Chapter 10

40 8 0
                                    

Kinabukasan, busy ang schedule ko. Kaliwa't-kanan na reporting, group performance tasks at role play ang kailangan kong gawin. Nalampasan ko naman  lahat yun pero sobrang drain na ng pakiramdam ko tapos ang layo pa ng exit sa university. Gusto ko ng umuwi, kumain, tapos matulog.

Nag-abang ako ng jeep pero hindi ako makasingit kasi andaming nakaabang. Kung minamalas ka nga naman. Napaatras ako nang may humintong motor sa harapan ko.

"Angkas na." Nang tanggalin niya ang helmet, agad akong nag-iwas ng tingin. "Shira,"

"Ayoko," Ba't naman biglang sumulpot ang isang 'to? Ang malas ko pa dahil walang paparating na jeep.

"Sige na,"

"Ayoko."

"Lq yarn?" Nahiya ako nang sinabi yun ng katabi ko. Nakakahiya. Marami pa naman akong katabi tapos ayaw niyang umalis.

"Sige na." Bumaba siya sa motor niya at isinuot sa akin ang dalang extra helmet. Hindi ko naman alam kung anong gagawin ko. Ayaw gumana ng utak ko ngayon!

Naghagikhikan pa ang mga katabi ko nang hawakan niya ang kamay ko. "Lika na,"

Aish. Bahala na nga. Umangkas nalang rin ako sa motor niya para matapos na ang usapan. Ayoko namang mag-inarte dahil maraming nanonood sa amin. Jusko po. Nakakahiya talaga.

"Gusto ko ng umuwi." Pagod na pagod na ako. Gusto ko ng matulog.

"Diba sabi ko mag-uusap tayo ngayon?" Huminto siya kasi naka red light pa.

"Bukas nalang," Lumingon siya sa akin. "Humawak ka sa akin."

Iniwas ko ang kamay ko sa kaniya. "Ayoko,"

"Humawak ka o mahuhulog ka?"

"O,"

"Talaga lang?"

Inirapan ko siya. Bakit nga ba ako sumama sa kaniya?

Nang nag green light na, binilisan niya ang pagpapatakbo sa motor niya kaya wala na akong ibang nagawa kundi kumapit sa kaniya.

Labag ba sa loob ko? Hulaan mo.

"Hindi 'to ang daan papunta sa bahay namin." Pansin ko rin na hindi ito ang daan papunta sa bahay niya.

"Relax ka lang dyan." Sabi niya.

"Pagod ako,"

Huminto siya sa isang tabi. "Wag kang matulog binabalaan kita."

"Iuwi mo nalang ako sa bahay,"

"Hindi pwedi,"

"Saan mo ba ako dadalhin?"

"Basta," Inayos niya ang pagkakahawak ko sa bewang niya. "Malapit na tayo."

"Basta gusto ko ng umuwi." Saan niya ba kasi ako dadalhin?

"Sa wakas, nandito na tayo." Nasa labas kami ng isang malaking two storey na bahay.

"Kaninong bahay naman 'to?"

"Malalaman mo rin." Hinila na niya ako papasok sa bahay.

"Nana!"

"Bobot!"

Tawag siya ng tawag pero wala namang tao sa loob.

"Nasaan kaya ang mga tao dito? Teka nga lang tatawagan ko,"

"Bahala ka dyan," Naupo na muna ako habang busy siya sa pagkontak sa kung sino man na tinatawagan niya.

***

"Pinagod mo?"

"Siraulo,"

"Saan mo naman nakidnap yan?"

A Dose Of DopamineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon