Chapter23⇨Tell me❤

239 6 1
                                    


JAY'S POV



"Gusto kita Jay! Ah hindi pala! Mahal na kita." bigla niyang bitiw sa mga salitang galing sa kanyang bibig.




Nabigla naman ako sa aking mga narinig, biglang huminto ang lahat na nasa paligid ko at parang nabibingi ako sa mga
ganitong oras. Hindi ko naiintindihan dahil sa mabilisang takbo rin ng aking puso. Bigla niya akong hinawakan sa aking balikat at pinaharap sa kanya. Ngumiti ito sa akin ng kay lapad, mula dito nakikita ko sa kanyang mga mata, sa kanyang labi at sa kanyang expresyon ang tunay
na hatid ng kanyang pagsambit
sa akin.




"George...." Magsasalita na sana ako ng bigla niyang pinahinto ang aking bibig gamit ng kanyang daliri.




"Shhh.. Ok lang na hindi mo muna ako sasagutin, maghihintay ako." tugon nito sa
akin at hinigpitan pa niya ang hawak ng aking balikat.




"Hey! Huwag mo akong titigan ng malalim. Mas lalo akong naiinlove sa iyo." pagbibiro niya at ginalaw niya ang aking buhok at ngumiti ulit sa akin.




"Hayys!" Napa akbay siya sa
akin bigla.




"effective! Isa kang gamot Jay nawala agad ang sakit ng ulo ko pati ang katawan ko. Sabihin mo nga sa akin may powers ka ba?" Dagdag niya pang biro sa akin. Na pipe na ata
ako, hindi ko magalaw ang aking mga bibig.




"Teka! First time mo bang marinig na may umamin sa iyo?" Tugon niya habang naka-akbay pa sa akin.




"Huh! Hindi naman. Kasoo." Kumilosbito muling humarap sa akin.




"Naku! Huwag kang mag-aalala haggang akbay lang muna ako sa iyo. Hihintayin ko na magiging tayo saka na ako gagawa ng second move." tuloy tuloy niyang sambit. Napangiti naman ako sa kanyang mga
sinabi sa akin at nasiko ko siya ng mahina sa tagiliran.




"Hahaha! Shit kinikilig ako sa mga ngiti mo!" Dagdag niya pa. Tumayo ako sa kakaupo at
binalik sa kusina ang mga baso na ginamit namin.




GEIRGE'S POV




Ang lapad ng ngiti ko habang binabaybay ang mga kilos ni Jay. Nakakapanibago sa akin, sa
kanya lang lumakas ang kabog ng puso ko. Minsan nga natutulala nalang ako kapag
minamasdan siya.




"Nuknukan!" Pukas niya sa
akin kaya bumalik ako sa realidad, nakatayo na pala siya sa harap ko.




"Ang ganda naman ng magiging GF ko in the future." Bigla bigla kong sambit, kaya napahawak ako sa aking bibig at napatingin sa baba.




Shit! Hindi ko talagaVmapigilan ang sarili ko. Narinig kong napatawa siya saglit sa akin, kaya napangiti naman ako
habang nakaduko at humahawak sa puso ko.




"Hala! Muntik ko ng makalimutan. Kailangan ko palang mag bake ng cake para kay Tita. Ngayong araw ko pala ibibigay yon sakanya." sambit ni Jay habang nakatayo. Bigla ko siyang hinila papalit sa akin at tinitigan siya sa kanyang mga mata.




"Alam mo! Excited na akong halikan ka, pero titiisin ko muna. Tara! Mag bake tayo ng cake para kay mama ko at sa magiging mama mo rin." ngiti kong hatid sa kanyang habang hinahawakan ko ang kanyang mukha.




JAY'S POV




Hindi na ako makahinga, ang bilis na ng takbo ng puso ko. Hinahawakan parin ni George ang aking mukha at nakapako parin ang aming mga mata sa isat isa.




"So George. Tara na.. Bake na
tayo.." Pa utal utal kong tugon sa kanya. Ngumiti ito sa akin at tumayo na rin.




"Tara, sasamahan na kita. Turuan mo ako!" Utos nito at nauna ng tumungo sa may kusina.




Naiwan parin akongvnakatayo sa akong position. Ang ngiti kong naka ukit ay unti unting nawawala. Alam kong ang bilis ng pintig ng puso ko sa kanya. Pero alam ko ring mali ito. Kapag nagkataon maiiwan parin akong malungkot dahil nga ikakasal na siya.




"Duwende! Halika na. Excited na ako eh!" tawag nito sa akin mula sa kusina.




"Huh oo. Papunta na ako." Tugon ko sa kanya.




GEORGE'S POV




Nakatingin ako kay Jay habang inihanda niya na ang mga gagamitin namin. Ready na kasi ako nakasuot na nga ng apron.




"So. Simula na tayo?" tugon niya sa akin.




"Epps. Teka, nakalimutan mo
atang mag suot ng apron. Akin na. Ako na magsusuot para sayo." Lumapit ako sa kanya at pinasuot ko ang Apron na bitbit ko. Nakikita kong namumula siya sa ginagawa ko




"Tara simula na." excited kong tugon. Halos buong oras akong nakatitig sa kanya




"George, na Gets mo ba?" Tanong nito sa akin. Napa kilos naman ako.




"Huh! Ahh" napakamot ako sa aking buhok.




"Anu nga iyon ulit! Hindi ko masyado nakuha." tugon ko sa kanya. Siniko ako nito at ngumiti siya sa akin.




"Halika, lumapit ka ng kaunti sa akin para maturo ko ng maayos." utos niya. Anu? Lalapit ako sa kanya, kaya umurong ako ng kaunti.




"Anu ba nuknukan. Lumapit ka." dagdag pa niya. Kaya may sariling locomotion ang katawan ko at bigla bigla itong napalapit masyado sa kanya.




"Gaano ba kalapit? Ganito ba?" Tanong ko sa kanya na wala ng pagitan ang mga siko namin.




"Ikaw talaga! Oo pwede na iyan." Ngumiti naman ako, sa ganitong paraan makikita ko na ng maigi ang mukha ng taong minamahal ko.




Itutuloy.

Love in Mysterious Way (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon