"Gising na!"
"Anong kailangan mo?" Napapikit ako habang nilalagay ang cellphone sa taenga.
"Tara kape!" Bakit ba ang taas ng energy niya ngayong araw?
"Nakakain ka siguro ng ipis habang nakatulog kagabi, ano?"
Tumawa siya sa kabilang linya. "Gusto ko lang sirain araw mo."
Inis na bumangon ako. "Oh ano, masaya ka na?"
"Masaya," Napairap ako.
"Gusto mo ng kape?"
"Ipagtimpla mo ako kung gusto mo."
"Gusto mo talaga?"
Napatingin ako sa class schedule ko na nasa ibabaw ng mesa. Alas syete pala ang pasok ko ngayong araw!
"Hoy, natulog ka ulit?"
"Dyan ka na nga. Maaga pasok ko ngayon," Papatayin ko na sana ang tawag kaso may pahabol pa siya.
"Ashira?"
"Ano na naman?"
"Sana nasira ko araw mo," Para siyang baliw kung tumawa sa kabilang linya.
"Nasisiraan ka na talaga." Ini-end call ko na. Baka mamaya kung ano-anu na naman ang sasabihin.
Pero hindi ko napigilan ang sarili na ngumiti. Baliw ba siya. Hindi siya nagtagumpay na sirain ang araw ko.
"Shing, sama ka sa amin mamaya!" Kumapit sa braso ko si Gab. Hindi kami close friends pero blockmate ko siya simula nung 1st year college pa kami.
"Saan?"
"Sa pad namin. Kasama mga blockmates natin, group study daw para sa long quiz bukas."
"Sama ka na, Shiray! Masaya 'to pramis!" Singit pa ng isang kaklase namin.
"Sige na nga,"
"Yes!" Tuwang-tuwa pa si Gab. Alam ko naman na walang group study na mangyayari kapag magkakasama kami. Baka walwal session o chismisan ang mangyayari.
"Uuwi muna ako sa bahay. Saan nga pala ang pad niyo?"
Umakbay sa akin si Gab. "Kunin nalang kita sa inyo."
"Sige, itetext kita mamaya." Nagpalitan kami ng numero. Excited na halos ang lahat sa magaganap na group study mamayang gabi. Kapag mabobokya ako sa long quiz, mayayari talaga ako.
Pero minsan lang rin naman ako sumasama sa kanila kaya kahit one time, sasama ako. Marami naman kami.
"Shira, ihahatid nalang kita pauwi. Para na rin malaman ko kung nasaan ang bahay niyo,"
"Wag na. Baka mamaya, ma issue tayo kay mama." Lagi pa naman akong tinutukso nun na baka daw may lihim akong boyfriend. Wala ngang nanliligaw sa akin e!
"Ayaw mo talaga?" Umiling ako kay Gab. "Okay, basta i text mo ako." Humiwalay na ako sa kanila nung uwian na.
Nagpaalam ako kay mama at pumayag naman siya. Halos lahat ng mga ka blockmates ko magrerenta ng pad dun malapit sa university. Yung bahay namin, medyo malayo rin pero nagc-commute ako araw-araw.
Buti nalang may sense of direction itong si Gab dahil nakuha niya ang lugar kung saan kami magkikita.
"Safety first," Pinasuot niya sa akin ang isang helmet na dala niya. "Saka wag kang mahihiyang humawak sa akin, baka mahulog ka." Pabirong sabi niya.
"Neknek mo, Gab."
Tumawa lang siya. "Lezgoo!"
"Hoy, mag-iingat ka sa pagmaneho. Ayoko pang mamatay," Napahawak ako sa damit niya dahil ang bilis magmaneho ng siraulo.