Chapter One

215K 1.9K 100
                                    

Give him a chance, Ate, you'll like him.

That's what Mary Anne told me when she was dating Rufo, and those were the exact same words she said while she was dating, Fernan, Andrew, Famous, Guy, Sebastian, Henry, Marcus, Pippo, Charles, Kristian and some other guys that I don't remember. Mahirap para sa akin ang tanggapin ang katotohanan, pero my sister is a dating machine.

Naniniwala siya na ang lahat ng tao ay nakatakda para sa kung kanino. She has this theory that everyone is born to be with someone and when you find that someone, malalaman mo na siya na iyon dahil sukat siya sa katawan mo. Her theory is gross and unrealistic, I don't agree with her, pero wala akong magagawa, dahil kahit gaano ka-unrealistic ng theory ni Mary Anne, kapatid ko pa rin siya at mahal na mahal ko siya.

So I gave all her boyfriends a chance, pero hindi naman gaanong lumalalim pa ang pagkakakilala ko sa mga lalaking iyon, sinasaktan na nila ang kapatid ko. Ewan ko ba sa kanya, paulit-ulit lang naman ang nangyayari sa buhay niya. She will fall in love, get hurt, cry and then after a few weeks, nakikipag-date na naman siya.

I wanted to tell her to stop whatever she's doing because it won't do her any good. I tried that once, pero hindi naman niya ako pinakinggan, instead she gave me a lecture about having a boyfriend.

My sister has this vivid illusions about happy endings, princes and princesses. I, on the other hand, does not believe in this kind of things, walang Mr. right, walang Prince Charming at mas lalong hindi natatapos ang kwento sa tinatawag nilang happily ever after.

I do not believe in love ----- romantic love. Love does not stay in our hearts forever, it fades away... just like any other things on this planet.

I'm not a Man hater, I'm just realistic.

Pare-pareho lang ang mga lalaki, wala silang alam gawin kundi ang manakit at manloko.

Tulad ng nangyayari lagi kay Mary Anne. Tulad nang nagaganap sa kanya ngayon... Umiiyak na naman siya, unfortunately, andrew, her boyfriend dumped her for their client, and the worst part is..........

"Ipinagpalit niya ako sa isang becki!" humihikbing sigaw niya. "Hindi ko maintindihan kung bakit pero, kahit anong gawin niya, hindi naman magkakamatris ang baklitang iyon, pero nagawa niya pa rin akong ipagpalit! I hate him! I hate that gay Freada! Alam mo ba, Ate? Mukhang bouncer sa club iyong bakla, pero naipagpalit niya pa rin ako!" inabutan ko ng tissue si Mary Anne. Mugtung-mugto na ang mga mata niya at mapula na rin ang ilong niya pero tila wala pa rin siyang balak na tumigil sa kakaiyak.

Napailing ako. Ano ba ang sasabihin ko? Sasabihin ko ba ang nasa isip ko, o sasabihin ko ang gusto niyang marinig? she looked so miserable.

"Makakarma rin siya..." malumanay na sabi ko. Mary Anne turned to me..

"I thought he's my prince charming..." muli na namang umalog-alog ang balikat niya. Napatango na lamang ako saka muli siyang niyakap ng mahigpit.

I want this madness to stop right now, but how can i do that if she was too stubborn to even listen to me?

All her life she wanted only wanted one thing, iyon ay ang makatagpo ng sarili niyang prince charming tulad ni Cinderella, Snow White at ni Sleeping beauty... pero bakit parang hirap na hirap ang tinatawag nilang destiny na ibigay iyon sa kanya?

I sighed. If destiny won't give my sister what she wants, ako mismo ang gagawa ng paraan para makuha niya ang gusto niya. I will find the perfect guy for her------ kahit pa alam ko na walang taong perpekto.

I will find her a Prince Charming ----- kahit hindi ako naniniwala doon.

At kung paano ko gagawin iyon, hindi ko rin alam... but one thing is for sure...

Wanted: Brother-in-law (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon