Chapter5⇨Getting crack❤

390 18 0
                                    

"Ikaw nalang ang nag-iisa" sambit ko sa sarili habang tinitingnan ang necklace na nakasabit pa sa leeg ko.



Oras na! Nakapag move on na ako..



Kinuha ko ito sa aking leeg at inilagay sa isang plastic bags kasama pa ng ibang mga pictures niya.




"Yeah! Bagay iyan sa iyo. Bagay sa yo ang mabulok diyan" na-iinis na akong makita ang pagmumukha mo o kahit anung mga bagay na nag papa-alala sayo sa akin.




Hinila ko and dalawang plastic bag at dinala sa labas, inihulog ko to lahat sa isang malaking lata, kung saan nilalagay ko at sinusunog ang mga bagay na hindi na magagamit.



Tulad nito! Goodbye! Foreves.



Sinindihan ko ang lighter at itinapon sa loob. Umapoy ito at umusok.




"Uy friend! Ano ba iyang niluluto mo?" Tawag sa akin ni Natalie salamat.



"Nag aadobo ako ng ala-ala! Gusto mong maipasabay" tawag ko dito.




Lumapit siya sa kinaroroonan ko at sumilip doon.



"Wow! Hanep huh! Malakas ka na ngayon"



"Salamat sa compliment!" tinapik ko siya sa bandang kanang balikat niya.



"Teka saan pala ang lakad mo ngayon? Na pa-aga ka ata?" Tanong ko dito.



"Haysss!" napahawak siya sa kanyang bewang.



"Look friend ganito kasi, kailangan kong makipaghabulan sa trabaho" tugon nito sa akin.




Oh shit! Trabaho! Napakawalang hiya. Dahil doon sa nagiging depressed ako pati tuloy trabaho ko na apektuhan.



Tumalikod ako sa kanya..



"Ahaha!" Patawa ko



"Kaya naman pala ang aga mo!"



"Hoy! Bakit ka napatawa diyan?" Tugon nito sa akin.



"May na-alala lang akong nakakatawa. Oh siya mauna na ako sa loob" Sambit ko dito at pumasok na sa loob.




Dumiretso ako sa C.R at humarap sa salamin. Napatitig ako sa aking reflection ng pinakamatagal.




"Ok Jay! Simula ngayon! Tumigil ka na sa pagiging mabait mo, tama na! Ginagawa ka ng katatawanan ng iba! See? Sa pagiging dense mo mabilis ka tuloy nasasaktan. Oo! Kaya" kinuha ko ang toothbrush, at sinumulang mag sipilyo.




"Unahin mo muna mag hanap ng bagong trabaho Jay, Right?" napailing nalang ako at lumabas na sa C.R




Inilibot ko na ang aking sarili sa lahat lahat ng pinakamalaking institution dito sa siyudad. Pero bakit kahit isa wala man lang akong makita.



Napapagod na iyong paa ko kakalakad. Lahat ng nakukuha kong reply. "Thank you sir, pero wala na kaming vacant. O minsan hindi sila nag hahanap ng bagong empleyado" aissh! Napakamot ako sa aking buhok at lumakad na papalayo doon sa huli kong pinuntahan.




"Ah excuse me po, pero ok ka lang?" Tanong ng tao sa akin.



Lumingon ako sa kanya, aba sino naman siya para maging concern sa akin bigla bigla.



"Malamang hindi! Sa kahaba haba ng nilakad ko! Wala akong napala! Bakit sasabay ka?!" Tanong balik ko dito.




Napahawak siya sa kanyang bibig at napatingin sa akin.



"Hindi.. Hi.. Naman sa..." pautal utal niyang sambit.

"Hindi naman sa ganun? Tama ba ako? Bakit anu ba gusto mong marining pagkatapos mong mag tanong. Pangalan ko? Ganun ba?. Ako si Jay! O anu satisfied na?!"




Napatawa ito saglit sa kanyang position,at nagtaas ng kamay.



Binaba niya ito at may itinuro. Tumingin ako doon sa bandang paanan kung anung bagay itong tinuturo niya.




"Gusto ko lang sanang mag excuse na apakan mo kasi iyong panyo ko" sabat ng lalaki.




Umatras ako saglit, hindi ko na siya nilingon pa at dali dali na akong umalis doon.



Ay anak ng tokwa Jay! Mukha kang lutang sa araw na ito.




GEORGE'S POV




Hinding hindi ko talaga gustong gawin ito. Kung hindi lang sa lintik na merit na iyan. Hinding hindi ko ipupusta itong kaluluwa ko.




Napatindig ako ngayon sa harapan ng gate ng bahay ni Jay. Pero bakit walang tao dito. Ilang beses na akong kumatok.




"Ah iho!" Pagputol ng matanda sa akin. Nilingon ko siya at nagtataka.



"Hinahanap mo ba ang nakatira jan?" Tanong nito. Tumango ako biglang tugon.



"Ah ganun ba! Sabi ng anak ko umalis daw ito kasi may dapat aasikasuhin." Pagpapaliwanag.




Anak ng! Nagmukha akong tanga dito. Eh wala naman palang tao. Aissh.




"Salamat po maam" umalis na ako doon at sumakay na sa loob ng sasakyan ko. Pinaandar ko na at sinumulang bumyahe sa kahabaan ng kalsada. Aiish!




NATHAN'S POV



Mukha wala ata dito sa George ah. Saan naman iyon nag susu-ot. Haiist sayang naman may esheshare pa naman ako sa kanyang bagong type ko.




Dumiretso nalang ako sa counter nag order ng pagkaing bibilhin ko.



Pagkatapos kong pumili ay duniretso na sa mesa upang umupo.




"Excuse me" boses ng babae. Napatingin ako dito. Maganda makinis at maputim



"Oh?"



"Kaibigan ka ba ni George?'' Tanong nito.



"Ah. Oo. Ba-ba-bakit?" Tanong ko dito.




Ngunit hindi man lang ito sumagot, at lumakad papa-alis sa lugar.




JAY'S POV




Namamasa na ako! Pati kilikili ko basang basa na. Tirik na tirik kasi ang araw eh.



Habang naglalakad ako may kung ano nalang sasakyan ang huminto sa harap ko.



Aba mukhang pamilyar ito. Huwag mong sabihin. No!




Napahinto ako sa aking kinatatayu-an ng may lumabas na lalaki sa loob nito.

﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Hit like,vote and comment guys.. Follow na din kung ok lang..


cjay~

Love in Mysterious Way (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon