JAY'S POV
Bigla nalang akong hinawakan ni George sa aking mga balikat at isang matamis na HALIK ang
binigay niya sa mga labi ko. Sa pagkakataong ito wala akong ibang iniisip kundi siya lang at ako sa mataong lugar.Niraramdam namin ang bawat
lapat ng aming mga labi at nakikisabay rin ang bugso ng panahon at ang mga patak ng ulan. Napako ang tingin ni George sa aking mga mata"Masaya ako ay hindi pala masayang masaya ako ng marinig ko ang tunay mong
nararamdaman para sa akin. Akalain mo matagal mo na pala akong gusto." tugon nito sa
akin habang nakangiti at kapwa kami ay basang basa ng ulan, siniko ko siya ng mahina sa
tagiliran."Hindi ko na hihintayin na ang oras na mismo ang aamini ng nararamdaman ko sa iyo."
tugon ko sa kanya. Tuwang tuwa kaming dalawa habang binabasa na ng ulan ang aming mga damit at katawan."Haaaa-haaaaa-haaatsing!"
Isang malakas na hatsing ang nabitawan ko. Nabigla tuloy si George sa akin, ngunit tumawa
rin ito."Sino ba may nagsabing magbabad tayo sa ulan?" paukol niya sa akin.
"Sabi kasi nila kapag umuulan daw at sa ganitong pagkakataon, paulit na ulit mong ma-alala ang masasayang ala-ala." Patugon ko sa kanya.
Sa pagkakataong ito hindi akbay ang binigay niya sa akin kundi,
ang kunin at hawakan ang aking kamay na mahigpit, tumingin siya sa mga ulap at ngumisi."Nakikita niyo ba ito! Kayo mismo ang saksi! Ang taong hinahawakan ng kamay ko, ay ang taong nagbibigay halaga sa katulad ko. Tandaan niyo! Mahal ko ito at mamahalin pa! Naririnig niyo ba?" Sigaw niya ng malakas. Napahawak naman
ako sa aking mga labi at napangiti ng patago.Mahal na mahal rin kita George.
GEORGE'S POV
Hinahawakan ko parin ang mga kamay ni Jay at ayaw na ayaw ko itong bitawan.
"Pasok ka na." utos ko sakanya para makapasok na siya sa loob ng sasakyan.
"Baka mabasa itong loob ng
sasakyan mo." Tugon niya sa akin na nag-aalala.Dahan dahan ko siyang pinapasok sa loob at ikinabit ko na rin sa kanya ang seatbelt.
"Huwag kang mag-alala. Total basa naman tayong dalawa." tugon ko pagkakapasok ko rin sa
sasakyan. Pinaandar ko na at sinimulang bumyahe sa kalsada. Inilahad ko ang aking kaliwang kamay sa kanya."Hawakan mo kamay ko. Matagal ko na rin kasing pinapangarap na hawakan ang mga kamay ng matagalan." tugon ko dito. Hindi naman siya nagdalawang isip at ipinatong niya na rin ang kamay niya sa akin at siya na mismo ang humawak ng mahigpit nito.
"Teka! Since official na tayong mag kasintahan. Anu kaya ang magandang eanderment para satin?" Tanong ko. Napalingon siya sa akin at napaisip.
"Baby love? Honey? Babe?" Mga suhestiyon niya. Napatawa naman ako saglit ng marinig ito.
"Mas gusto ko iyong baby love." agad kong tambad. Napakamot naman siya bigla sa kanyang ulo.
"Sira ka talga... Baby love!" at
tumawa ng mahina. Napangiti naman ako ng marinig sa kanya ang mga salitang iyon.JAY'S POV
BINABASA MO ANG
Love in Mysterious Way (boyxboy)
Teen FictionWhen I see you, At first I had no interest! We turned our back for each other! Now it feels like youre coming to me little by little. I said id never love again, That I'd only love myself Its embarassing but I put my hands together Waiting again for...