Chapter12⇨Deep breath❤

318 8 0
                                    


Bumukas ang pintuan ng restaurant at mula sa labas nito ay pumasok si Tita ang Mama ni
George! Mabilisan ko siyang sinundo at iniwang nakatayo si George sa kanyang pwesto.




"Naku Tita ako na po" Kinuha ko sa kamay ni Tita ang dala dala niyang mga gamit at ipinatong ko ito sa malapitang table. Umupo siya dito at nakadungaw sa akin.




"Maupo ka Jay." Pag-aanyaya sa akin.




"Kamusta ka na dito? Kamusta first day mo? Nag enjoy ka nga ba talaga?" Mga sunod sunod niyang tanong sa akin. Napangiti ako sa kanya at kinuha ang silya at umupo ako dito ng maayos. Huminga ako ng malalim bago sumagot.




"Truelala Tita! Enjoy na enjoy ako, hindi ko nga akalain na masiyahin at palakaibigan ang mga nakapalibot dito" sabat ko sa mga katanungan niya.




Napasulyap bigla siya kay George na nakatayo sa may gilid ng counter.




"George anak! Halika nga dito, why dont you join us". Nagpakawala nalang ito ng




"I dont care gesture at nakijoin sa amin sa mesa"




"Oh! Bakit ka nakasimangot diyan?" Tanong ng mama niya sa kanya.




"Nakakain ako ng Bitter kanina ma. Teka bakit ka pala napadaan dito?" Tanong ni George sa kanyang ina. May kung anung kinuhang bagay si Tita sa loob ng kanyang bag at inabot ito kay George!




"Its about time" maikling suhestyon ng mama niya.




Anung its about time? Its about time na ipapana na ni Tita kay George ang restaurant niya.
Napakaswerte naman ng nuknukan.




"Its about time? For what naman Ma?" Usisa ni George.




"Be mature enough" Napasmile ang mama niya sa kanya at nakihirit pa




" atsaka pumunta din ako dito para kamustahin si Jay. Na miss ko lang kasi iyong bake niyang cake" dala smile nito sa akin.
Sus! Ito talaga si Tita kahit kelan.




"Kayo talaga Tita. Do you mean iyong cake? Dont worry. Gagawan kita ulit Tita, at ibibigay ko sa iyo"
pagbabaliktanaw ko nito sa kanya.




"Good idea! Pasama ka kay george!"




"What!!" Sabay naming dalawa.
Nagtaka bigla ang Mama ni George sa aming reaksyong dalawa.




"Ah I mean Tita! What ! What date o what time?" Pagpapalusot ko.




"Dont insists Ma. Busy ako sa mga susunod na mga araw at oras" pagdagdag ni George.




"Oo nga Tita. Hayaan nalang muna natin si George! Kailangan niya ng maraming Time!" Sabay tingin sa kanyang pwesto. Nagpataas lang ito ng kilay at bunawi ng tingin.




"Pero George hindi kasi alam ni Jay ang address ng bahay natin. So its better na ihahatid mo siya. Maybe the next two days. Ok? Well I got to go. May kailangan akong e meet na tao after this" Tumayo na ang mama ni George at itinungo ang
pintu-an ng restaurant.




"By the way! We will having dinner. Maybe next week. I want you to be there Jay huh" pahabol ng mama niya bago
nawala sa paningin namin.




"This is really bad!" Sabat ko habang nakaupo at walang bahid na emotion ang gumagalaw sa
katawan ko.




"Bad na bad. Iyong tipong Bad Luck!" Pagmumukha sa akin ni Nuknukan.




Love in Mysterious Way (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon