiin, ha?" Mababa ang boses na sabi niya.
"Ayoko nga." Mahinang sabi ko.
"Ayaw mo?" May kakaibang tono sa boses niya. Parang mang bblackmail na naman to tungkol dun sa video.
"Oo na gagawin ko. Maghintay ka lang, wag kang excited napaghahalataan ka." Inis na sabi ko sa kaniya.
"Napaghahalataan na ano?"
Lumingon ako sa kaniya at itinaas ang isang kilay ko. "Na gusto mo ako."
Tumawa siya. Tawang-tawa siya na para bang hindi siya makapaniwala sa narinig niya. Inirapan ko lang siya.
"Nasaan ba ang hose dito? Didiligan ko 'tong mga greenies dito." Pilit ko talagang iniiwas sa landian ang usapan namin.
"Ikaw kaya ang diligan ko?" Nang mahagilap ko ang hose sa isang tabi, agad ko itong kinuha.
"Pwedi ba umayos ka."
"Maayos naman ako. Wala namang mali sa akin."
Sinimulan ko nang diligan ang mga tanim sa garden. "Akala mo lang wala, pero may mali talaga sayo."
"Hmm?"
"Una, ipinasok mo sa bag ko ang hikaw ng mom mo. Pangalawa, pinilit mo akong landiin ka kahit hindi ko naman gusto. Dalawa pa lang yan sa mga mali sayo. Wag mo akong kausapin," Inis na sabi ko sa kaniya.
Ayaw ko na sanang pumunta dito sa bahay niya kanina. Tatlong araw lang kasi ang dineklara na walang pasok sa university na pinapasukan ko at may pasok na ako ngayon pero mas pinili kong bantayan ang engot na 'to dahil kailangan ko ang pera para pambayad sa ipapabookbind na project ko sa isang subject.
Idagdag pa ang nakasunduan namin ni Mr. Valdevieso na i babysit 'tong damulag na anak niya. Feel ko lang wala namang mali dito sa kaniya e, maayos naman siya mag-isip, marunong magluto. Moody nga lang.
"Iniisip mo siguro kong paano ako landiin, ano?" Nagulat ako nang sumulpot siya sa tabi ko. Ipinaglihi talaga siya sa kabute e.
"Lumayo ka nga sa akin." Itinutok ko sa kaniya ang hose dahil gusto kong lumayo siya sa akin pero nanlaki ang mga mata ko nang inagaw niya sa kamay ko ang hose at itinutok yun sa mukha ko.
"Ano ba?!" Tawa lang siya nang tawa habang binabasa ako ako. "Hindi ka na nakakatuwa!"
Naiinis na ako pero hindi pa rin siya tumitigil. Tumakbo ako at kinuha ang isa pang hose sa tabi ng bahay at gumanti sa kaniya. Nagalit pa siya nang gumanti ako sa kaniya pero napuno ng tawanan ang paligid dahil tawa nalang kami ng tawa habang basang-basa na kaming dalawa.