Chapter24⇨Truth❤

257 7 2
                                    

JAY'S POV

Dala na namin ni nuknukan ang pinag paguran naming cake na ginawa na dadalhin sa mama
niya.

"Halika na. Pasok na tayo. Sure akong hinihintay na tayo ni Mama." Inbita niya sa akin sa loob ng sasakyan. Tumango lang ako sa kanya at lumabas na ng sasakyan.

Kumatok si nuknukan sa kanilang pintuan.

"Bakit ka pa kumatok?" Tanong ko sa kanya. Napatingin ito sa akin at napangiti.

"Para sabihin ni Mama na
mabait na akong bata!" Pabiro niyang habol sa akin. Hindi naman sa katagalan ay binuksan kami ni tita ng pintuan, at ngumiti ng nakita niya ako at si George.

"Jay, iho! Naku! Halika pasok." Pa-anyaya ni tita sa akin. Pabigla namang humawak sa door knob si nuknukan.

"Ako ma? Hindi mo rin ba ako iimbintahan pumasok ng bahay?" Pa cute niyang tugon sa mama niya.

"Ewan ko sayo George. Tigilan mo ako diyan sa mga drama mo. Oh siya! Halika pumasok ka na rin." Bigla nalang itong ngumiti ng kay lapad at niyakap ang kanyang ina.

"Tita. Ito na po." sabay abot ko sa kanya ng cake. Kinuha niya naman ito at ipinatong sa mesa

"Salamat dito Jay." sambit niya.

"Walang anuman. Pero actually kami po dalawa ni George ang nag bake ng cake na iyan." Pagsisiid ko sa kanyam. Napatingin naman ang ina ni George sa kanya at nagtaka ang nuknukan.

"Ma! Kung makatingin ka naman sa akin, akala mo namang hindi ako marunong gumawa!" pagrarason niya. Napa buntong hininga ang kanyang ina tsaka nagsalita


"Nakakapanibago ka ngayong araw! Ngayon ka lang nagkaroon ng interests sa pagbebake. Anung meron?" Tanong ng mama niya.


Umisog si nuknukan malapit sa akin atsaka inakbayan ako.


"Nagpaturo ako dito." sabay turo niya sa akin.


"Kailangan mo rin kasi matikman iyong mga gawa ko Ma. Right?" Pagmumungkahi
niya.


Napaka akward naman George, baka mamaya magtataka ang mama mo sa ginagawa mo. Kasi ang alam niya puro tayo away na
dalawa.


"Pero teka!" Putol ng mama ni George saglit.


Ito na nga ang sinasabi ko eh.


"Akala ko..." ng bigla akong tumayo at napangiti.


"Wooh! Tita kainin na natin iyong cake anu sa tingin mo? Mas ok kung matikaman niyo na po." pang hihimasok ko agad sa kanyang sasabihin kaya na udlot ito. Napatingin naman silang dalawa sa akin, ngumiting tugon ako at tinungo ang kusina.


GEORGE'S POV


Natatawa ako habang minamasdan ang mga kilos ni Jay sa kusina. Tinapik ako ni mama sa balikat.


"Alam ko ang mga ngiti at tingin na iyan. Sabihin mo nga sa akin George."sambit ni mama sa akin.


Lumapit ako nito sa kanya at hinawakan ko siya sa kanyang kamay.


"Ma! Hindi ko nga rin alam. Pero ang taong iyan ang nag bigay ibang kulay sa buhay ko at sa puso ko." pagpapaliwanag ko sa kanya. Bigla namang hinigpitan ni mama ang
pagkakahawak niya sa akin at ngumiti sa akin.


Love in Mysterious Way (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon