Chapter27⇨It's hurt you know!❤

223 5 0
                                    

JAY'S POV


Nakapatong ang isang ko kamay sa ibabaw ng counter habang nililingon ko ang paligid, tulad
parin ito ng dati. Matao at madami paring bumibili sa lugar na ito.



"Jay ayos ka lang?" Tanong ni britney sa akin habang akay akay niya ang mga i-ilang mga pagkain na nasa tray.
Nilingon ko lang siya at hindi sinagot kanyang katanungan. Inilapag niya sabay sabay ang mga pagkain sa ibabaw at lumapit sa akin.



"Mukhang pagod na pagod ka sa araw na ito. Anu ba nangyayari sa iyo? Bigla ka nalang tumatamlay." Pagaalala ni britney.



"Wala ito, hindi lang kasi ako
nakatulog ng maayos kagabi. Marami kasi akong pinanggagawa. Hayaan mo lilipas din ito." pagsagot sa kanyang mala hotseat na
katanungan.



"Ayan naman tayo. Oh siya. Kung pagod ka, sabihan mo ako para ako nalang ang hahalili muna sa pwesto mo." pangokray niya.



Aalis na sana si britney ng nagsalita ako.



"Wala pa ba dito si George?" Tanong kong pabigla bigla. Nagtaka naman agad si britney sa akin.



"Hindi ko siya napansin dito, sa katunayan maaga iyang
dumadating si George. Pero hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon wala parin. Baka may inaasikaso lang." tugon ni britney at dumiretso na
sa kusina.



May ina-asikaso? Anu naman kaya iyon. Bakit hindi man lang siya nag text at tumawag sa akin. Kinuha ko ang aking phone sa
loob ng bulsa at sinubukan siyang tawagin. Nag riring lang ang kanyang phone ngunit walang sumasagot rito. Nag-aalala na tuloy ako sa lokong iyon.



GEORGE'S POV



Kanina pa nagriring ang phone ko at madami na rin akong text na galing sa kanya. Ngunit hindi ko dapat muna sagutin ang mga tawag at text niya sa akin.



"Anu George nagkakaliwanagan ba tayo?" mabilis na tanong ng Ina ni Claire sa akin sa loob ng kanilang opisina. Nagcrossed arm lang
ako sa harapan niya.



"Take it or leave it!" iyon lang ang kanyang dinugtong at pinalabas na ako sa opisina. Sumakay ako sa loob ng kotse at tumuloy na papuntang cafe.



Pagpasok ko pa lamang ay nadadatnan ko ng nakatayo sa may counter sa Jay habang minamasid niya ang kanyang phone. Hindi ko nalang siya dapat kausapin muna, at tuloy tuloy na akong pumasok ng Icafe. Habang naglalakad ako papapuntang opisina. Bigla bigla akong tinawag ni Jay.



"Hoy! Nuknukan! Hoy!" Tawag nito sa akin, ngunit hindi ko pinanpansin.



"Nuknukan! Bingi ka na ba?"
dagdag pa niya. Hanggat sa hindi ito nakatiis kakatawag sa akin eh siya na mismo lumapit sa pwesto ko.



"Bakit hindi ka man lang nag text o tumawag sa akin. Alam mong buong araw akong naghintay. Pero ok lang naiintindihan ko naman." pagpapaliwanag niya.



"Just do your job. Busy ako sa mga araw na ito. I'll just leave." at dire diretso na akong pumasok ng opisina.



JAY'S POV



Naiwan akong tulala habang inaabsorb ang mga salitang narinig ko sa kanya. Hindi ko inaakalang manggaling iyon sa mga bibig ni George. Bigla
akong napahawak sa puso ko na may kung anung bagay ang tumusok dito na napakasakit. Habang ininda ko ang sakit nito ay sumasabay rin ang sakit ng ulo ko. Napapunta ako ng counter habang pinapahid ang mga luhang tumutulo sa aking mga mata. Mayat maya ay dumating sa aking kinaroroonan si Britney na nabigla sa
kanyang nakita.



"Bakit ka umiiyak? Na pano ka?" Tanong ni britney sa akin na may halong pag- aalala. Tiningnan ko lang siya at ngumiti sa harap niya.



"naku wala ito, na puwing lang ako. Naglilinis kasi ako ng mesa kanina." Pagsisinungaling ko sa kanya.




"Ah ganun ba. Huwag mo nalang hawakan pa baka ma impeksyon. Teka parang narinig ko si Sir kanina." pagtataka ni britney sa aking harapan. Tinapik ko siya sa kanyang balikat.




"Oo. May pinaayos lang siya, kaya namn nilinis ko iyong mesa." dagdag ko sa mga sinasabi ko.




"Ah britney, mukhang hindi
ko nga kaya. Uuwi nalang muna ako upang magpahinga. Kung kaya ko na babalik ako mamayang hapon." saad ko pa ng tuloy tuloy sa kanya. Tumango lang sa akin si britney, inayos
ko na ang mga dadalhin kong mga gamit. Hindi ako lilingon, hindi ko siya lilingunin sa mga oras na ito at dahan dahan na akong lumabas ng cafe.




GEORGE'S POV




Minamasdan ko sa loob ng opisina ko si Jay na umiiyak, alam kong nasasaktan ko siya at higit na nasasaktan ako. Ngunit nabigla ako sa pagkadali dalo niyang pag alis ng i cafe. Lalabas
na rin sana ako para sunduin siya ng may Tumawag sa phone ko.




"Hi babe." bati agad ni claire sa akin.




"Bakit ka napatawag?" Tanong ko agad sa kanya. Tumawa naman ito ng mahina at nagsalita.




"Bawal bang kamustahin ang magiging future husband ko?"
Tugon niya ng mabilisan sa akin. Hindi ko nalang siya sinagot sa kanyang mga putak.




"Oh! Bat ka napatahimik bigla? Ang alam ko pa naman silence means yes diba?" Pangookray nito.




"By the way Im coming on your way. Hintayin mo nalang ako." un na ang huling sambit niya at
pinatay ang tawag. Naiwan akong nakatayo sa loob habang mahigpit na hinahawakan ang phone ko.




"Jay..... Miss na kita.. Miss na miss na kita..." Sambit ko sa aking sarili.




JAY'S POV




Naglalakad ako na parang wala sa sarili, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Iniinda ko parin
ang sakit ng ulo ko pati ng katawan ko at sumasabay rin ang init ng panahon. Habang palakad lakad ako sa kalayuan, sa anung
pagkakataon ay may sasakyan nalang na huminto sa harapan ko. At mula dito ay napahinto ako sabaking paglalakad. Maya maya ay lumabas sa loobbng sasakyan ang may-ari nito at walang iba kundi si Claire.

Love in Mysterious Way (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon