Part 15: Loveteam

336 8 2
                                    


The new movie is set to kick off in cinemas in a week already and the press people flocked in the venue with its cast. They were briefed of the allowed questions lalo na't kasalukuyang iniintriga ang dalawang bida. Kathryn doesn't do loveteams. Alam yan ng management nya. 




"We've known you as a private person when it comes to your family and love life, Kathryn, wala ba talagang clue kung sino ang nagpapatibok ng puso mo ngayon?"


Nag-umpisa na ang tuksuhan. 


"Wala po talaga as of now."


"Sa sobrang blooming, wala talaga?" follow up ng reporter. 


"May mga nagpapasaya naman po. Family, friends, fans..."


Napakailap talaga ni Kathryn pagdating sa ganitong mga tanong. The floor director asked for one last question before they conclude the presscon. May isang tao sa likod na nagtaas ng kamay and ipinasa doon ang microphone.


"This is the second time na nagkasama kayo ni Wade sa isang pelikula. Kung sakali bang ligawan ka ng actor in real life, may pag-asa ba?"


Kathryn caught her co-star blushed. It is on this part that she understood the silent assignment. She's being set up with Wade, for promo. Of course.


"Sa ngayon po kasi, nakafocus po talaga ako sa proyektong ito pero... let's see po. Ayoko naman po magsalita ng tapos."

The press seemed to like what she answered but there's one person who's watching the live stream sa backstage na nagmamaasim. "Jusme, kung sya rin lang ang makakatuluyan ng alaga natin, iaalay ko lahat ng manok ng nanay ko."

"Mainit talaga ang dugo mo kay Wade, Justine," wika ni Jan, stylist ni Kath.

"Girl, umay sa mga unprofessional."

"Wala naman tayong magagawa. Mukhang gusto sila ng management na maging love team."

"Dyos ko!!! 26 na si Kathreng noh! Tsaka kelan ba sya nag love team?! Ngayon nga lang nangyari itong nakapareha nya second time ang isang actor. Palibhasa kasi pamangkin ng exec."


"What if maging sila ng alaga natin?"

"Hindi tayo papayag."

"Edi, hanapan mo na ng jowa si Kath!"


"Luh! Di nyo ba alam ang tsismis???" 


"Ano naman yan?"


"May boyfriend talaga yang alaga natin."


"Fake news yan, mars." Sabat ni Kathryn sa glam team nya. Napakamot din sa batok nya si Cha, photographer ng team, na kasabay nyang pumasok sa standby area. "Kayo ha, imbes na inaatupag nyo ang lovelife ko, bakit hindi nyo nalang i-finalize yung deets ng outing natin?"

"May point," Jan agreed. "Ito kasing si Justine ang daming alam eh."

Biglang tumunog ang cellphone nya and kung minamalas nga naman sya, si Alden ang nasa linya. She motioned her team to step out briefly at may kakausapin lang sya.


"No calls during working hours, remember?"

"Sorry. Si yaya kasi-"

"Ha?!  Anong nangyari kay yaya?!"


"Okay, kalma muna. Stable naman na si Yaya, nagpapahinga na sya sa room nya. Nahimatay kasi kanina habang nagdidilig ng mga halaman. Nandito kami sa St. Luke's... tinawagan kita para ipaalam ang nangyari and magrerequest sana ako na puntahan mo kami dito. May shoot ako mamaya eh. Hindi pwedeng hindi ko siputin kasi wala ang assistant director ko. Makakapunta ka ba? If hindi, sige ok lang. Ipapacancel ko nalang yun." 



"Huwag mong gagawin yan. Nag-uumpisa ka palang tas ganyan agad. Pupuntahan ko kayo. Text mo saken ang room number."


"Sige. Thank you."


Kathryn picked up her bag at nagpaalam sa team nya then she remembered na yung van lang ang dala nila. They still need to pick up some clothes from the boutique of a shop Kath endorses. "Beh, bring the van nalang. Kami na ang magko-commute," Jan told her but Kathryn shook her head. "Marami yung kukunin nyo doon, ako nalang ang magcocommute."


Nasa ganoon silang pag-uusap when Wade approached them. "Kathyrn, saan ang punta mo?"


"St. Luke's."


"Sabay ka na sa akin, on the way naman yun sa pupuntahan ko."


"Really? Thanks."

.

.

.






Unknown to them, may nakabuntot na reporters sa car ni Wade. Scoop ulit para sa mga marites. 

They Don't Know About UsWhere stories live. Discover now