"Wow. Himala! Ang aga natin ngayon huh?! Teka, may nangyari ba sa iyong maganda kahapon?" tanong ni Britney sa akin habang nag-aayos ng mga gamit. Hinarap ko siya mula sa kinatatayu- an ko."Naku ito naman! Sinunod ko lang iyong payo mo nakaraang araw sa akin na mas mabuti
pang magtrabaho nalang ako ng mabuti." sagot ko sa kanyang tanong at pinagpapatuloy ko parin ang aking pinangggawa."Sus! Pero bakit kanina pa umikot ikot iyang paningin mo! Huwag mong sabihing may hinihintay ka?" Saad niya ng
tanong, hindi ito nakapagpigil eh lumapit na si Britney sa akin."Sabihin mo?" Tanong niya.
Bumuntong hininga ako, hinawakan ko siya sa kanyang balikat sabay tingin sa kanya ng diretso
"Oo may hinahanap ako." Diretso kung tugon.
"Sino?" Sagot ng lalaki sa likod ko.
Nagulat si Britney sa kanyang nakita biglang napahawak ito
sa kanyang bibig at parang may sinesenyas siya sa akin."Huh anu?" Mahina kung tugon sa kanya. Ngumuso nguso ito mula sa akin.
"Anu nga?" Mahinang hirit ko naman.
"Sino nga?" Tanong niya ulit.
"Friend! Mauna na ako sa iyo. May kailangan akong dapat tapusin doon banda sa kusina. Sige ma iwan na kita." huling sambit ni Britney at nawala na ito sa paningin ko.
Humakbang ako ng isang apak ngunit may humawak sa aking balikat at napalingon ako dito.
"Ui! Sino nga iyong hinahanap mo?" Tanong niya na naman ulit.
"Huh! Syempre iyong mga customer dito. At wala na." sagot ko sa kanya na nauutal. Tumingin ito sa aking mga mata ng diretso
"Hmmm." Tangi niyang nasabi.
Tinapik ko siya sa kanyang braso at ngumisi ng kaunti"Anu ka ba! Oh siya, magtratrabaho nalang muna ako." Iniwan ko siyang nakatayo doon at dali dali akong pumunta sa likod ng counter.
Napahawak ako sa aking dibdib.
"wooh! Muntik na ako doon ah, grabeh! Bilis ng tibok nito.
Mabuti nalang at nakaiwas ako." salita ko sa aking sarili habang nakasandal sa pader.GEORGE'S POV
"Nakaiwas sa?" Gulat ko sa kanya habang nakita ko siyang nakasandal sa may pader. Napalingon
ito bigla sa akin, napalingon ito sa mga sulok ng
restaurant. "Nakaiwas ako sa mga gawaing
bahay! Alam mo na." sagot niya sa akin. Sige
sige dito muna ako" aalis na sana siya nang bigla
kong hinawakan ang kanyang braso. Sa
pagkakataong ito hinding hindi kita bibitawan.
Kinorner ko siya sa magkabilang pader, nabigla
siya sa aking ginawa. Shit! May sariling
pagkikilos iyong katawan ko ngayon. Masyado
kaming malapit sa isat-isa.
"Hoy nuknukan! Anu ba iyang ginagawa mo?
Hindi ako makagalaw" saad niya sa akin. Ngunit
hindi ko siya marinig, naka ukit kasi ang mata ko
sa kanyang mukha, papunta sa kanyang ilong at
sa kanyang .....
"Aray!" Pagrereklamo ko.
"Anu ba iyang ginagawa mo kay Jay!" Sabat ni
mama habang pinitik ako sa may tenga.
"Magandang umaga po tita" bati ni Jay kay
Mama. Bigla kung inalis ang aking pagkakahawak
kay Jay.
"Oh Ma! Ikaw pala. Teka bakit ka napadalaw
dito?" Tanong ko sa kanya.
"Naiwan mo kasi iyong iba mong mga gamit sa
bahay, kaya dinala ko nalang dito" sagot ni
mama sa akin habang pinakita niya sa akin itong
mga gamit na hawak niya. "Ah Ma! Oo nga pala,
doon nalang tayo mag-usap sa may table" putol
ko para hindi na siya mag tanong pa. Lintik
naman kasi! Wrong timing.
Jay POV
Ngumiti si tita sa akin habang lumakad na sila ni
nuknukan papuntang mesa. Tiningnan ko ng
masama si nuknukan at parang gusto ko na
siyang katayin anu mang oras. Pero anu ibig
sabihin ng mga nangyari kanina. Baka nag
aasume na naman ako, sabi nga ni Britney
ganyan talaga yan si nuknukan. Malay ko baka
pinagtritripan naman ako nito.
"Hoy! Isang order nga niyan" putol niya sa
pagmumuni muni ko.
"May pagka Bi-Polar ka ba? Kasi minsan mabait,
at may araw din na may sayad ka. Ok ka lang?"
Tanong ko sa kanya at hinawakan ko siya sa
kanyang ulo. Nagulat naman ito sa aking ginawa
at mabilisan niyang inalis ang kamay ko na nasa
noo niya.
"Anu ba ang ginagawa mo! Huwag mo nga akong
hawakan" sabat niya. Aba! Grabe naman ito pero
siya kanina kung ma ka korner sa akin.
"At iyong nangyari kanina! Eh kasi nakita kong
pumasok si Claire. Kaya ko lang iyon ginawa."
Pag papaliwanag niya.
Ibig sabihin dumadalaw na pala ng madalas dito
si Claire. Bakit ba parang nalulungkot ako.
"Oh sige kukunin ko na iyong order mo.
Maghintay ka nalang doon". Nagkunot naman
ang noo ni Nuknukan at umalis na ito sa bandang
counter at tuloy tuloy ng bumalik sa mesa. Hindi
naman sa masyadong katagalan at na e serve ko
narin sa kanila ang mga inorder niya.
"Jay iho sumabay ka na." Alok ni Tita sa akin.
Ngumiti lang ako dito at nagpasalamat.
"Salamat tita pero busog pa ako, atsaka out ko
naman mamaya" sagot ko dito.
"Ah ganun buh. Saan pala ang punta mo?"
Tanong nito sa akin.
"Nag text kasi si.... Ahh . may magpapasama
kasi sa akin mamaya"Sagot ko nalang kay tita.
"Bawal...." Diretsong tugon ni nuknukan. Nabigla
kaming dalawa ni tita ng marinig iyon mula sa
kanya.
George POV
Nakakawalang gana ang araw na ito.
"Bawal... Mamaya pang hapon ang out mo"
tugon ko sa kanya.
"Hindi mo ba ako pakakainin?" Tanong nito sa
akin. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at dali
dali ko siyang itinawid sa malapit na upuan
katabi ko. Pinaupo ko siya at binigyan ko ng
isang serve ng pagkain.
"Samahan mo kami.. Mas mabuti na ito"
suhestiyon ko sa kanya.
Hindi siya nakapagsalita at nakikita ko mula dito
ang namumula niyang ilong at pisnge.
"Jay iho. Ok ka lang? Bakit namumula ka
ngayon?" Tanong ni mama sa kanya.
"Mainit kasi tita," palusot niya.
"Mainit? Pero naka aircon tayo dito sa loob?"
Barado ko agad sa kanya. Bigla bigla niya nalang
tinapakan ang paa ko sa ilalim ng mesa kaya
napa aray ako ng kaunti.
Jay POV
Bagay yan sa iyo. Ngumiti ako kay tita sabay
nguya ng pagkain.
"By the way George, nakita ko kani kanina lang si
Claire? Is there something she wants?" Tanong
ng mama ni George sa kanya. Napahinto naman
ito sa pagkain si nuknukan at naipatong niya ang
kanyang kamay sa mesa.
"No. Wala siyang kailangan baka may gusto lang
bilhin" sabat niya. Teka! Baka alam ng mama
niya ang about sa kanila ni Claire. Right? Parang
nawala bigla ang gana kong kumain.
"By the way. Jay iyong pangako mong cake? The
next day na iyon right?" Paalala ni tita sa akin
sabay ngiti. Tumango nalang ako bilang tugon sa
kanyang mga sinabi sa akin.
"Hindi na rin pala ako magtatagal. By the way
george na patong ko na doon sa office mo ang
mga gamit. Mauna na ako sa inyo" pa-alam ng
mama niya at umalis na sa harap namin.
Ganitong eksena? Napaka akward sa aming
dalawa.
"Busog ka na?" Tanong ni nuknukan sa akin.
"Huh! Ah. Oo. Salamat" sabat ko. Humarap siya
sa akin at minamasid masid ako.
"Anu na naman?"
Ngumiti ito sa akin, sabay sabing "Ang cute mo"
BINABASA MO ANG
Love in Mysterious Way (boyxboy)
Ficțiune adolescențiWhen I see you, At first I had no interest! We turned our back for each other! Now it feels like youre coming to me little by little. I said id never love again, That I'd only love myself Its embarassing but I put my hands together Waiting again for...