JAY'S POVDahil sa masyado akong lasing kagabi, ito iyong napala ko pagkakagising ko ka agad. Sumakit tuloy ang ulo ko at nagka hang-over na dahil doon. Pero sino namang humatid sa akin dito papauwi kagabe, ang phone ko nasaan na.
Bumangon ako sa pagkakahiga at inuna kong hanapin ang aking phone, nakita ko lang ito malapit sa aking higaan.
"Hinatid na kita kagabi dahil sa sobrang kalasingan mo. Anyway, text mo ako kung ok ka huh?" Text ni JP sa akin. Si JP ang naghatid sa akin dito, pero paano niyang nalaman na andoon ako sa bar kagabi. Napaisip ako ng malalim at sa
hindi katagalan eh nalaman ko na kung sino ang salarin."Natalie! Humanda ka talaga sa akin!" Inis kong tugon sa aking sarili.
Bahala na! Kailangan munang mawala ang hangover ko ngayon, may dapat pa kasi akong gagawi sa araw na ito. Dali dali kong itinungo ang kusina upang maginit ng tubig at mag timpla timpla ng kape. Napa upo
ako sa upuan at nakapatong ang kamay ko sa table. Iniisip ko parin ang nangyari kahapon,
bakit ba ako nasasaktan ng ganun ganun! Si George..Napahinto ako saglit at napatingin ng diretso. Si George nandoon rin kagabi! Anu kaya
ang mga pinangsasabi ko sa kanya, pero anu paki-alam ko.Manigas siya, itinungo ko ang mga nagkalat na mga basura at napag isipan kong itapon ito sa labas. Binuksan ko ang pintuan ng bahay at tuloy tuloy na akong pumunta palabas ng gate.
Pagkatapon ko ng mga basura, ay may napansin akong sasakyang na naka park sa harap ng gate.
Teka! Sasakyan ito ni George ah. Bigla to itong pinuntahan at kinatok.
GEORGE'S POV
Parang may naririnig akong mga katok mula sa labas, napa dilat ko ang aking mata at nakita ko
doon si Jay na naka yuko habang kumakatok!.Shit! Hindi ako nakapag-ayos ng sarili ko.
Binuksan ko ang kabilang pintuan at bumungad naman siya mula doon.
"Anung ginagawa mo diyan nuknukan?" Tanong nito sa akin. Napakamot ako sa aking ulo
"Hinihintay kita.." Sagot ko.
Napaisip naman si Jay bigla.
"Bakit mo ako hinihintay?" Tanong niya agad.
"Hinintay kita kagabe kaya lang may naunang naghatid sa iyo dito." sa pagkakasabi ko ay
humatsing ako bigla bigla."Ok ka lang?" concern na tanong nito sa akin.
"Hindi.. Hindi . ako ok! Masakit nga ang ulo ko pati ang katawan ko." Pagsisinungaling ko sa kanya.
"Halika. Pasok ka muna sa bahay. Bakit kasi naghintay ka pa dito buong gabi..." Tanong niya at inakayan niya ako
papasok ng kanilang bahay."Maupo ka muna ipagtitimpla kita ng kape.." Inbita niya sa akin at Napa oo nalang ako sa
kanya.JAY'S POV
Anu ba ang nakain ni nuknukan at bigla bigla niya lang ginawa ang mga bagay na ito, pero sa totoo lang mabilis ang mga pintig ng puso ko mga oras na ito.
"Ito na. Inumin mo iyan hanggang mainit pa." suhestiyon ko sa kanya. Tiningnan ako nito na parang nagmamaka-awa.
"Nahihirapan akong galawin ang aking mga kamay, hindi ko rin kayang ihipan ang kape." pagsasabi niya sa akin.
Ibig sabihin nito ako ang gagawa para sa kanya .
"Tigilan mo ako nuknukan sa mga request mo na iyan." agad agad kong tugon. Napasandal siya sa sofa at hinawakan ang kanyang ulo.
"sa tingin ko magkakasakit ako sa mga araw na ito. Ang sama
sama talaga ng pakiramdam ko." tumbad niya agad sa akin."Huh! Ganun ba?. Sige sige teka lang. Umayos ka ng pagkakaupo." utos ko sa
kanya. Kinuha ko ang tinimpla kong kape at ako na mismo ang umihip nito at pina inom sa kanya.Sa mga minutog ito, mukhang sasabog ang puso ko...
GEORGE'S POV
Minamasdan ko si Jay habang inihipan niya at pinapa-inom sa akin ang tinimpla niyang kape.
Sa bawat kumpas niya ay sabik na sabik ang aking puso, sa tuwing titingin at ngumiti siya sa
akin nagliliwanag ang lahat."Wala na ba?" Tanong ko sa kanya.
"Ubos na nuknukan!" Sabat
niya sa akin."Huh! Shit. Nilalamig pa naman ako. Grr. Ang lamig!" Sambit ko habang tinitingnan ko siya. Napa crossed arm naman ito at tumingin sa akin
"naka jacket ka na nga. Tapos ang kapal kapal pa ng tela. Nilalamig ka pa?" ngiting tugon niya.
Ay mali! Mali ang nasabi ko. Bigla kong hinubad ang aking jacket at nagtaka naman ito.
"bakit mo hinubad, akala ko
ba nilalamig ka?" Tanong nito."Dahil sa masikip ang Jacket ay kailangan kong hubarin muna." Napahawak ako sa aking katawan sabay sabing,
"Mukhang mamaga ata, sakit ng katawan ko." Napalingon ito sa akin. Yes effective.
"Saan?" Tanong niya.
"Dito. Dito banda. Wala naman kasi akong lakas para hilutin ito." sabay turo ko malapit sa dibdib ko.
"Huh! Naku! Teka" umusog siya ng palapit sa akin at itinapik niya ang kanyang kamay malapit sa dibdib ko kung nasaan ang puso ko. Habang nakapatong ang kanyang kamay dito, ay hindi ko na napigilan ang aking damdamin.
"Nararamdaman mo ba?" Tanong ko.
Napahinto siya sa paghihilot at napatingin sa akin.
"huh? Ang alin?" Pagtataka niya.
"Nararamdaman mo ba ang pintig ng puso ko.. Ang lakas ng kabog diba? Alam mo bang ikaw lang nakapagpapagawa nito." diretso kong tugon sa kanya.
Bigla niya nalang kinuha ang kanyang kamay at umatras ng bahagya palayo sa akin. Ngunit sa mabilisan kong kilos ay nahawakan ko ang kanyang kamay at napasandal ito sa aking
dibdib."Gustong gusto kita Jay ah hindi pala! MAHAL NA KITA JAY!" mga katagang binitawan
ko sa kanya habang nakansandal ang kanyang ulo sa aking dibdib.Itutuloy....
BINABASA MO ANG
Love in Mysterious Way (boyxboy)
Novela JuvenilWhen I see you, At first I had no interest! We turned our back for each other! Now it feels like youre coming to me little by little. I said id never love again, That I'd only love myself Its embarassing but I put my hands together Waiting again for...