Roki. Roki Valdevieso. Kaya pala RK ang tawag nung pinsan niya kasi Roki pala ang pangalan niya.
Kating-kati na ang mga kamay ko na tawagan o i-text siya pero hindi ko magawa.
Sabi niya mag-uusap kami ngayong araw kaya maghihintay nalang ako kung kailan siya tatawag. Maaga akong nagising at parang tanga na hinihintay kung tatawag ba siya gaya ng ginawa niya kahapon pero hindi.
Lumulutang ang isip ko nang pumasok ako sa classroom.
"Goodluck sa atin, guys!" Nangunguna na naman si Gab sa pag-iingay sa classroom.
"Kumusta tulog mo, Shiray!"
Napaismid ako sa kaniya. "Wag mo nga ako tawaging Shiray."
"Wala ka ng magagawa, gusto ko e." Ngumisi siya at tumabi sa akin.
"Ayiee! Ang aga ng lambingan ah!" Ayan na naman sila sa pagtukso nila sa amin.
"Ang issue niyo," Saway ko pero mas lalo lang na umingay sa classroom.
"Panigurado, perfect score yan si Shira. Inspired eh!"
"Sagutin mo na 'yang si Gab! Baka sayo lang yan titino!" Singit ni Feb.
"Tumigil nga kayo dyan," Inirapan ko si Gab. "Wag ka ngang umupo dyan, na i-issue tayo."
"Paano ba yan, gusto ko dito."
"Ako na nga lang lilipat." Tumayo na ako pero hinawakan niya ang kamay ko.
"Ayieee! Holding hands yarn?"
"Ang sweet naman!"
"Nilalanggam na kami oh!"
May naririnig pa akong sumisipol na mga estudyante na nakikichismis sa kaingayan ng mga kaklase ko.
"Settle down everyone." Napaupo ako nang pumasok na ang professor namin.
"Good morning, Ms!"
"Goodmorning class! I will give your long quiz today. Please arrange your seats in a one seat apart formation." Nagsitayuan na kami para i adjust ang mga upuan.
Daig pa namin ang nasa high school nito. Sabagay, major subject namin 'to kaya kailangan talaga na hindi kami babagsak sa long quiz.
"Patay. One seat apart pa nga," Nagbubulungan na ang mga kaklase ko sa likuran.
"Galingan natin!" Kumindat si Gab sa akin. Sus, titingnan ko lang kong may maisasagot yan. Puro inom at kwentuhan lang ginawa nyan kagabi e.
Maya-maya pa, binigyan na kami ng test questionnaires. Bantay-sarado talaga kami sa professor kaya hindi na ako luminga pa sa mga katabi ko. Baka mamaya mahuli pa ako tapos maparusahan ako ng minus points.
Confident naman ako sa mga naging sagot ko sa exam. Malalang Identifications, true or false, at matching type ang format ng long quiz. 70 points in total pa. Ang lala nun pero nakayanan ko naman.
Dahil laboratory at lecture ang subject namin sa professor na yun, siya pa rin ang teacher namin sa next period kaya pagkatapos ng oras para magsagot ng exam, nag checking na agad ng papel.
Hindi naman ako naging kabado dahil nasagutan ko naman lahat at sigurado ako na papasa ako. Pagkatapos ng checking, kinukuha na ni ma'am ang scores. Eto namang walang hiyang si Gab, ayaw sabihin sa akin kung ilan ang score ko. Nag exchange lang kasi kami ng papel.
"Andrada, February"
"57 ma'am,"
Tuwang-tuwa si Feb sa score niya. Marami pa ang tinawag ni ma'am at halos lahat ay malalaki ang scores.