Chapter20⇨Hurt2x❤

275 5 0
                                    


"Mahal na mahal kita Jay, sana ganun din ang nararamdaman mo sa akin.." sambit ni George sa akin habang hawak hawak niya ang aking mga kamay. Napangiti ako sa kanyang mga sinabi at napaluha ako mismo ng marinig iyon.



"George.. Mahal na mahal din...."



*Kring! Kring! Kring!*



Napatalon ako sa aking kama
ng narinig ko ang malakas na tunog ng aking alarm clock. Ito naman oh! Kung saan masarap
na iyong tulog ko at maganda ang panaginip ko, doon naman pinuputol ang lahat.



Hinarap ko ang aking alarm clock at dinampot ko ito sa kanyang kinalalagyan.



"kahit kailan talaga! Wrong timing ka!" Babatukan ko na sana ito ng makita ko ang oras. Patay! Sana hindi pa ako late. Dali dali akong bumangon sa aking higaan at tinungo ang
banyo upang mag ligo.



Napakamot ako sa aking ulo habang nag-aayos na ng aking sarili habang nakaharap sa salamin



"Naninibago talaga ako ngayon sa sarili ko. Parati nalang akong excited sa lahat ng bagay, especially ang magtrabaho sa restaurant."
Napabuntong hininga ako at ngumiti sa salamin habang minamasdan ko ang aking repleksyon.



*Ding dong.... Ding dong....* Tunog ng doorbell ng bahay ko. Teka! May bisita ba ako? Aba kailan lang at sa ganitong oras.



*Ding dong... Ding dong..* Tunog nito ulit.



Tinapos ko ang aking orasyon sa harap ng salamin, at tinungo ko na ang labas ng bahay upang makita kung sino man ang nag dodorbell sa labas.



Dahan dahan ko itong binuksan at tumambak sa akin ang
gwapong nilalang at amoy mabango.



"JP? Napa-aga ang dalaw natin! Ui! Anung meron?" Siko siko ko sa kanya. Ang ganda ng suot niya ngayon.



"Sus! Na miss lang kita, kaya
gusto kitang makita. Teka pa-alis ka na rin ba?" Tanong nito sa akin.



"Owss. Talaga na miss mo ako?" Panghaharot ko pa sa kanya.



Napa sandal niya ang kanyang siko sa door at tumingin ito sa akin ng nakaduko at nagtatama dito ang aming mga mata.



"Gusto mo bang malaman kung gaano kita ka miss?" Pag babanta nito. Umatras ako ng
bahagya at napatawa ng kunti



"ito naman.! Oo na naniniwala na ako. So! Tayo na?" yaya ko sa
kanya habang nauna ng lumabas ng bahay.



"Busy ka ba ngayong mga araw Jay?" Tanong ni Jp sa akin habang nagmamaneho.



"Ah.. Oo. Madami kasing gawain sa restaurant.. Bakit?"



"Hmmm.. May gusto sana akong sabihin sa iyo..vKaso sa susunod na araw nalang." Tugon nito at ngumiti. Anu daw may gusto siyang sabihin sa akin?



"Ah ok.. Sige.. Sa susunod nalang.." Tangi kong sagot sa kanya. Sa hindi katagalan ay
narating na namin ni JP ang lokasyon. Bumaba na ako dito at lumabas.



"Hatid na kita sa loob." yaya ni JP sa akin. Lumapit ako sa kanya at tinapik ko siya sa dibdib




"naku! Huwag na. Kaya ko na ito. Teka maraming maraming salamat sa paghatid." Tumalikod na ako sa kanya at sinimulan ko ng lumakad at
tumawid sa kabila.




Love in Mysterious Way (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon