"Woah!" Hindi ko maiwasang mapanganga dahil sa ginawa niya sa kwarto niya. May ginawa siyang fort na gawa sa mga kumot at may mga ilaw rin sa loob.
Bumabalik na ba siya sa pagkabata? Wag niyang sabihin na isip bata na naman ang trip niya ngayon?
"Bakit mo ginawa yan?"
"Movie marathon feels," Inayos pa niya ang ilang unan na nasa loob. "Ayaw mong pumasok? May pagkain sa loob,"
Kaya pala may delivery rider na dumating kanina. Nag order pala siya ng pizza, chips, at coke in can. Mukhang kailangan ko ngang pumasok dahil nagutom ako bigla.
"Madalas ko 'tong ginagawa nung bata pa ako." Sabi niya.
"Oh,"
"Anong gusto mong panoorin?" May laptop rin sa loob qnung ginawa niya. Ang cute rin ng mga lights na nakasabit sa loob at ang comfy rin.
"Kahit ano basta hindi horror," Alam ko na ang galawan ng horror stories na yan. Para-paraan lang yan ng mga lumang lalaki. "At wag yung may malalaswa." Baka mamaya nyan kung ano-anu pa maisip niya.
"Pfft,"
"Walang nakakatawa," Sinamaan ko siya ng tingin.
"Kill joy,"
Nanlaki ang mga mata ko nang may nahagilap akong folder sa files niya na may porn. Aba naman, manyak talaga siya e.
"Eto nalang," Pinili niya yung isang anime na may labindalawang episode. "Masaya 'to pramis,"
"Teka lang,"
"Ano na naman?"
"Nakita ko na ang trailer nito parang may ano dito,"
"Anong ano?" Ngumisi siya.
"Yung..."
"Rated PG 'to no. Ikaw ha, kung nanonood ka pala ng mga ano?" Hindi niya na talaga napigilan ang pagtawa. Tuwang-tuwa naman siya sa 'ano' na yun.
"Iba yung napanood mong trailer. Masaya talaga 'to. May konting 'ano' lang pero masaya pramis."
"Wag nga yung may 'ano'."
"Very slight lang," Bahagya ko siyang tinulak dahil anlapit na pala niya sa akin.
"Umayos ka, ah." Tumango siya saka ngumisi.
Nung una okay lang naman yung pinanood namin. Tungkol yun sa isang gamer na napasok sa isang laro na kadalasang nilalaro niya.
"Eto nga yung nakita ko sa trailer e."
"Wag ka nang magreklamo. Manood ka nalang." Tutok na tutok siya dun sa isang anime character na may malaking dibdib. Tsaka halos lahat ng mga characters ay halos nakahubad na.
Hindi ko rin maiwasang matawa dahil sa iolamg scenes na laughtrip para sa akin. Paano e yung kasama ko dito nakafocus lang ang tingin sa mga sexy na character.
"Magkaiba yung sa kaniya at 'yang sayo," Hindi ko na talaga napigilan ang sarili at piningot ko ang taenga niya. Kinokompara niya kasi ang hinaharap ng babaeng character sa hinaharap ko.
Maliit lang naman ang deperensya ah. Tsaka exaggerated naman yung nasa anime.
"Tumigil ka nga dyan!"
"Sinasabi ko lang naman ang totoo," Muli siyang tumingin sa akin. "Pero alam ko ang sekreto kung paano palakihin yan ng very slight,"
Kinurot ko ang tagiliran niya. "Tigil-tigilan mo ako,"
"Ayan na, nasa exciting part na tayo!"
Jusko naman. Sinasabi ko na nga ba e! "Anong klaseng ritwal yan?"
Tumawa lang siya. "Manahimik ka dyan kung ayaw mong gawin ko yan sayo,"
"Hoy sinasabi ko sayo. Umayos-ayos ka,"
Napatakip ako ng unan sa mukha dahil natatawa ako sa boses ng babae sa anime. Parang inaano siya ng lalaki kahit hindi naman. Ah basta, hindi ko maipaliwanag.
"Uy, namumula ang mukha niya."
"Huwag mo nga akong kausapin,"
"At bakit naman?"
"Nakakainis ka,"
"Weh, di nga?"
Ibinalik ko ang seryosong mukha. "Bigyan mo nga ako ng pizza," Nasa tabi niya kasi ang mga pagkain.
"Pilitin mo ako," May pakindat-kindat pa siyang nalalaman. Ang sarap niya talagang sapakin sa ulo.
"Wag na nga lang."
"Bilis magtampo ah," Kinalabit niya ako. "Gusto mo ng kiss?"
Hinampas ko na talaga siya sa braso. "Tumigil ka nga dyan!"
Tumawa lang siya. "Eto na, eto na!" Kumuha siya ng isang slice ng pizza. Kukunin ko na sana yun kaso ayaw niya naman ibigay.
"Akin na,"
"Say aaaah," Naiinis na talaga ako sa kaniya pero hindi ko pa rin napigilang matawa. Anong klaseng insekto ba ang pumasok sa utak niya ngayon?
"Ibigay mo sa akin,"
"No, no." Umiling siya. "Say aaah,"
Magrereklamo na sana ako pero naipasok na niya sa bunganga ko ang pizza. Sinamaan ko siya ng tingin habang nginunguya ang pizza.
"Hm, masarap diba?" Nabilaukan ako nang pahiran niya ang sauce na nasa gilid ng labi ko gamit ang daliri niya.
"Hm, masarap nga." Hindi pa talaga siya nakontento at dinilaan ang daliri niya na may sauce.
"H-Hoy! N-Naaano na ako sayo ha!" Bumungisngis siya ng tawa sa sinabi ko.
"Naaano na rin ako sayo," Natuod ako nang inilapit niya ang mukha niya sa akin. "Pahingi nga ulit ng isa pang kiss."
Bago pa gumana ang utak ko, nasakop na ng labi niya ang labi ko. Sa pangalawang beses, bumilis ang pintig ng puso ko. Hindi ko alam kong itutulak ko ba siya o hindi. Inaamin ko rin naman na nagustuhan ko ang ginagawa niya at hindi ko rin namalayan na gumagalaw na rin ang labi ko. Sumusunod sa ginagawa niya.
Kapwa kami hinihingal pagkatapos nun. Ni hindi ako makatingin ng deritso sa kaniya. Nababaliw ka na ba, Ashira?
"Ang ganda ng palabas ano?"
"Oo," Hindi pa rin ako makatingin sa kaniya.
"Halika nga dito," Ipinulupot niya ang magkabilang braso sa akin bago ako hinila pahiga. Nakapatong ang ulo ko sa braso niya habang nakayakap siya sa akin.
"Hanggang kiss lang gagawin ko, pramis." Aba dapat lang! NI HINDI KO NGA ALAM KONG BAKIT NAGPAPAHALIK AKO SAYONG KUPAL KA! Gustong magreklamo ng isip ko pero wala e. Hindi lumalabas sa bibig ko ang gusto kong sabihin.
Basta ang alam ko lang, komportable ako sa tabi niya. Sa yakap niya. Nahihibang na ba ako? AAAAAAAAAAH EWAN!
"Wag ka ng magsalita. Stay put ka lang dyan." Napapikit ako habang sinusuklay niya ang buhok ko gamit ang mga daliri niya.
"Wag ka munang matulog kundi hahalikan kita,"
"Hm,"
"May kwento ako sayo, makinig ka."
"Hm,"
"Ganito kasi yun..."
Marami siyang sinabi pero nakapikit lang ako. Ang sarap pala pakinggan ng boses niya kapag nagsasalita. Sinusubukan ko talagang makinig pero hinihila na ako ng antok.
Gusto ko ng matulog.