Chapter 3
Lawrenz's POV
Buong byahe namin sa eroplano pauwi ay tulog si Fia. Nakita kong uminom siya ng kung ano kaya tulog na tulog siya. Pero ang nakakapagtaka ay iniwan siya ni Zach paglapag namin si Pilipinas. Ako na daw ang bahala.
At dahil ako naman talaga ang asawa ay binuhat ko na lang siya at hanggang makaratng kami sa bahay ay tulog pa rin siya. Dumeretso ako agad sa kusina. Mag ta tanghalian na kasi kaya naisipan kong magluto na lang muna.
"Where are we? "Kinusot-kusot ni Fia ang mata habang nagsasalita. Halatang napahaba ang tulog niya kasi medyo mugto ang kanyang mata. Ngumiti ako sa kanya at naglatag ng pagkain sa dining table.
"Binili ng Lolo mo ang bahay na 'to. Dito raw tayo tumira. Pinapasabi rin niya na bibisita siya madalas kaya 'wag mo akong takasan kung ayaw mong malaman ng Lolo mong nagpakasal lang tayo dahil may nangyari sa'tin at 'di dahil sa mahal mo ako." Umismid naman siya sa sinabi ko at umupo sa tapat ng hapag kainan.
"I won't run. Mas mahirap kalabanin si Lolo kaysa sa'yo. Kaya mas pipiliin ko na lang gawing impyerno ang buhay mo, tulad ng pangako ko." It's my time to frown on what she said. She really does hate me and she is really the type of person to want what she hates. In that way she can totally makes that person miserable, just like me.
Nagsamulaa na kaming kumain at nasa tapat niya ako. Ilang minuto pa lang ang nakakalipas ay nagsalita siyang muli." Where's Zach?"
Napabuntong hininga nalang ako. Hindi ba siya mabubuhya nang 'di naka buntot sa kanya ang butler niya? Nakakabwisit.
"He's out for a moment. May aasikasuhin daw siya sa NBI. At tungkol sa NBI, ito ang magiging permanent assignment mo sa Pinas."Sumusubo siya habang binibigay ko ang folder sa kanya kaya bigla siyang nabilaukan pag abot niya dito.
"What the hell is this?" Padabog niyang nilapag sa mesa ang folder. Harap pa lang nga ng folder ang nakita niya ay nagalit agad siya. 'Di ko tuloy mapigilang ngumisi.
"This is your permanent assignment, agent Red Butterfly." Nakita kong nagpipigil siyang suntukin ako pagkatapos ng sinabi ko. 'Di na siya nagsalita at kumain nalang muna. Pagkatapos niyang tapusin ang pagkain ay tumayo na siya.
"I knew I can't do anything about this. But I also have a part of this bargain, Renz. Sige, papayag akong maging gangster ng Underworld, pero kailangan mo akong gawan ng isang pabor." Mautak talaga ang asawa ko. Kaya tamang tama na maging gangster siya, dahil naging gawain din naman 'yon ng kambal niya dati.
Naging parte lang ng assignment naming mga NBI agent ang pagiging gangster dahil gumawa ang NBI ng organisasyon na tinatawag na UNDERWORLD, kung saan maaring magkaroon ng matinong laban ang mga gangs, ibig sabihin isang legal na gang arena ang mayroon kami. Naging malaki rin ang papel ng Underworld sa pagbawas ng krimen dulot ng gangs at naging mas madali rin kumuha ng impormasyon sa iba't ibang panig ng Pilipinas dahil nakikipag-cooperate sa amin ang iba't ibang grupo.
Katulad din ng mga gangs ay may isang grupong namumuno sa Undeworld, at kami iyon. Ang Shadows, ang grupong pinamumunuan ko noon pa man.
Naglakad si Fia sa sala kung saan niya nakita ang bag niya. Sumunod ako sa kanya at inantay ang susunod niyang gagawin.
Matapos may kunin si Fia sa bag niya at inabot niya ito sa akin. Isang kasulatan, kaya nanlaki ang mata ko at 'di makapaniwalang tinanong siya. "Is this annulment papers?"
Fia's POV
Tumango ako sa tinanong ni Renz at tinurong muli ang parte ng papel kung saan ay kailangangn niyang pumirma. "It will take a year or years. At sa mga panahong iyon ay 'di ako aalis sa tabi mo. Is that good enough for the bargain?"
BINABASA MO ANG
The Red Butterfly (My Lady Gangster 2) :Published under Lifebooks
RomanceHighest Rank: #1 in Mystery from Sept 20-25, 2018 Lufia Santillan De Vera, mas kilala bilang Red Butterfly. She's the top agent of NBI, the badass one in Santillan twins and the Shadows' new Lady gangster. She makes rules and she breaks rules. Maga...