Chapter 6

41 17 0
                                    

Kinabukasan, maaga akong pumunta sa bahay niya. Nakabukas ang gate kaya dumiritso na ako ng pasok. Pagpasok ko sa main door, bumungad sa mga mata ko ang nagkalat na bote ng beer sa sahig.

Napakagat labi ako. Gusto ko sana siyang tawagin pero hindi ko maalala ang pangalan niya! Nakakahiya talaga. Sinabi niya naman yun nung unang araw ko dito sa bahay pero nakalimutan ko talaga.

"Hello? May tao ba?" Wala naman siya sa sala kaya umakyat ako patungo sa kwarto niya pero wala rin siya dun. Wala rin siya sa banyo.

Umalis kaya siya at iniwang nakabukas ang gate? Nasaan na ba kasi ang taong yun. Bumaba na ako at dumiritso sa kusina.

"Jusko po. Ano ba ang nangyari sayo?" Nagkalat rin ang mga in canned beer sa sahig ng kusina at naabutan ko siyang nakahiga sa sahig.

Nakahinga ako ng maluwag nang makitang humihinga pa naman siya. "Hoy, gumising ka."

Ano ba kasi ang nangyari sa kaniya at naglalasing siya ng ganito? Pansin ko rin na basa ang suot niyang damit. Kahapon nga lang bumaba ang lagnat niya tapos nakatulog pa siya na basa ang damit.

Ipinaligo niya ba sa sarili ang alak? Ang hirap niya talagang i-spelling-in. Jusko po.

"Hoooy," Pilit ko siyang ginigising pero hindi talaga siya nagpatinag. Kaya wala na talaga akong nagawa kundi akayin siya papunta sa sofa.

Umakyat ako papunta sa kwarto niya para kumuha ng tuwalya at pinunasan ang katawan niya. Pagkatapos ko siyang punasan, hinubad ko ang basang tshirt niya at bihisan siya ng damit. Pinupunasan ko rin ang buhok niya gamit ang tuyong bimpo.

Pagkatapos kong linisin ang kalat sa sala at kusina, ipinagluto ko siya ng sopas para may makain siya paggising. Isang oras pa ang nakalipas bago siya tuluyang nagising.

"Aray! Ang sakit ng ulo ko." Nakapikit pa rin siya pero panah haplos siya sa kaniyang ulo.

"Yan, inom pa." Napabalikwas siya ng bangon at naguguluhang tumingin sa akin.

"Sino ka?" Takang tanong niya.

"Huh?" Anong kabalastugan na naman 'to?

"Bakit nakapasok ka dito sa bahay ko?"

Inirapan ko siya. "Nakabukas ang gate."

"Anong oras na?"

"Lampas alas-dyes na."

"Anong ginawa ko?"

"Aba, malay ko. Naabutan kitang nakahiga sa sahig at ang kalat ng bahay mo."

Natigilan ako nang hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papalapit sa kaniya. "Sino ka ba talaga?"

"A-Ano b-ba?!" Hindi ako nakagalaw nang hapitin niya ako at pinulupot niya ang braso niya sa akin.

"Sino ka, hm?"

"A-Adik ka ba?"

"Sino ka?" Hindi ko maialis ang pagkakayakap niya sa akin. "Sino ka ba at bakit hindi ka mawala-wala sa isip ko?"

May kung anong hindi ko maipaliwanag na emosyon ang dumaloy katawan ko. Bakit kasi kailangan pa niyang ibulong sa akin yun?

"G-Gusto mong kumain?"

"Nagluto ka?"

"Oo."

"Di mo nilagyan ng gayuma?"

"Bakit naman kita gagayumahin?"

"Kasi gwapo ako."

Sa wakas ay naalis ko na rin ang braso niya na nakayakap sa akin. Yakap. Naalala ko na naman yung pagyakap niya sa akin nung isang araw. Teka lang, tumayo ako at inilagay ang palad ko sa noo niya.

A Dose Of DopamineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon