I just want to warn you all, mapapabilis ang takbo ng storya ng TUL sa kabanata na 'to. Nalalapit na po tayo sa exciting part!
“Ano masasabi mo?” interview ni Nash kay Adam, ginawa pang mic ang suklay ko.
Madramang suminghap si Adam, humihikbi habang sumandal kay Sytton na mabilis na nagmura at tinulak siya.
“Nakakabaliw, nakakagigil ang hirap mag pigil, miss ko na siya.” malungkot niyang sabi.
Malapit na sana akong maniwala kaso ng makita ko ang halakhakan nila Eron ay napailing nalang ako.
Heto na naman sila.
Tumikhim si Adam at kinuha ang imaginary mic nila kay Nash at dito naman tinutok.
“May tanong ako.” seryoso niya sabi habang nakatingin kay Nash na malaki ang ngisi.
“Sige! sige! Ano ‘yon?” he grinned.
“Ask ko lang..” bahagya pa siyang lumapit sa isa. “..bobo ka ba? survey lang. Kailangan ng sagot now na.” tanong niya walang kahit anong emosyon.
His smile fell as the boys' laugh roared, pointing at the frowning Nash. Nangunguna na ang siraulong si Adam.
“B-Bobo ka daw ba.. pakisagot.” nawawalan na ng hininga si Eron kakatawa pero nagawa pa'rin niyang sabihin.
“Gusto mo ng straw ng Zesto?” balik na tanong ni Nash sabay angat sa hawak na straw. “Butasan ko tagliran mong puta ka!” he screamed and chased the laughing Adam.
“Ikaw, Cap. Gusto mong tanungin kita?” laban ni Hans, hawak na ang mahiwagang suklay.
Tiningnan lang siya ni Dalton. “Lakompake, tangina ka.”
Umirap sa hangin si Hans, kinilabutan pa ako dahil halos parang patirik ang ginawa niya, puti na lang ang nakita.
“Ikaw, Faith. Gusto mo questions and answers?” excited niyang tanong, mabilis pa ang lapit sa akin.
Natawa ako at akmang sasagot ng naunahan ako ni Zillex. “Saan mo gustong masaksak, Hans?”
He pouted and rolled his eyes again that made me cackled. These boys, they never failed to make me laugh.
Masakit ang ulo namin dahil patapos na ang school year. Graduating na ako habang sila ay aakyat na ng fourth year college.
Damn.. research project, film, role playing, drawing, yell. Ang dami! ubusan ng oras lalo na kung may mga pabigat.. at isa na ako d’on.
Nasa library kaming tatlo habang pareho silang nagpapaliwanag ng mga dapat kong gawin sa final defense. Kagrupo ko si Aileen, pero paniguradong sermon ang mauuna bago niya ako tulungan. Kaya sila na lang.
“You should know the independent and dependent variables, baby.” he said calmly and I pouted.
Ano ‘yon! nakakain ba ‘yon!
Napapadyak na ako sa inis dahil parang timang talaga, wala akong na kahit ano bukas na ang defense.
Dalton sighed and rested his head on his knuckles while still looking at me. “The independent manipulates while the dependent is the one being manipulated.”
“In easy word, ang independent variable ang nakakaapekto at dependent variable ang naaapektuhan.” I gave Zillex's a puzzled looked.
Tumawa siya at kinurot ang pisngi ko. “Focus, understand it, hindi puro pakinig ka lang.”

BINABASA MO ANG
Their Unrequited Love (Love And Ruin Series #2)
RomanceCOVER FROM PINTEREST A spoiled brat Faith Adee Zcheinder is known as a party girl and a chick girl magnet. She can get anything she wants, even boys in their university. But a college boy named Dalton came into the picture. A cold and mysterious m...